Chapter 27

486 11 0
                                    

TWENTY-SEVEN:

"Madalas ka nga pa lang kumustahin sa'kin ni ate Chloe." Pagbubukas ko ng panibagong usapan habang nasa gitna kami ng daan. Tuloy-tuloy lang sa pagmamaneho si kuya Jake na parang walang narinig kaya muli kong binuka ang bibig ko para ulitin ang sinabi ko. "Ang sabi ko, madalas kang kumustahin sa—"

"Narinig ko. Di mo kailangang ulitin." Putol niya agad sa'kin na parang biglang nagbago ang timpla sa pagbanggit lang ng pangalan ng ex niya.

"Hindi mo ba itatanong kung kumusta na siya ngayon?" Pangungulit ko sa kabila ng pananahimik niya. Masaya ako sa pangingialam sa buhay niya na may kinalaman kay ate Chloe. "Well, kahit hindi mo tanungin, sasabihin ko na rin... On and off pa rin ang relasyon ni ate Chloe sa boyfriend niya ngayon, at sa tingin ko di malayong tuluyan na silang maghiwalay."

Tumingin ako kay kuya Jake para tignan ang reaksyon niya at magiging komento niya pero wala.

Napabuntong-hininga na lang ako sa pagkadismaya. Mukhang malabo na talaga silang magkabalikan. Panay ang iwas ni kuya Jake kay ate Chloe na para bang wala na talaga siyang interes at pagtingin dito. Sayang naman, gusto ko si ate Chloe para sa kanya.

"Ano nga pala ang balita roon kay Reid?" Biglang tanong ni kuya Jake na sinasadyang maliko ang usapan namin. "Babalik pa ba yon?"

"Ang totoo, hindi ko alam. Walang masyadong nababanggit si Lola Carmen tuwing bumibisita kami ni Pepper sa kanya." Casual na sagot ko na hindi na ngayon apektado kapag ganitong si Reid ang pinag-uusapan. "Ang alam ko lang galit pa rin si Reid. Hindi siya interesadong makinig kapag tumatawag at nagkukuwento sa kanya si lola Carmen tungkol sa anak namin."

Hindi ko naman masisisi si Reid kung galit pa rin siya at kung hindi man niya matanggap si Pepper. Hindi basta mabubura ang nagawa ko sa kanya dahil lang sa dumaan ang isang taon. Alam kong naroon pa rin yung sakit na dinulot ko sa kanya lalo na't hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari ang pagsunod niya kay Bianca sa ibang bansa.

"Hayaan mo't mapapatawad ka rin niyon. Matagal at malalim na ang pinagsamahan niyo bilang magkaibigan, kaya alam kong mababalik at mababalik pa rin yon. Kailangan lang siguro ng kaunti pang panahon. At kung tungkol naman sa pagiging ama niya kay Pepper, sigurado akong lalambot din ang puso niya sa bata lalo na kapag nakita na niya ang kyut na kyut kong pamangkin."

Napangiti na lang ako sa mga sinabi ni kuya Jake kasabay ng pagsulyap ko kay Pepper na mahimbing ang tulog habang nasa mga braso ko. Umaasa pa rin naman ako na mangyayari rin iyon... hindi para sa'kin kundi para agad man lang kay Pepper.

"Nandito na tayo." Anunsiyo ni kuya Jake nang pinarada niya ang kotse sa tabi. "Anong oras ko kayo susunduin?"

"Hindi ko alam e. Balikan mo na lang kami pagkabili mo ng pasalubong." Sagot ko sa kanya bago bumaba karga si Pepper na tulog pa rin.

"Pakigandahan na lang po tito Jake ang bibilhin mo sa'kin." Pahabol ko sa pinaliit na boses na parang si Pepper saka tuluyang bumaba.

Sa pag-alis ng sasakyan, pumasok na rin kami sa loob matapos kaming pagbuksan ng isang kasambahay. Sinalubong rin kami ni lola Carmen nang makapasok rin kami sa loob.

"Ay, nakalimutan kong linggo nga pala ngayon at bibisitahin ako ng apo ko." Bati agad ni lola Carmen kay Pepper habang pumapala-palakpak ng nakangiti sa harapan namin.

Ngumingiti-ngiti rin si Pepper sa lola niya pero hindi nagpapakarga kahit anong pilit. Hindi pa rin kasi dito sanay si Pepper na masyadong mailap sa taong hindi niya madalas makita. Pero ganoon pa man, kontento na si lola na makita at makipagngitian sa apo niya.

"Meron nga pala ditong lasagna, kain kana muna iha..." yaya ni lola na dinala ako sa hapagkainan. Tatanggi sana ako pero nalabas na niya ang tinutukoy na pagkain.

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon