ONE:
Noong bata pa ako, hindi ako ganoon kasociable pagdating sa ibang tao. Kung may importante man sa'kin na pinagbubuhusan ko ng oras at panahon, yon ay ang pag-aaral. Masyado akong uhaw sa mataas na grado kaya ginagalingan ko sa bawat klase. Ang hindi ko lang inasahan, ay magiging dahilan pala iyon para kainisan ako ng nga kaklase ko. Ang tingin kasi nila sa'kin ay sipsip at pabibo lagi sa mga teachers namin. Nilayuan nila ako at wala akong naging kaibigan kahit man lang isa. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko noong mga panahong iyon na mag-isa lang ako at laging napagdidiskitahang pag-usapan at pagtawanan. Nang di ako nakatagal sa ganoong klaseng sitwasyon, nagdesisyon akong lumipat ng school na hindi sinasabi sa pamilya ko ang totoong rason. Sinuportahan naman nila ako sa gusto ko kaya buo ang loob kong lumipat. Peri gano'n pa man, dala-dala ko pa rin ang pangamba na baka matulad rin lang ulit ang nangyari sa'kin sa nauna kong school. Kaya pinilit kong magpakanormal na estudyante ayon sa depinisyon nila. Binawasan ko ang sobra-sobra kong pag-aaral at maging pagiging aktibo sa klase para lang di masabihang nerd, Ms. All knowing, sipsip, at pabibo sa klase. Hindi na ko nagrerecite o nagpapakaperfect sa exam. Sinuko ko na rin ang pagbabasa ng libro at ang madalas na pagtambay sa paborito kong lugar, ang library.
Then there nagkaroon ako ng kaibigan, iyong totoo na halos pamilya na ang turing sa'kin, sina Meg, Caleb, Kurt, and Reid. Di nagtagal nailabas ko rin sa kanila ang tunay na ako. Kapag kasama ko sila, ayos lang na magdala at magbasa ako ng books, magkuwento at magpaliwanag tungkol sa science at mga weird na bagay. Binabahagi ko rin sa kanila ang talinong meron ako sa tuwing may exam kasama na ang pagpapakopya.
There's the popular kid, Reid na nahahawaan kami ng kasikatan. Athlete at basagulerong si Caleb na kinatatakutan ng lahat. At dalawang magkapatid na rich kids na si Meg at Kurt na kung saan saan kami dinadala kahit out of the country na libre. Actually, there's one more, si Lily, pero wala na siya sa grupo simula ng agawin niya ng patalikod ang boyfriend ni Megan.
Mas naging masaya at makulay pa ang buhay teenager ko, nang magkagusto ako kay Reid.
"Kuya Gian, saan ka pupunta?" halos patakbo akong humahabol sa kapatid ko na mukhang nakalimot sa pinag-usapan namin. "Kuya, ihahatid mo pa ako mamaya sa part—"
"I'm sorry, Sizzy. Pero kailangan ako ngayon ni Hailey. It's important. Hindi kita mahahatid ngayon. Pero kung wala na talagang ibang paraan, you can ask Jake."
"No way!" halos sumigaw na ako. Not Jake. Of all people, hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa kapatid ko sa labas. Ni hindi ko nga siya kinakausap, tapos dahil lang sa kagipitan ko sa masasakyan, bigla ko na lang siya kakausapin. No way! "Hindi na lang ako pupunta sa lakad ko."
"Okay, then don't go. Marami pa namang ibang party na darating sa buhay mo, Sizz. Bye!"
At bigla na lang lumaho na parang bula ang magaling kong kapatid. I can't believe na nagiging pabayang kapatid na si Kuya Gian nang dahil lang sa girlfriend nito. Ni hindi siya dating ganito sa'kin noon.
I pulled out my phone from my pocket. "Hello, Meg? I'm sorry, but I can't go. Wala akong masasakyan."
"No way, Sizz. Dapat nandito ka! Just wait there, susunduin na lang kita." Sagot ni Megan mula sa kabilang linya.
"Pero mapapalayo ka kung dadaanan mo pa ako di—"
"Huwag ka ng mag-alala, basta maghintay ka na lang diyan."
Napatango na lang ako kahit hindi niya ako makita. "Okay. Thanks, Meg. You're the best! See you later."
Kung ganoon wala ng problema, kailangan ko na lang na ayusin ang sarili ko. I look for something to wear. Tight jeans and loose top which is my style. Just add right accessories, hairs up, and done.

BINABASA MO ANG
Stumble & Fall
ChickLitAng tanging gusto lang naman ni Sizzy ay ang magustuhan at mahalin ni Reid. Pero mukhang kahit anong gawin niya, 'yon ang bagay na pinakamalabong mangyari.