NINE:
Ilang araw na lang graduation na!
I don't know what will happen next, ang alam ko lang magiging mahirap para sa'kin ang pumasok na hindi na makikita o makakasama ang barkada. Iba-ibang landas na ang tatahakin namin at hindi ko alam kung magagawa pa rin naming magsama-sama ng madalas at kumpleto.
Pero habang hindi pa nangyayari ang tuluyang paghihiwalay, sinusulit na namin ngayon ang samahan. Sa katunayan pangatlong araw na kaming namamalagi sa isang resort sa Baguio.
"Sigurado na ba talaga kayo na sa ibang bansa kayo mag-aaral?" di ko mapigilang malungkot habang iniisip na aalis na sina Megan, Caleb at Kurt sa mga susunod na linggo.
"Nandito pa naman ako, Sizzy!" saad ni Reid na kararating lang at mukhang narinig ang pagdadrama ko.
"And, me!" dagdag ni Kurt. "Six months lang naman ako sa Canada, hindi tulad ng dalawa. Babalik rin ako agad."
"Kahit na," daig ko pa ang bata sa pagkakabitiw ng salita. "Magkaiba tayo ng school, Reid kaya hindi rin naman tayo magkikita. Matagal ang six months, Kurt. At sa pagdating mo, I'm sure magiging busy ang taga-pagmana. At mas lalong matagal ko naman kayong hindi makikita Megan at Caleb. Makipag-reconcile na lang kaya ako kay Lily. Ang alam ko, same school lang kaming papasukan."
Malalaking hakbang ang ginawa ni Megan papunta sa'kin para lang hilahin ang tenga ko. "'Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin. Dahil magsisisi ka lang naman kapag inagaw ni Lily ang kung sino mang magiging first boyfriend mo."
"And," umupo sa mismong tabi ko si Reid. "Even we're in different school, I'll make sure na madalas tayong magkikita, Sizz."
Napangiti ako sa sinabi ni Reid pero sandali lang dahil ilang segundo lang nasa malayo na ang tingin nito na nakakita ng magandang babae.
Ang totoo, hindi ako natuwa o mas dapat sabihing may selos akong naramdaman. Pero hindi ko kailangang magpahalata dahil bukod sa wala akong karapatan, wala rin itong idudulot na maganda. Ayokong isipin ni Reid na malalim pa sa pagkagusto o atraksyon ang nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi ko mapigilang hindi tignan si Reid habang hinihingi ang phone number ng babae mula sa hindi kalayuan. Kaya para mabaling sa iba ang atensyon ko, sinamahan ko na lang sa pool ang tatlo kahit na wala akong balak maligo.
Umupo ako sa gilid ng pool malapit sa kanila. Kahit gusto kong tumalon sa nang-aanyayang tubig, hindi rin pwede dahil hindi ako marunong lumangoy.
"Kumusta na pala 'yong list mo, Sizz?" biglang ungkat ni Kurt nang maalala ang bagay na mukhang nakalimutan ko na rin. "Completed?"
"Almost." Si Megan ang sumagot na mas nakakaalam dahil lagi ito ang may hawak na parang mas pagmamay-ari niya. "Isa na lang."
"At ano 'yon?" naiintriga ring tanong ni Caleb na sumali na rin sa usapan matapos ang ilang ulit na paglangoy.
"The last number in the list.."
Pipigilan ko sana sa pagsasalita si Meg nang naging mabilis ang pagtabil ng dila nito. "S-e-x!"
Pinilit ng dalawa na hindi tumawa sa harapan ko kaya malaki ang pagpipigil nito kahit ang magbiro. Pero hindi si Reid na sumali na rin matapos iwan ang babae kanina.
"Sa kaso ni Sizzy, I'm sure hindi niya makokompleto ang List. She's our forever baby. Unless, dumating ang araw na maging desperada siya, but I really doubt that."
Alam kong biro lang ang sinabi ni Reid pero hindi ko maiwasang lihim na masaktan. Para na rin kasi niyang sinabi na imposible niya akong magustuhan. Wala akong sinabi pabalik at nanahimik na lang. Maya-maya naisipan kong maglakad-lakad hanggang sa mapadpad ako sa ibang pool malayo sa barkada.

BINABASA MO ANG
Stumble & Fall
ChickLitAng tanging gusto lang naman ni Sizzy ay ang magustuhan at mahalin ni Reid. Pero mukhang kahit anong gawin niya, 'yon ang bagay na pinakamalabong mangyari.