Fifty-Five:
Reid's POV
"Nandito na tayo." Sambit ko kay Sizzy nang marating na rin namin ang hotel restaurant. Nakaidlip siya sa biyahe kaya di niya ako narinig.
"Sizzy," tawag ko ulit sa kanya habang napapatitig ako sa maputla pa rin niyang mukha. Ganito na lang ba talaga siya kaapektado sa hiwalayan nila ni Jarred para pabayaan niya na lang ang sarili niya ng ganito? Wala ba siyang sapat na tulog dahil sa kakaisip sa gagong yon?
Mula kay Sizzy, napunta ang tingin ko kay Pepper na napakapormal lang na nakaupo at hindi naglilikot. Kinuha ko siya saka muling ginising si Sizzy kasabay ng isang tapik na nagpamulat na rin dito.
Nagpungas pa siya ng nga mata nang magising siya. "Nakatulog pala ako?"
May dark circles sa mga mata niya, malaki ang eyebags, at halatang walang buhay ang katawan niya. Habang napapansin ang detalye ng mukha at mababang enerhiya niya ngayong araw, wala akong mapaglagyan ng sisi kundi si Jarred. Mas lalo lang lumalalim ang galit ko sa kanya at sa ginawa niya. Makita ko lang talaga ang gagong yon, baka kung anong magawa ko sa kanya.
"Let's go…" Yaya ko kay Sizzy matapos kong burahin muna sa isip ko ang lalaking nagpapakulo ng dugo ko. Inalalayan ko siyang bumaba ng sasakyan hanggang sa makapasok kami sa elevator dahil halatang matamlay talaga ang buong katawan niya.
"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya para alamin ang estado ng nararamdaman niya. Handa akong makinig sa kanya kahit na ikaririndi ng tenga ko ang marinig at maalala ulit ang panloloko sa kanya ni Jarred.
"Oo naman." Sagot niya na napansin kong biglang nag-iwas ng tingin. "Gutom na ako…"
Isinawalang bahala ko na lang ang pagiging mailap niya. "Let's eat." Sambit ko kasabay nang pag-upo namin sa isang mesa kung saan nakahanda na ang pagkaing pinaghanda ko sa isa naming tauhan.
Habang inaasikaso ko si Pepper na may sariling upuan na angkop sa edad niya, biglang nabalik ang atensyon ko kay Sizzy na hindi ginagalaw ang pagkain sa harapan niya.
"Bakit? Di mo ba gusto ang nakahain?" Tanong ko sa kanya na agad niyang ikinailing.
"Hindi. Mukhang masarap nga e." sagot niya na biglang napatayo. "N-naiihi lang ako. Punta muna ako sa banyo."
Tatango sana ako sa kanya pero di ko na rin nagawa dahil mabilis na siyang tumalikod na nagmamadaling pumunta ng banyo. Kasabay ng pag-alis ni Sizzy ay ang pagtunog ng phone niya na nakapatong rin lang sa mesa. Wala naman sana akong balak pakialaman pa 'yon kung hindi ko nakita kung sino ang caller. Si Jarred.
Nakita ko kanina na binlock na siya ni Sizzy kanina nung hiniling ko sa kanyang gawin niya iyon, kaya di ko maintindihan kung bakit nagagawa pa rin niyang tumawag ngayon, unless… inunblock din siya agad ni Sizzy?
Malaking parte ng utak ko ang nagsasabi na damputin ang phone ni Sizzy kaya iyon ang ginawa ko. Sinagot ko ang tawag at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya.
"Sizz, pwedeng-pwede ka ng lumipat sa bahay ko sa San Fernando nextweek." sambit ni Jarred na ikinakunot ng noo ko. Aalis si Sizzy? Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi niya kaya mas nakinig na lang ako. "Pinalilinis ko na iyon sa care taker kaya wala ka ng poproblemahin pa pagdating natin roon. Walang alam tungkol dito si Jasmin dahil tingin ko di na rin naman niya kailangan pang malaman. So don't worry Sizz, everything will be fine..."
Aalis ba sila ni Jarred? Nakipagbalikan siya? O pumapayag ba siyang ipagsabay sila ng Jasmin ngayon?
Nanatili ang katanungang iyon sa utak ko kasabay ng pagpatay ko sa tawag na hindi kinokompronta si Jarred. Kung may kailangan man akong tanungin ngayon, iyon ay si Sizzy na malinaw na nagsinungaling sa'kin. Mukhang handa siyang magpakatanga kay Jarred at tinago niya sa'kin ang tungkol dito dahil alam niyang tututol ako.

BINABASA MO ANG
Stumble & Fall
ChickLitAng tanging gusto lang naman ni Sizzy ay ang magustuhan at mahalin ni Reid. Pero mukhang kahit anong gawin niya, 'yon ang bagay na pinakamalabong mangyari.