FORTY-FOUR:
Reid's POV
"Ang pretty naman ng baby namin..." rinig kong sabi ni Jarred habang pinupuna si Pepper. Nasa roof deck swimming pool kaming lahat. Suot ni Pepper ang regalo ko sa kanya na isang pink swimsuit na mas lalong nagpalantad sa kakyutan niya. "Pero hindi kaya lamigin naman siya sa nipis ng suot niya?"
Si Sizzy ang kausap ni Jarred, pero ako ang sumagot nang di ako makapagpigil na sumabat. "I'm sure she won't." Pinanatili kong mahinahon ang boses ko para hindi mahalata ng lahat kung gaano ako naoffend sa kinomento ni Reid.
"Pero masyadong malamig dito." Sabi ulit nito na lagi na lang hindi ko magustuhan ang lumalabas sa bibig niya. Ba't ba masyado siyang nangingialam. Kung makapagreact siya akala mo siya itong ama.
"I'll cover her na lang with this towel." Sambit naman ni Sizzy na pinulupot nga sa katawan ni Pepper ang hawak niyang isang makapal na tela. Pakiramdam ko tuloy ako ang natalo. Bakit ba kailangan siyang sundin ni Sizzy? Gano'n ba kahalaga ang opinyon niya?
"Reid, may tumatawag sa phone mo..." sabi sa'kin ni tito Richard na katabi ko. Agad ko ring sinagot ang tawag at lumayo ng ilang distansya mula sa kanila.
"Bakit ka napatawag?" bungad ko kay Inigo sa kabilang linya.
"Ba't parang masama naman 'yang mood mo?" sagot niya na nababasa ako kahit hindi niya nakikita ang magkasalubong kong kilay. Mukhang dahil iyon sa boses ko. "May nangyari ba? Si Sizzy na naman ba 'to?"
"Hindi. Her annoying boyfriend. Nandito rin si Jarred, kararating lang kahapon."
"Hmm. Interesting..." sambit ni Inigo na hindi ko alam kung para saan ang sinabi niyang iyon pero di ko na lang pinansin. "Ngayon na ang balik mo dito, right?"
Nasa cellphone ang tenga't pandinig ko, habang ang mga mata't paningin ko ay nasa kay Jarred na siya na ngayon ang may karga kay Pepper. "I think I'm going to extend my stay here."
"What? Di'ba sabi mo two to three days ka lang naman diyan?"
"At ano? Hayaan ko na lang na agawin sa'kin ni Jarred ang pagiging ama ko kay Pepper? Kung nakikita mo lang siya ngayon dito, parang kulang na lang gawin niyang kamukha si Pepper para masabi lang na siya ang ama."
Isang halakhak na tawa ang tanging narinig ko sa kabilang linya na lalong ikinainit ng ulo ko. "Pinagtatawanan mo ba ako?"
Sandali itong natigilan sa pagtawa saka nagsalita. "Wala akong nakikitang masama sa pagpapaka-ama ni Jarred. Boyfriend siya ni Sizzy, at pwedeng siya na rin ang mapangasawa nito. Kaya kung magkataon man, he'll be the stepfather of Pepper, kaya tama lang mapalapit na siya sa anak mo..."
Hindi ko namamalayang humigpit na ang hawak ko sa phone. "Tama na ang isang ama para kilalanin ni Pepper, and that's me. Hindi niya kailangan ng panibagong ama..."
"Para namang may magagawa ka sa bagay na 'yan. Unless, maghiwalay ang dalawa at ikaw na itong makatuluyan ni Sizzy. And with that, wala ka ng problema sa anak mo na may kikilalaning ibang ama."
"No way. That won't happen. That's the last thing na gugustuhin kong mangyari." mariing sagot ko. Mas lalo lang akong nainis kay Inigo. "Bakit ka ba napatawag?"
"Tumawag ako para pabalikin kana dito. I need you here to—"
"Kaya mo na 'yan. Hindi pa ako pwedeng umuwi. Not now. Bye." Sabi ko sabay end ng call. Matapos ang tawag, bumalik ako sa kanila at dumiretso kay Pepper para kunin siya kay Jarred.
"Anong pinag-uusapan niyo?" singit ko sa kasalukuyang pinagkukwentuhan nila. Si ate Aries ang nangunguna sa pagkuwento tungkol sa bundok na inakyat na nila ng ilang beses noon.

BINABASA MO ANG
Stumble & Fall
ChickLitAng tanging gusto lang naman ni Sizzy ay ang magustuhan at mahalin ni Reid. Pero mukhang kahit anong gawin niya, 'yon ang bagay na pinakamalabong mangyari.