THIRTEEN:
"Four years..." Bulalas ko habang magkakaharap kami at kanina pa sinasariwa ang mga nangyari noong mga nakaraang taong pagsasama naming bilang magkakaibigan. "Ang tagal na rin pala. Ngayon rin lang tayo nagkaharap-harap ng ganito, ang sarap lang sa pakiramdam knowing that we're still solid just like we were before."
"Ayan na naman ang madramang speech ni Miss Castañeda," sabat ni Caleb na nasa kabilang linya gamit ang video call. Kahit wala man ang pisikal na anyo niya sa tabi namin, ramdam pa rin naman namin ang pagkabuo dahil sa presensiya niya.
"Mas masaya sana kung nandito ka ngayon Caleb." Singit ni Kurt. "Sabihin mo nga, nag-aaral ka ba talaga diyan, o nagtatago ka lang sa mga kaaway mo dito?"
"O baka may nabuntis ka lang naman dito?"
At nagtawanan ang lahat. Hanggang ngayon ginagawa naming isang malaking joke ang pagpapakadibdiban ni Caleb sa pagdodoktor na malayong-malayo sa imahe personalidad nito noon na walang kaseryosohan sa pag-aaral at tanging pakikipagbasag ulo lang ang tanging alam.
Nagpatuloy ang pag-aasaran, kwentuhan, at walang katapusang asaran ulit hanggang sa lumalim na ang gabi. Walang ni isang gustong umalis maliban kay Bianca na nagyaya na kay Reid na umuwi. Bagaman gusto kong tumutol at pigilan ang pag-alis ni Reid, wala na rin naman akong nagawa.
Iyong kaninang sayang nararamdaman ko ay parang bigla na lang nabawasan sa pag-alis nila. Dati rati, ako lang ang inaalala, hinahatid, sinusundo ni Reid sa tuwing may ganitong mga okasyon... pero nag-iba na simula noong naging sila ni Bianca.
Matagal ko ng natanggap ang magdadalawang taong relasyon nilang dalawa. Pero bakit ganoon? Ang hirap umiwas sa kung ano mang sakit na dapat hindi ko na ngayon nararamdaman pa.
"Okay lang 'yan, Sizzy. Makikita mo, maghihiwalay din ang dalawang 'yan!" biglang sabi sa'kin ni Bianca na mukhang napansin ang agad na pagbabago sa mukha ko.
Napatingin tuloy sa'kin si Kurt na hindi na rin naman nabigla sa narinig. "Gusto mo paabangan natin 'yan si Bianca? Sabihin mo lang Sizz."
Hindi ko napigilang matawa at sumakay sa biro ni Kurt. "Paano kong pumayag ako, ano naman ang plano niyong gawin kay Bianca?"
"Ikulong sa isang kwarto kasama ko. Isang araw lang, mahal na ako niyan."
Nabatukan ko siya. "Gusto mo bang mangyari ulit ang gulo sa inyong dalawa ni Reid dahil lang sa isang babae?"
"Okay lang. Alam kong pagbabatiin mo rin lang naman kami agad."
"Tigilan mo na nga 'yan at baka seryosohin mo pa. Tulad ng sinabi ko kanina, masaya ako na makitang masaya si Reid."
"Pero mas masaya sana kami, kung kayo ang magkakatuluyan." Singit ni Caleb na hindi nawawala sa eksena. "Kasi naman, nanghihinayang lang naman kami sa pinalagay mong tattoo diyan sa katawan mo kung iba rin lang naman ang lalaking makakatuluyan mo."
At muling tawanan ang namayani sa pagbanggit ng tattoo na mahirap ng mabura 'di lang sa katawan ko kundi pati na rin sa alaala ng mga kaibigan ko. Nagpapasalamat na lang ako na wala si Reid sa mga oras na 'to dahil kung naririnig lang niya ito, paniguradong nagtago na ako sa kahihiyan.
Nagpatuloy pa ang mga pang-aasar nila na parang halos ako ang naging sentro ng tuksuhan. Tuluyan lang natapos ang katuwaan nang tinamaan na ang halos lahat ng antok. Dala na rin ng kalasingan kaya, hindi na nag-abala ang kahit sino sa'min ang lumipat ng kwarto.
Nakatiwang-wang ang mga bote ng alak sa mesa't sahig, habang nakahilata ang mga katawan namin sa kung saan din kami nakapwesto kanina.
Lagpas hating-gabi pero tanging pagpikit lang ng mata ang nagawa ko. Hindi ko magawang makatulog kahit pa sabihing puyat ako at may tama ng alak. Samantalang ang magkapatid na sina Kurt at Megan ay parehong bagsak at humihilik sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
Stumble & Fall
Chick-LitAng tanging gusto lang naman ni Sizzy ay ang magustuhan at mahalin ni Reid. Pero mukhang kahit anong gawin niya, 'yon ang bagay na pinakamalabong mangyari.
