Chapter 26

539 9 0
                                        

TWENTY-SIX:

"Pepper, baby... beautiful eyes nga."

Halakhak ang kumuwala sa bibig ko habang kyut na kyut na ginagawa ni Pepper ang sinasabi ko. Sampung buwan na siya ngayon at simula nang ipinanganak ko siya, wala siyang ibang pinaramdam sa'kin kundi kasiyahan. Sobra ko mang pinagsisisihan ang nagawa ko kay Reid, pero hindi ang pagdating ni Pepper sa buhay ko.

Naging mahirap sa'kin noon ang bumangon dahil pakiramdam ko malaking parte ng pagkatao ko ang kinuha nang iwan ako ni Reid. Masakit na hindi ko masukat kung gaano nagdusa't nagpakalugmok. Pero buti na lang, natauhan ako't nalinawanagan, na hindi napipilit ang lahat. Na kung hindi talaga para sa'yo, hindi para sayo. At hindi para sa'kin si Reid. At kaya ko rin palang mabuhay ng wala siya.

"Ma—ma..." tawag sa'kin ni Pepper na nakakatuwa kung paano niya bigkasin ang salita sa matinis na boses. Kinarga ko siya't tinitigan.

Kitang-kita ang pagkakahawig namin ng mata na tanging anyo na nakuha niya sa'kin. Yung iba mula ilong, bibig at hugis ng mukha ay namana niya naman kay Reid. Kaya sino man ay makakapagsabing anak siya ni Reid at hindi ng kung sinong lalaki na tulad sa kumalat noong tsismis.

"Ayan, christmas na rin tayo dito sa bahay." Sabi ni ate Aries na katatapos lang sa pagdedecorate ng christmas tree katulong si Xion.

Disyembre na at mas ramdam nga naman talaga na malapit na ang pasko kapag may mga dekorasyon na sa loob at labas ng bahay.

"Mukhang kailangan ko na ring magpadecorate sa shop." Sambit ko nang malala kong wala pang kadeko-dekorasyon sa bakeshop.

Lumalaki na ngayon ang sarili kong negosyo na isa rin sa nagpapasaya sa'kin. Wala rin kasi akong interes sa pagpasok sa Le Wish, kompanya na pagmamay-ari ng pamilya namin. Kaya rin nga siguro nagkakaintindihan kami ni Jarred, dahil halos pareho rin lang kami ng sitwasyon, ang kinaibahan lang, sinusuportahan ako ng sarili kong pamilya sa gusto ko di tulad niya.

"Ba't hindi ka nag-gym kahapon? Every Friday and Saturday yun di'ba?" tanong ni ate Aries.

Mula isang buwan matapos akong makapanganak, naging suki na ako ng gym, hindi lang para magpapayat kundi para na rin maging healthy. Tuluyan na rin kasi akong nahawaan ni Jarred na siyang humatak sa'kin sa mundo ng healthy lifestyle. Hanggang sa namalayan ko na lang na ganoon na rin ako tulad niya, na conscious sa mga kinakain, at pangangatawan.

"Tinatamad ako eh. Hindi ako sanay na mag-isa lang. Nitong Friday nang magwork out ako sa gym mag-isa, para akong tanga na walang kasama." Noon pa man, ako na ang tipo ng tao na hindi sanay mag-isa. Kaya nga ito ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko mapakawalan si Reid... naging parte na kasi siya ng sistema ko, itinuring ko ng permanente sa buhay ko. Sa tinagal-tagal ko siyang naging kasama, kapartner, kasandayan sa lahat ng bagay, inakala kong panghabang buhay na iyon.

Kaya nang dumating si Reid, parang napunan ulit ang bakanteng espasyo sa tabi ko. Wala na rin kasi si Megan na isa rin sana sa inaasahan kong kasa-kasama. Bumalik na rin siya sa ibang bansa kasama si Kurt kung saan naghihintay ang trabaho't buhay nila. Ni hindi ko alam kung magagawa nilang magbakasyon ngayong darating na pasko.

"Ayun, nagkakahilig ka lang sa pagwowork-out kapag nandiyan si Jarred? Baka naman kasi hindi talaga pagpapapawis ang sinasadya mo roon tuwing kasama mo siya... Nagpapacute ka lang yata sa kanya eh."

"Sira!" tawang saad ko na ikinatawa din ni ate Aries. "Parang akala mo naman patay na patay ako sa kanya."

"Oo nga pala, buhay na buhay ka kasi sa kanya. Kaya nga parang wala kang buhay ngayong wala siya. Umayos ka Sizzy, alalahanin mong may anak ka. Masyado pa siyang bata para maulila."

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon