Chapter 30

804 13 17
                                    

THIRTY

Habang nagmamaneho, walang ibang laman ang isip ko kundi ang nangyaring biglang pagdalaw kanina ni Reid sa bahay at pagkuha niya kay Pepper para makasama ito ng isang gabi. Paulit-ulit kong inisip kung kumpleto ba ang naipadala kong gamit kay manang. Ilang pares ng damit, diaper, dede, gatas, off lotion, gamit panligo—

Nang maalala ko ang bagay na kulang, bigla akong napahinto sa pagmamaneho dahilan para sigawan ako ng mura ng driver ng nasa likod kong sasakyan.

“Kung balak mong maaksidente, huwag kang mangdamay ng ibang tao! Ingat ingat din!” sigaw pa niya sa’kin nang magkatapat kami bago siya tuluyang nag-overtake.

“Sorry po.” balik ko sa kanya na hindi ko alam kung narinig niya dahil humarurot na ito palayo sa’kin. Aminado naman ako na may kasalanan ako, pero buti na rin talaga na walang collision na nangyari dahil sa kapabayaan ko. Sadyang habit ko na rin talaga ang magzone out sa tuwing may inaalala ako at nagkataong habang nagmamaneho lang naman ako ng inatake ako ngayon ng katangahan kong ito.

Mas naging maingat at focus na ako sa pagmamaneho hanggang sa marating ko rin ang pastry shop. Sa labas pa lang, pansin ko na ang malaking pagbabago na napapalibutan na ngayon ng Christmas decoration.

“Merry Christmas,” pambungad na bati ko kay ate Chloe at sa empleyado naming naroon. Marami-rami na ring customer na nakapila sa counter. “Nagustuhan ko ang bagong ayos ng shop natin. Sorry nga pala kung ngayon lang ako nakapasok, ate Chloe.”

Hindi ako nakatulong sa pagdecorate ng shop, pero masaya pa rin ako sa kung ano mang kinalabasan. Sinunod nila ang kahilingan kong gawing white Christmas ang tema ng dekorasyon.

Si ate Chloe ang kasosyo ko sa shop. Noong unang beses na natikman niya ang cupcake na ginawa ko, nagustuhan na niya iyon at bigla’t bigla, inalok na lang niya akong magtayo kami ng negosyo. Bagaman nag-alinlangan ako noong una, wala naman akong pinagsisihan ng mapapayag niya ako dahil sa naging patok ang negosyo namin. Napakabilis na lumago at lumaki ang negosyo namin na suki na rin ng kahit anong event. Balak na rin nga namin ang tumayo pa ng panibagong branch sa ibang lugar.

“It’s okay. Of course, I understand. Kumusta na ba ang inaanak ko?” tanong ni ate Chloe na agad ko namang kinuwento sa kanya ang maayos na ngayong kalagayan ni Pepper at maging ang tungkol sa pagsulpot ni Reid sa buhay ng anak ko.

“Ano naman ang pakiramdam mo ngayong nakita mo na ulit si Reid?”

“Masaya ako dahil nandito na siya ngayon para kay Pepper. Pero nandito pa rin yong konsensya dahil ‘yon yung pinaparamdam niya sa’kin sa tuwing tinitignan niya ako na para bang hindi niya ako mapapatawad.”

“M-may nararamdaman ka pa ba sa kanya… mahal mo pa ba siya?” biglang tanong ni ate Chloe. Nang pinagkunutan ko siya ng noo dahil sa klase ng tanong niya, muli siyang nagsalita. “Chinecheck ko lang naman, dahil kung meron nga kahit maliit na porsyento, aba dapat ko ng tawagan si Jarred para pabalikin dito. Mahirap na, baka mawalan pa siya ng tiyansa sa’yo kung firstlove ba naman ang malaking karibal niya…”

Umiling-iling ako ng paulit-ulit habang natatawa. Pinagkrus ko ang mga braso ko’t saka sumagot. “Wala na ‘yon. Matagal na akong nagising sa katotohanang, walang magiging kami. Kung may gusto na lang akong mabalik, ‘yun ay ang pagkakaibigan namin na mukhang malabo na ring mangyari. Kontento na rin lang ako ngayon, na tanggap na niya si Pepper.”

Mula kay ate Chloe, nabaling ang tingin ko sa cellphone ko para tignan kung may mensahe na mula kay Reid. Tinext ko kasi sa kanya ang tungkol sa gamot ni Pepper na siyang nakalimutan kong isama sa gamit na dala nila kanina.

“Panglima na ‘yang ginagawa mong pagsilip sa cellphone mo.” Pansin niya. May pagkaprangka si ate Chloe kaya wala na rin akong nililihim sa kanya. “Nag-aalala ka ba kay Pepper?”

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon