Chapter 19

460 11 2
                                    

NINETEEN

"You are pregnant, Ms. Castañeda."

Ang anunsyong iyon mula sa doctor ay parang musika sa pandinig ko. Hindi ko nga lang maipakita ang tuwang nararamdaman ko dahil kay Reid na kasalungat sa'kin ang nakikita kong ekspresyon ng mukha niya.

Alam ko kung ano ang epekto sa kanya ng balitang magkakaanak na kami... dahil sinira ko lang naman ang pangarap niyang pamilya kasama si Bianca. Pero gano'n pa man, ayokong magpaapekto rin doon. Gusto kong positibong isipin na magiging masaya din si Reid sa piling ko at anak namin... na sa bandang huli, matututunan din niya akong mahalin.

Sa kabila ng hindi komportableng nararamdaman ngayon ni Reid sa narinig niyang resulta, alam kong magiging mabuting ama siya sa pinagbubuntis ko. Katunayan nga, dapat si Megan ang kasama kong magpapacheck-up ngayong araw, pero nabigla na lang ako nang tinawagan ako ni Reid kahapon para sabihing sasamahan niya ako... na hindi niya ako hahayaang mag-isa... na magkasabay naming haharapin ito.

"Ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Reid na matapos ang mahabang pananahimik namin sa loob ng kotse na hindi pa niya magawang mapaandar.

"Oo." Sagot ko habang pinapakiramdaman pa rin siya. Gusto ko rin siyang itanong kung ayos lang siya pero hindi ko na itinuloy dahil alam ko na rin naman ang tunay niyang nararamdaman.

"Reid, pangangatawanan mo ba ako?" hindi ko alam kung paano iyon dumulas palabas ng bibig ko. Gusto ko lang makasigurado na hindi siya magdadalawang isip na piliin ako.

Isa muling mahabang katahimikan ang naging sagot ni Reid na siyang ikinakaba ng dibdib ko. Tatalikuran ba niya ako? Hindi ba niya kayang iwan si Bianca?

"Reid..." mahinang sambit ko habang hindi ko na mapigilan ang maluha. "Ayokong lumaki ang anak ko ng walang ama."

Kung may unang tao mang makakarelate sa sinabi ko, si Reid iyon. Dahil lumaki siyang halos parang walang magulang. Lumaki si Reid sa kanyang lola dahil pareho ng may kanya-kanyang asawa ang mga magulang niya.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Reid habang pinapatahan niya ang pag-iyak ko. "Gaya ng pinangako ko, pananagutan kita. Hindi mo 'to kailangang harapin ng mag-isa."

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya para siguraduhin ang isang bagay. "Si Bianca? Paano si Bianca?"

Nabalot ng lungkot ang mga mata ni Reid na para bang hirap iproseso ang naging katanungan ko. Kaya naman nagulat ako sa minutong sinagot niya ako.

"Makikipaghiwalay na ako sa kanya. Dahil 'yon ang dapat."

Napayakap ako ng mahigpit kay Reid habang hindi ako makapaniwalang bubuo ako ng pamilya kasama siya.

***

Kinabukasan nangyari ang pagtatapat ko sa'min tungkol sa pinagbubuntis ko. Hindi nawala sa tabi ko ng mga sandaling iyon si Reid. Hinarap niya si Dad, Kuya Gian at Kuya Jake na bagaman nagalit sa una, huminahon at tinanggap rin ang lahat.

Lalo akong humanga kay Reid sa kung paano niya sinuguro sa pamilya ko na pakakasalan at aalagaan niya ako't magiging anak namin. Para sa isang tao na may mahal ng iba, nagawa niyang talikuran iyon para magpakalalake't gawin ang dapat.

"Okay ka lang?" pangungumusta ko kay Reid nang kami na lang na dalawa ang natira sa sala. "Pasensiya na sa paglilitis na ginawa sa'yo ni Dad at kuya ko."

"Wala 'yon. Ang importante, tiwala na sila na hindi kita iiwan o pababayaan." Sagot ni Reid na nakangiti pero hindi ganoon kasaya. Para bang pinipilit lang niyang pagtakpan ang totoong nararamdaman niya.

Tinigil ko bigla ang pagkilatis na ginagawa ko kay Reid. Ayokong maapektuhan ang masaya't positibong pananaw ko dahil lang sa bawat maling ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya.

"Alam mo Reid, sa tingin ko handa na akong maging ina." Kompyansang saad ko kahit hindi ko pa naranasan ang mag-alaga ng bata. "Parang gusto ko nga siyang makita. Ano kaya ang gender niya? At ano ang ipapangalan natin sa kanya kung sakaling babae o lalake siya?"

"I'm sorry Sizzy." Sambit ni Reid sa sa apologetic na mukha. "Pakiramdam ko I'll be forever guilty sa pagkait ko sa'yo ng pagkakataong makatagpo ng lalakeng dapat mamahalin mo. Dahil lang sa kalasingan ko that night, eto matatali ka sa'kin—"

"Reid..." putol ko sa kanya. "Wala kang dapat ikaguilty o ikahingi ng tawad. Sinabi ko naman sa'yo at paulit-ulit kong sasabihing, 'wag mong sisisihin ang sarili mo. Dahil noong oras na siniguro mo sa'king pangangatawanan mo ako, tinanggal mo ang takot at pag-aalinlangan ko... naging buo ang loob kong harapin 'to kasama ka..."

Nakita ko kung paano umusbong ang luha mula sa mga mata ni Reid matapos ang mga binitiwan kong salita. Naramdaman ko na rin lang na lumapit siya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.

"Ang totoo," sambit ni Reid na hindi pa rin bumibitaw sa mahigpit na pagkakayakap sa'kin. Pero kahit na hindi ko makita ang mukha niya ng harapan, ramdam ko pagpigil niya ng iyak. "Mahirap sa'kin'to, Sizzy. Napakahirap... Isipin ko palang si Bianca, parang gusto ko ng panghinaan ng loob... umatras... tumakas sa responsibilidad ko... but believe it or not, pinaglalaban ko Sizzy... pinaglalabanan ko ng sobra-sobra."

Bigla na rin lang tumulo ang mga luha ko sa pag-amin ni Reid. Masakit na makita at marinig mula sa kanya kung paano siya nahihirapan. Pero mas masakit ang katotohanang nagdalawang-isip siyang pangatawanan ako.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Reid para harapin siya. "Hindi ko kaya 'to ng mag-isa Reid... Huwag mo sana akong bitawan—"

"Sshh..." hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko habang pinapatahan ako sa pag-iyak. "I won't do that. Sabi ko naman sa'yo, pinaglalabanan ko ng sobra-sobra diba... kaya hindi mangyayari ang iniisip mo. Hindi ko hahayaang harapin mo 'to ng mag-isa dahil dalawa na tayo dito."

Muli kong binalik at siniksik ang mukha ko sa matipunong dibdib ni Reid. "Salamat..." bulong ko habang nag-uumapaw ang emosyon ko. Mahal kita. Mahal na mahal.

-------⚠️------

pҨple:  Again, 'wag po sana tayong maging katulad ni Sizzy. Minsan may mga pagkakataon talaga na nababaluktot ang sariling paniniwala natin sa konsepto ng tama at mali dulot ng matinding emosyon na mahirap ikontrol. Wag mong hayaang maging biktima ka ng sarili mong kahinaan.

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon