FORTY-THREE
Reid's POV
"Xion, pumasok ka muna sa loob para magbihis. Kanina ka pa tinatawag ng mommy mo." Sabi ni Sizzy sa pamangkin niya na naglalaro nang buhangin habang nakapolo, maong pants at sapatos. Kagagaling lang naming lahat sa simbahan ngayong pang-umagang misa ng pasko. Pagkauwi namin dito sa resort, naglaro na si Xion agad sa buhangin. Kanina pa siya tinatawag ng mommy niya pero hindi man lang ito mapilit.
"Later tita, please." Sambit ni Xion sa nakikiusap na kamay at puppy eyes. Alam na alam na niya kung paano gumamit ng taktika para makuha ang gusto niya.
"Hayaan mo na si Xion." Gatong ko pero mukhang walang epekto 'yon kay Sizzy.
"Hindi pwede." Sagot ni Sizzy sa'kin at kay Xion sa final na tono. Lumapit siya kay Xion saka kinausap ng masinsinan. Sunod ko na lang na nalaman, humiwalay na si Xion sa binubuo niyang sand castle at pumunta sa loob na nakasimangot.
"Hinayaan mo na lang muna sana 'yong bata na maglaro, kawawa naman." Sabi ko kay Sizzy habang inaalala ang malungkot na mukha ni Xion dahil hindi siya napagbigyan sa gusto nito.
"Ayoko lang siyang masanay na laging pinagbibigyan. Kung kay ate Aries at kuya Gian pwede ang gano'n, sa'kin hindi. Ayokong maging konsintidor sa lahat ng oras." Paliwanag niya na bumaling din kay Pepper na karga-karga ko ngayon. "Kaya pagdating kay Pepper, huwag ka rin sanang maging konsintidor. Kung kinakailangang pagalitan, dapat pagalitan. Para hindi lumalaking pilyo at sakit ng ulo."
Napunta na rin kay Pepper ang atensyon ko na may kalakihan na rin. Ilang buwan na lang mag-iisang taon na rin siya at di magtatagal, darating at darating rin siya sa edad ng tulad kay Xion. Mukhang ngayon pa lang alam ko ng si Sizzy ang magiging mahigpit at ako ang magiging maluwag kay Pepper.
"Hindi lalaking pilya at sakit ng ulo ang dalaga ko. Right Pepper?" baling ko kay Pepper na walang ibang ginawa kundi ang ngumiti lang. Mula sa pagkakakarga ko, binaba ko siya sa pantay na sahig saka binitawan na nakaalalay pa rin. Nagagawa na ni Pepper ang tumayo sa loob ng ilang segundo na hindi hinahawakan. Sinamantala ko 'yon para lumayo ng konti sa kanya.
"Come baby... come to Daddy." Panghihikayat ko sa kanya habang pumapalakpak din
"Dada..." usal niya na parang musika sa pandinig ko. Ito ang unang pagkakataong tinawag niya ako dahil mas madalas kasing mama ang alam niyang sabihin. Dinaldal pa ni Pepper ng paulit-ulit ang salitang dada saka humakbang ng isa dalawa papunta sa'kin.
"Narinig mo 'yon? Nakita mo 'yon?" sambit ko kay Sizzy na tuwang-tuwa rin sa nasaksihan. "Nakahakbang na siya at ginawa niya 'yon habang sinasambit ang Dada."
Mabilis kong dinukot ang phone ko mula sa bulsa at binigay 'yon kay Sizzy. "Kunan mo ng video si Pepper. We'll try it again."
Pinuwesto ko ulit si Pepper ng tayo hanggang sa makuha niya ang tamang balanse bago ko siya binitawan. Nang nagawa niyang tumayo sa sarili niyang paa, lumayo ulit ako ng konti saka hinintay ang paghakbang niya na nangyari ulit mula una hanggang sa dumadami na ngayong mga hakbang.
"Wow! Good job Pepper!" Napapasigaw na sabi ni Sizzy. Lumapit siya't hinalikhalikan si Pepper.
"Ang saya niyo naman tignan." Sambit ng isang boses ng babaeng bumungad sa tabi namin. Maputi, singkit at hindi gano'n katangkaran. Minsan ko na siyang nakita noon pero hindi ko lang matandaan ang pangalan niya. Ang alam ko lang, kababata siya ni ate Aries at kuya Gian dito sa San Agustin.
"Ang ganda naman ng anak niyo. So cute!" dagdag pa nito habang di nakapigil na lapitan at kargahin si Pepper.
"Kumusta ka na ate Maggie? Ngayon rin lang kita ulit matapos ang ilang taon." Pakikipag-usap dito ni Sizzy.

BINABASA MO ANG
Stumble & Fall
ChickLitAng tanging gusto lang naman ni Sizzy ay ang magustuhan at mahalin ni Reid. Pero mukhang kahit anong gawin niya, 'yon ang bagay na pinakamalabong mangyari.