Chapter 46

841 21 14
                                        

FORTY-SIX

Reid's POV

Kanina pa ako gising, pero walang akong ginagawang pagkilos para bumangon sa kama. Tirik na ang araw kaya malinaw kong nakikita si Sizzy na nakahiga't natutulog sa tabi ko. Hubo't hubad siya na tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan niya, pareho ko. Proweba na may nangyarinsa'ming dalawa kagabi.

Muli kong natampal ang noo ko ng sarili kong palad habang pauli't ulit na sumasagi sa memorya ko ang ginawa kong pananalakay sa lasing na si Sizzy kagabi.

"Bakit ko 'yon ginawa?!" sita ko sa sarili na sinasabayan pa ng sakit ng ulo dala ng hang-over. "Sh!t...."

Muli akong napabaling sa natutulog na si Sizzy. Tahimik pa ring natutulog ang maamo niyang mukha. Napatitig ako roon ng ilang sandali hanggang sa naramdaman ko na lang na parang nagbabadyang kumilos ang kamay ko na haplusin ang mukha niya. Pero pinigilan ko.

"Ano ba 'tong nangyayari sa'kin..." sita ko ulit sa sarili ko. Tuluyan na akong bumangon at sinuot ang nagkalat kong damit. Nasuot ko na ang lahat pwera ang tshirt dahil bago ko pa man magawa, nakita kong nagmulat na ng mata si Sizzy. Nakailang haplos at hilot siya sa noo niya bago niya mapansing hindi niya kwarto at lalong hindi niya kama ang bumungad sa kanya.

Mas namilog ang mata niya nang makita niya ako na hubad ang pantaas, habang siya ay walang saplot sa ilalim ng kumot. Halos mamutla siya na hindi maguhit ang reaksyon. Nagdaan muna ang ilang segundo bago siya nakapagsalita.

"M-may nangyari b-ba sa'tin?" nauutal na tanong niya na hindi na nangangailangan ng sagot. Unti-unting yumuko ang ulo niya na para bang nabalot ng hiya. "P-pinikot ba ulit kita?" tanong ulit niya na mukhang wala pang masyadong maalala sa nangyari kagabi. Siya kasi itong masyadong nalasing.

"No." sagot ko agad na parang ikinabawas ng kung anong pagkataranta niya. "W-we were so drunk... at nangyari na lang..." ako naman ang halos hindi magawang magsalita ng diretso.

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Nagawa ng makapagbihis ni Sizzy pero walang sino pa rin sa'min ang magawang makapagsalita para buksan ang kung anong nangyari. Parang naulit lang naman kasi sa'min ang nakaraan. Ang kaibahan nga lang, sa pagkakataong ito, hindi intensyon o planado ang lahat.

Nang hindi ko na matagalan pa ang nakakabinging katahimikan at walang kibuan sa pagitan namin, nagdesisyon na akong magsalita.

"Kalimutan na lang natin na nangyari 'to." Biglang sabi ko sa pinal na tono. Sinalubong ko ang tingin ni Sizzy na matagal ring nakatitig sa'kin bago tumango.

"You're right. Let's... let's just forget what happened." Sambit niya rin sa wakas na parang gulong gulo pa rin ang isip. Natatarantang inayos niya muli ang sarili, "Uuwi na ako." Paalam niya na tinungo ng pinto at lumabas roon. Nakasunod rin lang ako sa kanya. Bago pa man siya tuluyang makalabas ng bahay, I stopped her.

"Ihahatid na kita." Biglang alok ko. Nang tutungo na sana ako kung saan nakagarahe ang kotse para ihanda, ako naman ang napatigil ng pigilan niya ako.

"Huwag na Reid. Magtataxi na lang ako." Sabi niya habang nasa cellphone ang atensyon. May binasa muna siya bago binalik ang tingin sa'kin. "Papunta si Jarred sa bahay, kaya mas mabuti siguro kong di na ako magpapahatid."

Gusto kong magmatigas at ipagpilitang ihatid siya, pero hindi 'yon ang lumabas sa bibig ko. "Sige, ikaw ang bahala."

Matapos kong sabihin iyon, dire-diretso ng lumabas si Sizzy at walang lingong umalis. Kahit wala na siya, nanatili akong nakatayo sa may gate na hindi ko pa magawang maisara. Nagflashback muli sa utak ko ang nangyari kagabi at bigla na lang akong natulala, iniisip ko pa rin kung paanong hinayaan kong mangyari 'yon...

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon