THIRTY-NINE
Reid's POV
Naninigas ang mga kamay ko habang minamaneho ang manibela. Apektado pa rin ang emosyon ko ngayon hindi dahil sa sugat na natamo ko sa suntok kanina mula kay Liam kundi dahil sa narinig kong mga salita mula kay Bianca. Parang gusto ko na ring pagsisihan ang paghalik na ginawa ko sa kanya dahil walang ibang ipinamukha sa'kin iyon kundi ang katotohanang wala siyang nararamdaman para sa'kin.
"Reid, please dahan-dahan lang sa pagmamaneho..." biglang sabi ni Sizzy na nagpaalala sa'kin na sakay ko rin si Pepper. Mula sa mabilis na pagpapatako, napilitan akong bawasan ang bilis kahit na gustong-gusto kong iyong imaximum speed.
"G-gusto mo bang pag-usapan 'yong nangyari kanina?" Muling basag ni Sizzy sa katahimikan. Nauutal pa siya ng sabihin iyon na para bang nag-alinlangan pa siya sa binitawan niyang salita.
"Tumahimik ka na lang." walang kaemo-emosyong sabi ko sa kanya. Hangga't maaari ayokong sumabog ang galit ko sa mga oras na 'to, kaya kung magpupumilit si Sizzy na kausapin ako, di malayong masigawan at mapababa ko siya sa gitna ng daan.
Buti nanahimik rin si Sizzy tulad ng sabi ko sa kanya. Hindi ko na siya muling narinig pang magsalita hanggang sa marating namin ang bahay ko. Pagkapasok namin ng bahay, ang alak ang una kong hinanap at mabilis na tumagay at lumagok nito. Sinindihan ko rin ang sigarilyong hawak ko na ginagawa ko lang sa tuwing ganitong problemado ako.
Paulit-ulit na binabalikan ng utak ko ang nangyari kanina. Gustuhin ko mang kalimutan na lang 'yon, mahirap gawin. Kaya mas lumagok pa ako ng alak para siguradong mahimbing ang tulog ko ngayon gabi na hindi na iniisip pa ang mga nangyari.
"Reid, tigilan mo na 'yan..." rinig kong pagsuway sa'kin ni Sizzy. Pagharap ko sa kanya, hindi na niya karga si Pepper na mukhang kanina pa niyang nilapag sa kwarto at mahimbing na ang tulog.
"At sino ka para pigilan ako ngayon ang pag-inom. You're not my girlfriend at lalong hindi kita asawa. At hindi pa ako lasing para makalimutang hindi na kita kaibigan." Mula sa kanya, binaling ko ulit ang atensyon ko sa alak at tumagay.
"Hindi ang pag-inom mo ang sinusuway ko kundi ang paghabol mo kay Bianca. Mas makakabuti kung kakalimutan mo na lang siya." Parang sinindihan lang ni Sizzy ang galit ko sa kanya sa mga sinabi niyang iyon. Binitawan ko ang hawak kong sigarilyo't alak sa kamay ko at dinuro siya.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Sizzy?!" Halos magtagis ang bagang ko sa galit sa kanya. "Hindi ako maghahabol ngayon kay Bianca kung hindi dahil sa kagagawan mo!" humakbang ako palapit sa kanya saka hinatak ang braso niya. Nakita kong napakislot siya sa higpit ng hawak ko sa kanya, pero hindi ko siya binitiwan. "IKAW! Ikaw ang sumira ng relasyon namin kaya heto ako ngayon naghahabol sa kanya... parang mababaliw na umaasa na babalikan pa niya..."
"Huwag ka na kasing umasa pa na babalikan ka ni Bianca." Muling sambit ni Sizzy na malakas na ngayon ang loob na maglabas ng kung ano mang gusto niyang sabihin. Mas lalo lang akong nanggigil sa mga pinagsasasabi niya na para bang hindi makaramdam ng pananakal ko sa magkabilaan niya na ngayong braso. Sa halip na huminto, nagpatuloy lang siya. "Tanggapin mo na lang na may mahal na siyang iba, na wala na talaga kayo. Forget her, Reid... Forget that woman and move-on."
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko't nasampal ko na si Sizzy sa pisngi niya. Nagulat ako sa sarili ko na nagawa ko siyang pagbuhatan ng kamay, pero hindi si Sizzy. Walang bakas ng gulat ang mukha niya na para bang inaako niya ang ginawa ko sa kanya na lubag sa loob.
Nagawa ko ring makabawi sa pagkabigla at muling bumalik ang sama ng tingin ko sa kanya. Bakas pa rin sa'kin ang huling sinabi niya. "Hindi mo alam kung gaano kahirap na kalimutan na lang ng gano'n ang tanging babaeng minahal ko. Wala kang idea, Sizzy."
Sinalubong ako ng emosyonal na mga mata ni Sizzy. "Alam ko ang pakiramdam, Reid. Alam ko na mahirap lumimot dahil pinagdaanan ko rin 'yan... Minahal kita noon ng sobra Reid na umabot sa puntong parang di ko alam kung paano sisimulang alisin ka sa sistema ko, pero nagawa ko. Nagawa kong kalimutan ka kahit parang napakaimposible 'yon gawin. At alam kong makakaya mo din kung 'yon ang pipiliin mo..."
Nanlamig lang ako lalo sa kanya. "Magkaiba tayo ng sitwasyon Sizzy, kaya huwag mong maikukumpara ang sarili ko sa'yo."
Humakbang ako palayo sa kanya para balikan ang iniwan kong alak. Ramdam ko na ang epekto ng matapang na alak na iniinom ko, pero wala pa akong balak tumigil. Lumagok ulit ako ng alak saka umangat ng tingin kay Sizzy. Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya kanina, at nakatingin pa rin siya sa'kin na parang nagbabantay.
Ngumisi ako sa kanya saka nagsalita. "Ganyan nga Sizzy... Panoorin mo akong magpakalasing nang makita mo kung gaano ako kamiserable dahil sa sarili mong kagagawan."
Sunod-sunod ng paglagok ng alak ang ginawa ko na walang paawat. Ni hindi na ako tumatagay pa sa baso dahil diretso na sa bibig ko ang bote ng alak.
"Reid, tama na yan." Suway sa'kin ni Sizzy kasabay ng biglang pag-agaw niya sa'kin ng hawak kong bote.
"Hin-di." Sagot ko sa hindi ko na nakikilalang boses. Hindi na gano'n kalinaw at kadiretso ang pananalita ko kung ikukumpara kanina. Tatayo sana ako para bawiin kay Sizzy ang kinuha niya sa'kin pero umiikot na ang paningin ko. Hindi ko na magawang makapagbalanse ng maayos pero naagapan ako ng mga brasong umalalay sa'kin. Lasing man ako, I'm still aware na ang babaeng kinagagalitan ko ang taong umaalalay sa'kin ngayon, kaya sa halip na tanggapin ang tulong niya, tinulak ko siya palayo sa'kin.
"Ka-ya ko ang sa-rili ko." Pagmamatigas ko pero parang mas matigas si Sizzy na muling lumapit sa'kin saka pinatong niya ang braso ko sa balikat niya.
"Hayaan mo na 'kong tulungan ka Reid, kahit ngayong gabi lang kalimutan mo na muna 'yang galit mo sa'kin nang maaaikaso kita..."
Umiling ako pero wala na akong masyadong lakas para pagtulakan pa si Sizzy. Sa pagsasalita ko na lang magagawa ang pagtutol. "Pa-ra ano? So that y-ou can take ad-van-tage of me tu-lad noon? Damn you!"
"I won't do that, I promise. Hinding-hindi ko na 'yon gagawin sa'yo ulit. Trust me."
Magsasalita sana ulit ako para muling barahin siya nang naunahan na niya ako sa pagsasalita.
"Reid, kaibigan pa rin ang tingin ko sa'yo kahit na hindi na kaibigan ang turing mo sa'kin. Ako pa rin naman 'to, 'yong kaibigan mong dati-rati mong nasasandalan at naaasahan sa lahat ng oras lalo na kapag may problem ka. Hayaan mong maging magkaibigaan tayo ulit kahit ngayong gabi lang... dahil ang totoo, I miss you, Reid. I miss my bestfriend."
Kahit na nanlalabo ang paningin ko, kitang-kita ko ang luhang kumuwala sa mga mata ni Sizzy. Maging ako ay parang nadala na rin dahil sa kung anong epekto ng bawat binitiwan niyang salita. Dala na rin siguro ng kalasingan kaya nagawa kong maniwala ng gano'n kadali. Namalayan ko na rin lang na umangat na ang kamay ko't pinahid ang ang tumutulong mga luha ni Sizzy. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya dahil sa ginawa ko saka walang pasabing sumiksik siya sa dibdib ko't yumakap ng mahigpit. Kakalas sana ako sa kanya nang maramdaman ko ang marahan niyang paghikbi ng iyak habang nakayakap sa'kin. Parang boluntaryo na rin lang na umangat ang dalawang braso ko't niyakap na rin siya.

BINABASA MO ANG
Stumble & Fall
ChickLitAng tanging gusto lang naman ni Sizzy ay ang magustuhan at mahalin ni Reid. Pero mukhang kahit anong gawin niya, 'yon ang bagay na pinakamalabong mangyari.