TWENTY-NINE
Nagising ako na positibo sa mangyayari ngayong araw. Walang nagbabago sa plano kong pagdalaw namin ni Pepper kay Reid. Ayokong palagpasin ang pagkakataon na ito. Matapos kong makita sa mga mata ni Reid ang kakaibang titig niya kay Pepper kagabi, alam ko na may patutunguhan ang lahat ng ginagawa kong ito. Lalambot at lalambot din ang puso niya para sa sarili niyang anak.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko, at ang cellphone ang una kong inabot mula sa ibabaw ng drawer. May dalawang miscall iyon at isang message galing sa iisang tao.
Jarred: Mukhang tulog kana kaya di mo na masagot tawag ko. Magugoodnight lang sana ako. Missing u, Xion and Pepper. I'll just call u again tomorrow. Goodnight. x'
Mukhang nakatulog na nga ako kagabi ng tumawag siya, pero napangiti pa rin naman ako sa text niya. Nakakatuwa lang na hindi niya nakakalimutan maging si Xion at Pepper na talaga namang napalapit na sa kanya.
Bigla ko rin tuloy siyang namiss. Noong isang araw pa kasi ang huling balita ko sa kanya nang unang dating niya sa Siargao Island. Panay nga ang mga kwento niya sa ganda ng lugar na napuntahan niya. Naka-ilang likes na din ako sa post niya sa instagram na talaga namang nakakainggit. Kung nakilala ko lang siguro siya ng mas maaga noong panahong dalaga pa ako't walang anak, siguradong kasa-kasama ako sa mga lakwatsa niyang pag-ikot sa magagandang destinasyon mapa-loob at labas ng Pilipinas.
Muli kong ginalaw ang mga daliri ko sa cellphone ko para magreply sana kay Jarred, pero bago ko pa man makabuo ng isang mensahe, narinig ko ang pag-iyak ni Pepper na gising na ngayon. Nang kargahin ko siya, saka ko lang naramdamang mainit siya.
"Sshh... mawawala din yang lagnat ng baby ko." Pagpapatahan ko sa kanya habang hinehele siya. Mukhang ang umuusbong niyang ngipin sa taas ang dahilan ng lagnat niya. Ganito rin kasi ang nangyari noong unang lumabas ang dalawang ibabang ngipin niya.
Mukhang hindi matutuloy ang nakaplanong pagdalaw namin ngayon kay Reid.
***
Panatag na ang loob ko kahit papaano habang pinagmamasdan ko si Pepper na payapang natutulog. Ilang araw rin kasi siyang hindi mapakali at iyak ng iyak dahil sa sakit niya na sinabayan pa ng ubo't sipon. Ngayon rin lang siyang bumuti na nakakapaglaro na't humahalakhak ng tawa.
"Okay na ba ang baby Pepper namin diyan?" sambit ni Jarred kay Pepper habang kausap namin siya sa skype. Natatawa na rin lang ako dahil sa ginagawa nitong pag-funny face para mapasaya si Pepper.
"Magaling na siya. 'Yong tumutubo niyang ngipin ang puno't dulo ng nararamdaman niya, sinabayan lang ng ubo't sipon kaya tuluyan na siyang nag-alboroto na hindi rin namin magawang mapangiti ng ilang araw. But she's fine now. Kita mo naman kung gaano na siya kaaktibo ngayon." Sagot ko kay Jarred na isa sa nag-alala ng husto nitong nakaraang araw.
"Buti naman dahil kung hindi, uuwi talaga ako diyan. Mukhang separation-anxiety lang naman ang nararamdaman ni Pepper dahil sa pag-alis ko."
Ikinatawa ko ang sinabi niyang iyon. Kung kaharap ko lang siya, siguradong nahampas ko na siya sa balikat. "At anong tingin mo, ikaw ang nanay ni Pepper para magkasakit siya dahil lang sa wala ka sa tabi niya?"
"Nanay talaga? Hindi ba pwedeng tatay na lang niya?" hirit niya na mas ikinahalak ko.
"Pero seryoso ako, Sizzy. Handa akong maging ama ni Pepper."
Biglang tumigil ang halakhak ko sa biglaang pagiging seryoso ni Jarred. Napatitig ako sa kanya, at gano'n din siya sa'kin kahit na sa screen lang kami nagkikita. Ramdam ko ang sensiridad sa mga mata niya at kung paano niya sinabi ang binitawan niyang salita.

BINABASA MO ANG
Stumble & Fall
Genç Kız EdebiyatıAng tanging gusto lang naman ni Sizzy ay ang magustuhan at mahalin ni Reid. Pero mukhang kahit anong gawin niya, 'yon ang bagay na pinakamalabong mangyari.