Chapter 47

1K 24 13
                                        

FORTY-SEVEN

Sizzy's POV

Masakit ang ulo ko na parang minamartilyo nang magmulat ako ng mata. Napapapikit lang ulit ako habang hinihilot ang sintido ko na daig ko pa ang nakainom –Teka, nakainom ba ako kagabi?

Dinilat ko ulit ang mga mata ko at bumungad sa paningin ko ang kilala kong kwarto, pero hindi sa'kin. Nang igala ko pa ang tingin ko sa paligid, tumigil iyon sa kabuuan ni Reid, half-naked.

Napalunok ako ng ilang beses. Ang magulo niyang buhok at kalahating kahubadan ay parang awtomatikong naghatid sa'kin ng alarma. Mula sa kanya, nalipat ang mga mata ko sa sarili kong katawan na ngayon ko rin lang napagtuonan ng pansin na tanging kumot lang pala ang bumabalot sa buong pagkababae ko. Ramdam ko rin ang bahagyang pananakit nito na halos kapareho lang noong unang beses na—

"M-may nangyari b-ba sa'tin?" nauutal kong tanong kahit na alam ko na rin naman ang sagot roon. Para akong nabalot ng matinding hiya. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang iisang katanungan na hindi ko magawang masagot. "P-pinikot ba ulit kita?"

Paulit-ulit kong binabalikan ang nangyari kagabi pero wala akong masyadong maalala. Natatakot ako na baka kasalanan ko na naman... Na baka dahil sa alak, nakagawa na naman ako maling desisyon... Na baka maging simula na naman 'to ng galit ni Reid sa'kin... Na baka—

"No, you didn't." sagot niya na nagpatigil sa naghehysterical kong utak. "W-we were so drunk last night... at nangyari na lang..."

Parang echo na nagpaulit-ulit ang sinabi niya sa utak ko. Paano nangyari 'yon? Paanong nalasing na lang kami at... Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. I still can't believe na nangyari 'to. Di dapat ako nagpakalasing.

Walang lumabas na kahit anong salita mula sa bibig ko at ganoon din si Reid. Pareho kaming nanahimik na hindi alam kung ano ba ang dapat sabihin.

Habang tumatagal, mas nagiging hindi na rin ako komportable sa itsura ko na hubo't hubad pa rin sa ilalim ng kumot, kaya tumayo na rin ako at hiyang-hiya na pinagdadampot ang nagkalat kong damit at pumasok ng banyo para magbihis. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin, parang wala akong ibang gustong gawin kundi ang untugin ang ulo ko sa pader. Di ako makapaniwala na nangyayari 'to ngayon. Gusto kong umiyak pero walang lumabas na luha sa mga mata ko. Napapatitig na lang ako sa sarili kong repleksyon na magulo ang buhok at...

Napalunok na naman ako nang mapansin ng dalawang mata ko ang halatang marka sa sa balikat ko at ganoon rin sa leeg ko. Sh!t.

Natampal ko na ang noo ko ng ilang beses. Ano ba naman 'to... Paano ko maitatago ang isang nasa leeg? Kahit sinong makakakita, alam na alam kung ano ito. Sh!t.

Mabilis akong nagbihis na umaasang matatakpan ng damit ko ang markang nasa leeg ko, pero hindi. Tanging ang buhok ko lang ang nakakatulong na maitago 'yon kahit papaano.

Nang tuluyan ko ng maayos at maikalma ang sarili ko, lumabas na akong muli sa banyo para harapin si Reid na parang hindi man lang gumalaw sa pwesto niya kanina. Mukhang kapareho ko lang siya na hindi makapaniwalang nangyayari 'to. Nagpapasalamat na rin ako kahit papaano na hindi ko makita sa mukha niya ang kahit anong bahid ng galit na siyang kinatatakot ko.

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin na hindi pa rin namin alam kung paano sisimulan ang pag-uusap. Gusto ko mang magsalita pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Kalimutan na lang natin na nangyari 'to." Biglang narinig ko na lang na sabi ni Reid sa pinal na tono. Nagtama ang mga mata namin at wala akong mabasang emosyon mula sa mukha niya.

Naghintay pa ako ng ilang sandali na baka may sasabihin pa siya pero wala na, kaya napilitan na rin lang ako na magsalita na rin.

"You're right. Let's... let's just forget what happened." Sambit ko sa nauutal na boses. Wala sa estado ko ngayon ang makapagsalita ng diretso. Wala akong ibang kinaiinisan kundi ang sarili ko na hinayaang mangyari 'to.

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon