Chapter 40

558 14 4
                                        

FORTY

Reid's POV

Nagising ako kinabukasan ng tanghali na masakit ang ulo ko at gano'n din ang panga ko. Bumangon ako mula sa kama at ang banyo ang una kong tinungo. Humarap ako sa salamin para icheck ang natamo kong tama mula sa suntok ni Liam kahapon. Hindi na ito mahapdi o namamaga tulad ng inaasahan kong bubungad sa'kin ngayong umaga. May bakas na ito ng betadine na hindi ko naalalang ako ang gumamot sa sarili ko kagabi.

Sa muling pag-iisip ko, unti-unti kong naalala ang nangyari kagabi pero hindi gano'n kalinaw. Nakompirma kong si Sizzy nga ang gumamot ng sugat ko, naalala ko rin nagkasagutan kaming dalawa at...

Napailing ako. Imposible naman yatang niyakap ko siya kagabi at pinatahan ng iyak. Hindi. Muli akong napailing at pilit inalis ang imaheng iyon sa isip ko. Siguradong panaginip ko lang 'yon.

Hinilamos ko ang sarili kong mukha ng tubig saka nagtoothbrush. Ilang sandali lang, lumabas rin ako ng kwarto at bumaba sa kusina. Naabutan ko si Sizzy na abala sa paghuhugas ng mangilan-ngilang pinggan at pinaglutuan habang nasa tabi rin lang niya si Pepper na nasa high chair, naglalaro ng makulay niyang laruan.

Naramdaman din agad ni Sizzy ang presensiya ko dahilan para mapalingon siya sa direksyon ko. Agad siyang ngumiti na napakaaliwalas ng mukha.

"Gising ka na pala..." nakangiti pa ring sambit ni Sizzy na para bang maganda ang gising. Mabilis siyang kumilos sa paghain ng pagkain sa mesa. "Maupo ka na nang makakain ka na. Masakit ba ang ulo mo? Hang-over?"

Hindi ko pinansin ang kung ano mang pagkain na hinain niya dahil wala rin naman akong balak kainin 'yon. Pero umupo pa rin ako sa may mesa malapit kay Pepper. Gusto ko man siyang kargahin o laruin, di ko magawa dahil sa bahagyang pananakit ng ulo ko.

"Gusto mo ng kape?" narinig ko ulit na sabi ni Sizzy habang nakapikit ako. Gusto kong sabihing Oo, pero walang lumabas sa bibig ko. Pero kahit na wala akong sinagot parang nahulaan na rin niya na kailangan ko 'yon ngayon. Kusang kumilos na siya at nakita ko na lang ang mainit na kape sa harapan ko sa muling pagdilat ko. Sa tabi no'n meron ding gamot para sa hang-over ko. "Inumin mo na rin yang gamot para mawala na 'yang pag-iinda mo ng sakit sa ulo."

Humigop ako ng kape na walang anumang sinasabing pabalik sa kanya. Nagpatuloy ang pananahimik ko habang hindi umaalis si Sizzy sa tabi ko na para bang may gustong sabihin pero wala namang lumalabas sa bibig niya. Unti-unti akong naalibadbaran sa presensiya niya kaya di ko na ring napigilang lingunin siya.

"Bakit? May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya habang sinasalubong ang mga mata niya. Nakita kong ilang beses 'yon nag-alinlangan. "Pwede bang sabihin mo na kung ano man 'yan dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko..."

"Reid, kasi..." simula niya. "Gusto ko lang itanong kung may naaalala ka ba sa... sa nangyari kagabi?"

Sa sinabing iyon ni Sizzy muling sumulpot sa utak ko ang imahe ng tulad sa naalala ko kanina. Yakap ko siya habang umiiyak siya sa dibdib ko. Hinintay ko siyang tumahan. At sandali kaming nag-usap na hindi ko maalala kung ano. Hanggang sa ginamot niya ang sugat ko.

Kung gano'n, totoong nangyari 'yon at hindi 'yon panaginip? Muling bumalik ang atensyon ko kay Sizzy na halatang naghihintay sa sagot at reaksyon ko.

"Naglasing ako at nagkasagutan tayo. Yun lang." Sabi ko na nakita kong naging dahilan ng disappointment sa mga mukha niya ngayon. "Next time, kung maglalasing man ako, huwag na huwag mo akong susuwayin o pakikialaman—"

"Nagkaayos tayo kagabi." Muling sabi niya na hindi ako hinayaang patapusin. "We talked about us. Ang pagkakaibigan natin na gusto mong bigyan ulit ng pagkakataon. Pinag-usapan din natin si Bianca. Sinabi mo ring pipilitin mo na siyang kalimutan at magmove-on. We talked about—"

"I was drunk." Putol ko rin sa kanya.Ngayon naiintindihan ko na kung bakit masyadong maaliwalas ang mukha niya ngayong umaga. Iniisip niya na maayos na kami, na napatawad ko na siya, na parang nakalaya na siya sa isang kasalanan. "Kung ano man ang nangyaring 'yon kagabi, forget that. Lasing lang ako. Hinding hindi kita kakausapin tungkol sa bagay na 'yon kung ganitong nasa katinuan ako."

Tumango si Sizzy na halatang nasaktan sa sinabi ko. Kitang-kita kong namumungad ang luha sa mga mata niya na pilit niyang pinaglalabanan na huwag bumagsak. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa mukha niya na para bang ikinasisiya ng loob ko ang makita siyang gano'n.

"Ahm... paliliguan ko lang si Pepper." Nag-iiwas ang tingin sa'kin ni Sizzy. Tinalikuran niya ako matapos niyang kunin si Pepper saka umakyat sa taas.

Naiwan akong mag-isa na kahit papaano gumanda ang pakiramdam dahil sa nakita kong lungkot sa mukha ni Sizzy. Pakiramdam ko nakakabawi ako sa masakit na nagawa niya sa'kin. Pero parang kulang pa. Hindi ako makokontento sa ganoon lang. Ang makita ko siyang nahihirapan ng sobra-sobra ang tanging gusto kong mangyari. Yong pangmatagalang sakit tulad ng ginawa niya sa'kin.

"Reid..."

Napalingon ako sa likod ko dahil sa biglaang pagsulpot ni Inigo. Mukhang alam ko na ang pinunta niya sa'kin ngayon. "Tungkol ba 'to sa nangyari kahapon? Reid, you know me, nagawa ko lang 'yon dahil sa kapatid mo—"

"I know you're an idiot when it comes to Bianca, kaya di na ako nagtataka pa kung nagawa mo 'yon. At nasuntok ka na rin naman ni Liam, kaya wala na akong balak bawian ka pa." sabi niya.

"Kung gano'n, anong sadya mo sa'kin ngayon?" tanong ko.

"Gusto ko lang marinig ang kwento galing sa'yo..." aniya.

"Okay, I kissed your sister dahil—" Hindi ko pa man napagpapatuloy ang sinasabi ko nang putulin niya ako.

"Hindi tungkol diyan. Tungkol sa nangyari kagabi dito sa pamamahay mo ng malasing ka."

Napakunot ako ng noo na nalalabuan pa rin.

"Nandito ako kaninang umaga nang tulog ka pa," simula ulit ni Inigo. "Nakausap ko si Sizzy, at ang sabi niya... nagkaayos na daw kayo kagabi. Noong una, akala ko nagbibiro lang siya, but then, nakita ko ang saya sa mukha niya kaya hindi na rin ako nagduda pa na nagsasabi nga siya ng totoo." Sandaling tumigil si Inigo sa sinasabi niya para bigyan ako ng kakaibang tingin. "Sa'yo ako nagdududa Reid, nakipag-ayos ka nga ba talaga kay Sizzy, o sadyang parte lang 'yon ng kung ano mang pinaplano mo para saktan at bawian siya?"

Napakunot ulit ako ng noo sa pinagsasabi ni Inigo. Naguluhan ako sa pinagsasasabi niya pero ang pamimintang niyang iyon sa'kin ay parang nagbigay lang sa'kin ng magandang ideya. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon kanina?

"Reid... Reid?" tawag sa'kin ni Iinigo sa napapalalim ko ng pag-iisip. Wala na sa kanya ang atensyon ko kundi sa magandang planong naiisip ko.

"Let's talk later, Inigo." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka umakyat ng kwarto kung saan naroon si Sizzy. Inabutan ko siyang binibihisan na ngayon si Pepper. Nakita din naman niya ako agad pero nag-iwas siya ng tingin.

"I'm sorry sa sinabi ko sa'yo kanina." Sambit ko na ikinagulat niyang 'yon ang unang lumabas sa bibig ko. Nilingon na rin niya at sinalubong ang tingin ko kaya nagpatuloy ako. "I wasn't with myself earlier... kagigising ko lang, masakit ang ulo ko, at wala pa akong maalala." Sinadya kong tumigil sa gitna para tignan ang reaksyon niya. "But now, naaalala ko na."

"A-ang ibig mong sabihin..." hindi na natapos ni Sizzy ang sasabihin niya dahil inunahan ko na siya ng tango. Nilahad ko rin ang kamay ko sa kanya.

"Friends again, are we?" sabi ko sa nangingiting mukha para maging kapani-paniwala. Tinanggap naman ni Sizzy ang kamay ko na siyang hudyat na umaayon ang lahat sa plano. Ito ang simula ng panlilinlang ko sa kanya na walang pinagkaiba sa kung paano niya ako pinaniwala at pinaikot noon.

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon