Chapter 36

640 14 8
                                    

THIRTY-SIX

Reid's POV

"...And tito Reid, that's my tito Jarred. He is tita's favorite person. And mine too."

Bago pa man kami ipakilala ni Xion sa isa't isa, kanina pa nakatuon ang atensyon ko sa lalaking tinutukoy ni Xion. Napansin ko na siya agad pagdating na pagdating namin sa kinaroroonan nila. Hindi nalalayo ang tangkad niya sa'kin. Fit ang pangangatawan niya at toned ang muscles na mukhang athletic na tao at madalas sa gym. He's darker than me na hindi ko alam kung yun ba talaga ang tunay na kulay niya o dahil lang 'yon sa matagal niyang pagkababad sa ilalim ng sikat ng araw.

Halatang komportable na siya sa pamilya Castañeda na aakalain mong kabilang na siya sa kanila. Isang palaisipan sa'kin kung sino ba talaga siya bukod sa pangalan niyang Jarred na madalas bukang-bibig ni Xion. Nagkaroon rin ako ng idea sa oras na lumapit siya kay Sizzy at nagbigay ng pulang rosas. Manliligaw? Boyfriend? Hindi ko alam pero alin man sa dalawa parang mas lalo lang namuhay ang galit ko para kay Sizzy.

Parang hindi ko naman yata matanggap na matapos niya noong sirain ang relasyon ko kay Bianca, heto siya ngayon mas masaya kaysa sa'kin? Parang hindi naman yata tama ang nangyayari. It's unfair sa kahit anong anggulong tignan.

"So, you are Reid. Finally I'm meeting you now." Sambit ni Jarred na nasa harapan ko na ngayon at nakalahad ang kanang kamay. " I heard so much things about you. Maraming nakuwento si Xion sa'kin tungkol sa'yo."

Tumigas agad ang panga ko na para bang awtomatiko na lang na nangyayari sa tuwing hindi ko gusto ang taong kaharap ko. Ni hindi ako nag-abalang tanggapin ang pakikipag-kamay niya sa'kin na siyang nagdulot ng awkward na mood sa paligid namin.

"Let's eat?" biglang singit ni Sizzy na pilit binabawi ang nag-ibang ihip ng hangin sa sitwasyon namin ngayon. "Reid, stay here for a while and join us, makabawi man lang ako sa paghatid mo. Hindi ko sinasadyang abalahin ka sa paghatid sa'kin."

Lumingon ako kay Sizzy pero hindi niya magawang salubungin ang mga mata ko na para bang umiiwas at naiilang. Simula pa kanina nang umalis kami sa bahay ni Inigo, hindi na siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. Dahil ba sa halik? Damn that kiss. Ginawa ko lang 'yon dahil sa desperasyon na makita ko man lang ang hinahanap kong reaksyon mula kay Bianca. Pero kung alam ko lang na wala akong mahihita roon, di ko na lang sana ginawa. Si Sizzy ang pinakahuling babaeng gugustuhin kong halikan. Ni hindi na nga yata mawawala ang galit ko sa kanya. Kahit maraming araw at buwan na ang nagdaan, malinaw pa rin sa alaala ko ang ginawa niyang panloloko sa'kin. She was my bestfriend. Pinagkatiwalaan ko siya at tinuring na rin na parang kapatid, pero sinira niya lahat ng iyon.

Noong araw na nadiskubre ko ang lahat, kinamuhian ko si Sizzy. Wala akong ibang gusto kundi ang iwan siya at habulin si Bianca. Maging ang pinagbubuntis niya ay ayoko na ring tanggapin. Nadamay ang bata sa galit ko kay Sizzy, pero di ko akalaing maglalaho iyon sa unang beses na makita ko ang sariling dugo't laman ko. Nagbago man ang nararamdaman ko kay Pepper ngayon, pero hinding-hindi kay Sizzy.

"Oo nga naman Reid, huwag ka munang umalis. Saluhan mo na muna kami." Ang pakiusap na iyon ni tito Richard ang hindi ko na natanggihan pa.

"Sige po, tito." sagot ko na may paggalang. Sa kabila ng lamat ng pagkakaibigan namin ni Sizzy, nananatili pa rin ang respeto ko sa pamilya niya na minsan na ring naging malapit sa'kin lalo na noong panahong mumuntikan na rin akong maging parte ng pamilya nila.

Humakbang ako palapit kay manang Lydia at kinuha mula sa kanya si Pepper para kargahin. Sa ilang araw na madalas siya sa'kin, nagawa na ring maging komportable sa'kin ng sarili kong anak na hindi na umiiyak sa puder ko.

"How's your restaurant iho? I heard walang araw na hindi matao roon..." pagbubukas ni tito Richard ng usapan. Medyo mahina na siyang magsalita pero diretso na rin kahit papaano, balita ko kasi nastroke na rin kasi siya noon pero agad ding nakarecover sa tulong na rin ng regular na therapy.

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon