Chapter 41

639 20 16
                                        

FORTY-ONE

Reid's POV

Nasa harapan ko ang iba't ibang klase ng ipad na siyang pinagpipilian ko para bilhin pero wala pa rin akong mapili matapos isa-isahin ng sales lady ang mga features niyon. Sa huli, napagdesisyon kong kunin na lang 'yong pinakamahal.

"Sigurado ka ba talaga na 'yan ang balak mong bilhin?" tanong ni Inigo na siyang kasama ko. Siya ngayon ang bumibitbit ng mga laruang pinamili ko.

"Bakit? Yong isa na lang ba?" sagot ko habang napapabaling ulit sa mga gadgets. "Bilhin ko na lang kaya pareho?" bumaling ulit ako kay Inigo para kunin ang suhestiyon niya pero pag-iling ang una kong nakuhang sagot sa kanya.

"Ang tinatanong ko, kung sigurado ka bang bibili ka pa ng ipad para kay Pepper? Akala ko ba sabi mo, meron na siya dahil niregaluhan na siya ni Jarred. Bakit bibili ka pa kung meron na 'yong bata no'n?" Inangat din niya ang mga paperbag na hawak niya na naglalaman ng mga laruang pinamili ko. "At ito rin, puro lahat de remote na robot, at helicopter... parang pareho rin lang 'to sa regalo ni Jarred kay Xion...?"

"Pareho nga, pero ibang brand naman. Mas malaki, mas maganda, mas magara, at mas mahal. Gusto ko lang makasigurado na 'yong mga ibibigay ko sa mga bata ang tanging lalaruin at gagamitin nila."

Napatanga sa'kin si Inigo na parang hindi makapaniwala. "So this is all about Jarred huh? Nakikipagkompetisyon ka ba sa kanya?"

"It's all about the kids. Ayoko lang na nasasapawan ako ng Jarred na 'yon pagdating sa mga bata. Kung nakita mo lang kung paano siya i-idolized ni Xion—"

"At paanong pati si Xion nasali dito? Si Pepper lang ang anak mo, at maiintindihan ko pa kung pagseselosan mo si Jarred dahil sa kanya... Pero si Xion? Hindi mo siya anak, at hindi ka rin niya tito para magkaganyan ka na parang naaagawan ng kendi. Baka pati pagdating kay Sizzy, pagselosan mo na rin si Jarred?"

Awtomatikong nag-iba ang mood ko sa huling sinabi ni Inigo. "That won't happen. Wala akong pakialam sa kung ano mang relasyon nila. Si Pepper lang ang concern ko, at ayoko lang na matulad siya kay Xion na puros tito Jarred na lang ang bukang-bibig. But I like that kid, kaya nag-eeffort din akong makuha ang loob niya at higitan si Jarred sa kanya."

"Pero mali ang paraan mong 'to na dinadaan mo sila sa laruan na halos walang pinagkaiba sa mga niregalo sa kanila ni Jarred. Ang lagay eh, parang ikaw yata 'tong umiidolo sa Jarred na 'yon dahil ginagaya mo ang mga regalo niya." Aniya na ikinatigil ko ng ilang sandali.

"So what should I buy for them?" tanong ko. Dumaan din ako sa pagkabata at nagkahilig sa laruan, pero bakit parang ang hirap para sa'kin ngayon ang mag-isip o pumili ng dapat bilhin para sa mga bata. Kinakailangan ko pa laging humingi ng ideya mula kay Inigo tulad na lang ngayon.

"Anything na hindi kapareho ng kay Jarred, marami pa naman diyan –teka, balak mo bang bumili ulit ng iba? Paano 'tong naunang pinamili mo?"

"Sa'yo na lang 'yan. Sa future anak mo at inaanak ko." Sabi ko bago ako nagsimulang maglakad pabalik sa pinasukan naming kid store kanina.

Mas naglibot pa kami sa mga pamimili. Buti na rin lang nakinig ako kay Inigo dahil tama nga siya na may mas mga magaganda pang laruan na sa tingin ko magugustuhan ni Pepper at Xion. Hindi rin lang ako nakontento sa isa pangregalo dahil marami ang napamili ko.

"Hanggang kailan ang bakasyon mo sa San Agustin?" tanong ni Inigo habang nasa isang jewelry store naman kami. Kasalukuyan siyang pumipili ng ireregalo naman niya kay Taylor.

"I don't know yet. Maybe two days." Sagot ko habang gumagala rin ng tingin sa mga alahas. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa Christmas vacation ko sa San Agustin kasama ang mga Castañeda na siyang nag-imbita sa'kin na sumama sa kanila. Kung hindi lang dahil sa gusto kong makasama si Pepper ngayong pasko, hindi ako sasama... Isa pa, naisip ko rin naman na magandang opurtunidad ko na rin 'to para umayon sa'kin ang plano.

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon