FORTY-NINE:
Ilang beses kong sinipat ang gawa kong cake. Chocolate flavor na may nakalagay na happy monthsary sa ibabaw nito. Balak kong puntahan si Jarred sa condo niya para surpresahin sa ganitong paraan.
"Ang bruha, nagpapakasweet girlfriend." Sambit ni ate Chloe na hindi ko namalayang dumating na pala siya. Maghapon ko rin kasi siyang di nasilayan dito sa Bakeshop.
"Pero dapat lang naman talaga," dagdag niya sa nanlalaking mata, "Dahil gusto kong ipaalam sa'yo na 'yong ex ng boyfriend mo, umaaligid-aligid sa kanya."
Pareho naming alam na si Jasmin lang naman ang tinutukoy niya. Ang the-one-that-got-away ni Jarred. Ang babaeng tanging minahal niya bago ako.
"Wala naman siguro akong dapat ikabahala."
Kung may dapat man akong pagdudahan, hindi yon si Jarred kundi ang sarili kong nararamdaman. Isang linggo na ang lumipas simula nang may mangyari sa'min ni Reid, at sa mga nagdaang araw na iyon, patuloy ko pa ring pinaglalabanan ang dinidikta ng nararamdaman ko. Umaasa ako na mabubura rin lang agad sa sistema ko si Reid at mapapalitan din ni Jarred. Kaya heto, kumakapit pa rin ako sa paniniwalang si Jarred ang tamang lalake para sa'kin. Na dapat ipagpatuloy ko lang ang kasisimula palang na relasyon namin. Alam kong lalalim din ang pagmamahal ko sa kanya na higit pa sa pagmamahal na naramdaman ko kay Reid, at yon ay dahil sa mabuting lalake si Jarred. Nasa kanya na ang halos lahat na hahangarin ng sino mang babae.
"Pupunta ka na kay Jarred?" tanong ni ate Chloe nang mapuna niyang nililigpit ko na ang cake sa loob ng box.
"Oo. Dapat kasi maunahan ko siya sa condo niya nang maset-up ko ang lugar." Marami akong plano tulad ng magluluto pa ako ng dinner namin at gagawing romantic ang surpresang aabutan niya. Bibili pa ako ng mga candle lights at balloons.
"Wow, iba din magpakagirlfriend ang isang Sizzy Castañeda." pang-aasar ni ate Chloe na biglang lumapit sa'kin at humina ang boses para magpayo. "You should wear a sexy dress. Make sure na mapapaligaya mo siya ngayong gabi."
Bigla akong natigilan sandali. Hindi sumagi sa isip ko ang bagay na gano'n pero dahil sa sinabi ni ate Chloe parang nagukuhan lang lalo ang pag-iisip ko. Bakit parang tumututol ang utak ko sa ideyang iyon? Bakit parang ayokong humantong kami ni Jarred sa ganoong intimasyon?
Bago pa man mapansin ni ate Chloe ang pag-aalinlangan ko, tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Kumilos na rin ako agad para umalis at pumunta sa condo ni Jarred. Dumaan rin lang muna ako sa pinakamalapit na apparel store.
Tinungo ko agad ang section kubg saan naroon ang hinahanap ko. Hindi naman ako nahirapan sa pagpili dahil marami namang mañgapipiliian. Kung nahirapan man ako, yon ay sa pagdedesisyon kung bibilhin ko ba talaga ang napili kong sexy outfit na alam kong magbibigay ng kahulugan kay Jarred sa oras na makita niya akong suot ito.
Bakit ba kasi nag-aalinlangan ako? Napakadaling binigay ko ang sarili ko kay Reid, kaya bakit di ko yon magawa ngayon kay Jarred? Kung ito ang makakapagpalimot sa gumugulo sa isip ko tungkol kay Reid, I should do this. I need to do this.
Matapos ang mahabang pakikipaglabanan ko sa kabilang bahagi ng utak ko, nagdesisyon fin akong kunin iyon at bayaran sa counter. Habang nakalinya ako sa iilang pila, biglang tumunog ang phone ko. Bigla akobg natigilan nang makita ko kung sino ang caller. Walang iba kundi ang taong laman ng utak ko. Si Reid.
Hindi ko sinagot ang unang beses na nagring iyon. Patuloy ako sa pakikipagmatigasan sa sarili ko. Ilang araw ko na rin siyang iniiwasan pero habang tumatagal sa halip na makalimutn ko siya, lalo ko lang siyang iniisip. Mariin ng pagbabawal ko sa sarili kong sagutin ang tawag niya, pero sa pangatlong beses na nagring ulit iyon, di ko alam kung anong nangyari sa'kin dahil di ko na nakayanang sagutin iyon.
BINABASA MO ANG
Stumble & Fall
ChickLitAng tanging gusto lang naman ni Sizzy ay ang magustuhan at mahalin ni Reid. Pero mukhang kahit anong gawin niya, 'yon ang bagay na pinakamalabong mangyari.
