Chapter 34

467 18 2
                                        

THIRTY-FOUR

Hinihingal ako matapos ang mahaba-habang pagtatakbong ginawa ko. Hindi na kasi ako nakakapag-gym kaya minabuti kong bawiin na lang sa pagtakbo. Sinasadya kong araw-arawin ang paggising ng maaga para siguraduhing hindi ko na makakaligtaan ang exercise.

Mula sa pagtakbo, ginawa ko na lang na palakad ang pabalik sa bahay ni Reid. Mag-aalasais na ng umaga kaya kailangan ko na rin talagang bumalik. Baka kasi gising na rin si Pepper at magsimula na naman ang pag-iyak niya.

"Sizz," Napalingon ako sa boses na tumawag sa'kin at ang nakangiting mukha ni Inigo ang nakita ko. Bakas rin siya ng pawis na mukhang pareho ko rin na tumakbo at ngayon lang kami nagpang-abot.

Mula sa mukha niya, bumaba ng tingin ko sa katawan niya na mas malinaw ko ng nakikita ang kaibahan sa noon. May abs na siya na bumabakat sa puting sandong suot niya. Nagtitigasan na rin ngayon ang mga braso't binti niya na parang noo'y piraso lang ng palito sa sobrang kapayatan. Hindi na nagkakalayo ang katawan niya ngayon sa katawan ni Jarred na siyang pinagpapantasyahan ko nitong nakaraang buwan.

"Dapat na ba akong mabahala sa ginagawa mong paglalaway sa buong katawan ko?" sabi ni Inigo na nagparealize sa'kin sa matagal kong pagtitig sa kabuuan niya.

Namula ako sandali sa pagkapahiya, pero agad din akong nakabawi. "I'm sorry, masyado lang akong nagulat sa malaking pinagbago ng itsura mo. Pero ako na mismo ang nagsasabi sa'yo na hindi mo kailangang mabahala, hindi gano'n kaimpressive ang katawan mo."

Agad namang natawa si Inigo sa sinabi ko. "At kaninong katawan ang pamantayan mo? Kay Reid?" Tumaas pa ang dalawang kilay niya na parang nag-eenjoy sa binibitawan niyang makahulugang biro.

Bigla't bigla, pumasok sa isip ko ang imahe ni Reid kahapon na nakahubad habang puting tuwalya lang ang nakabalot sa pang-ibaba niya. Kitang-kita ko ang abs niya na masasabi kong mas masarap titigan kumpara kay Inigo.

Muli akong namula dahil sa pinag-iisip ko at hindi 'yon nakaligtas sa mga mata ni Inigo. Pumuwesto siya sa unahan ko't humarap sa'kin habang nagjojogging ng paatras. "Buti na lang nakalimot na rin ako sa nararamdaman ko noon sa'yo. Dahil kung hindi mukhang hanggang ngayon, wala pa rin akong laban kay Reid pagdating sa'yo."

Awtomatikong napakunot ang noo ko sa tahasan niyang pag-amin. "May gusto ka pala talaga sa'kin noon?"

Naaalala ko na halos pagtulakan ako ni Reid at Bianca noon kay Inigo na nagpapakakupido sa pagpapareha saming dalawa.

"Oo. Ikaw kaya ang first love ko. Pero noon pa man alam ko ng si Reid talaga ang gusto mo. Kaya kung hindi man kita masuportahan noon sa nararamdaman mo, pwedeng-pwede na ngayon."

"Di na rin naman kailangan. Hindi pa ba malinaw sayo ngayon kung gaano kalabo mangyari ang ganoong bagay. Kahit na may isang Pepper na pumapagitna sa'min ngayon, wala pa rin ni isang tyansang nabubuhay para sa'ming dalawa."

"Wala ka na bang nararamdaman kay Reid?" tanong ulit ni Inigo na parang may panghihinayang sa boses at sa mukha niya na kaparehong-pareho kay Megan na umaasang Oo ang kasagutan ko.

"Wala na." sagot ko na wala ng paliwanag pa. Pero sadyang makulit lang talaga si Inigo na hindi nauubusan ng katanungan na hindi na rin naman nangangailangan ng sagot.

"In case na marealize mong may nararamdaman ka pa ulit kay Reid, nandito lang ako para sumuporta. Sabihin mo lang kung saan at kailan mo balak pikotin ulit si Reid, tutulungan kita... "

"Sira!" balik ko sa kanya na may pahabol na pananakit pero hindi na rin niya natanggap dahil nagsimula na siyang tumakbo ng mabilis. Binilisan ko na rin lang ang mga hakbang ng binti ko para mahabol siya.

Pareho kaming hinihingal nang marating namin ang magkatapat na bahay ni Reid at Inigo. May kasama ring halakhak ng tawa ang bawat hingal namin dala ng pagpapaunahang ginawa namin. Para kaming mga paslit na bata kanina na nagtutulakan at naghihilahan para lang maunahan ang isa't isa. Tuwang-tuwa naman ako dahil sa'ming dalawa ako ang nanalo. Walang binatbat ang mahahabang binti ni Inigo sa bilis ng takbo ko.

Bigla't bigla naging seryoso ang mukha ni Inigo pero naroon pa rin 'yong ngiti sa mukha niya. "May welcome party akong ihahanda para sa pagdating ni Taylor ng Pilipinas, gusto kong pumunta ka. Bukod sa gusto kong makilala mo ang mapapangasawa ko, pagkakataon mo na rin iyon para makausap si Bianca. Di'ba 'yun naman ang gusto mo, ang makausap siya."

Tumango ako bilang sagot.

Paghingi ng tawad ang unang-unang pakay ko kay Bianca. Hindi ko alam kung may magagawa pa ako para magkabalikan sila ni Reid, pero gusto kong tumulong. Gusto kong subukang ayusin ang lahat ng paninirang ginawa ko sa relasyon nila.

"Maliligo muna ako sa bahay." Paalam ni Inigo na iilang lakad lang ang layo ng bahay na tinutukoy niya. Tulad ko tagaktak na rin siya ng pawis dahil sa nakakapagod na pagtakbong ginawa namin. "Pakisabi kay lola Carmen, diyan ako sainyo makikialmusal."

Tumango ako bago siya tuluyang tumalikod at walang lingon-lingon na pumasok sa sarili nitong bahay. Papasok na rin sana ako ng kabilang bahay nang mapansin ko si Reid sa balkonahe na mukhang kanina pa nakamasid. Masama na naman ang bawat titig niya sa'kin na para bang malaking kasalanan na naman ang nagawa ko.

Ako ang unang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob ng bahay. Balak ko rin sanang dumiretso sa guest room para maligo dahil sa malagkit kong pawis nang makasalubong ko si Reid sa hallway.

Naroon pa rin at hindi nawawala ang masamang tingin niya sa'kin. Naintindihan ko rin kung para saan iyon nang magsimula siyang magsalita.

"Tigil-tigilan mo ang paglapit kay Inigo. Baka isang kasalan na naman ang hindi matuloy ng dahil sayo."

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon