FORTY-EIGHT
Nakakailang balikwas na ako sa kama pero di ko pa rin magawang makatulog. Sadyang masyadong maraming nangyari ngayong araw na 'to kaya masyado pa ring aktibo ang utak ko na hindi pa rin magawang matahimik.
Muli akong napatingin sa digital clock ng phone ko. Mag-aalas dose na ng hating-gabi pero di pa rin ako dinadalaw ng antok. Sinubukan kong mag-online para sana tignan si Megan, Caleb or Kurt kung pwede ang alin man sa kanila ang makachat, kaso wala. Hanggang sa may nagpop-out na lang na message sa screen ko. Di ko inakalang si Reid iyon.
Reid: O, gising ka pa? Overthinking again?
Agad akong sumagot.
Me: Can't help it. Kahit anong pilit kong pagpikit, di talaga ako makatulog.
Komportable na ulit ako kay Reid. Maling-mali ang ginawa kong pagbunton ko sa kanya ng inis at sisi. Matapos ang nangyaring pag-uusap namin kanina, narealize ko na siya at siya rin lang ang taong masasandalan ko.
Me: ikaw? Ba't gising ka pa?
Ilang segundo rin akong naghintay sa sagot ni Reid pero wala ng mensaheng nanggaling mula sa kanya. Ilang minuto pa, narinig ko na lang na nagriring na ang phone ko.
"Si Jarred, dinalaw ka na ba niya kanina?" bungad sa'kin agad ni Reid sa kabilang linya.
"Hindi eh." Sagot ko sa mababang tono. Hindi ko alam kung bakit di nakapunta si Jarred gano'ng sabi nito pupuntahan niya ako. Hindi ko rin tuloy alam kung hanggang ngayon ay nasa Batangas pa siya. Wala na rin kasi akong natanggap na tawag o text mula sa kanya. Gusto ko man siyang tawagan para tanungin, pero nagdadalawang-isip ako. "Mas mabiti na rin siguro na hindi siya pumunta rito dahil parang wala pa akong mukhang maihaharap sa kanya."
"Sizzy, don't say that..." Balik agad sa'kin ni Reid. "Don't feel bad on yourself dahil hindi rin naman 'yan makakatulong." Ito rin 'yong eksaktong sinabi niya sa'kin kanina. Gustuhin ko man siyang sundin pero di ko magawa.
"Sinusubukan ko naman pero ang hirap. Ang hirap humarap kay Jarred ng ganito. Paano kung malaman niya? O kung hindi man niya malaman, parang ang hirap pa rin dalhin ang ganitong sikreto. Parang di kaya ng konsensiya ko –pero di ko naman kaya na sabihin sa kanya ang ang nangyari... Paano kung di niya ako maintindihan? Paano kung magalit siya sa'kin? Paano kung hiwalayan niya ako nang dahil doon..." Halos di na ako huminga sa pagsasalita. Maging sarili ko ay di na maawat ang bibig ko sa paglabas ng kung ano mang alalahanin ng utak ko.
"Ssh..." pagpapatigil sa'kin ni Reid. "I know what you feel. I've been there. Pakiramdam ko I was so tortured kinabukasan nang malaman kong may nangyari sa'tin noon..."
"I'm so sorry..." putol ko sa kanya sa pag-ungkat niya ng nakaraang pagkakamali ko. "Siguro, karma ko na rin 'to. Nangyayari sa'kin ngayon ang ginawa ko sa'yo noon..."
"Stop blaming yourself. Sizzy, stop and just listen to me." Pagpapatigil muli sa'kin ni Reid sa mas mala-awtoridad na boses. Sinunod ko ang sinabi niya at nanahimik ulit ako. "Are you still there?"
"Nakikinig na ako." Sagot ko. Naghintay ako sa muling pagsasalita ni Reid, pero wala akong narinig na kahit ano. Tanging background na ingay lang ang naririnig ko sa kabilang linya tulad ng yabag ng paa na parang naglalakad siya, saka pagbukas at pagsara ng pinto.
"Reid? Nandiyan ka pa ba?" tanong ko hanggang sa musika naman ang naririnig ko. "Hello?"
"Makinig ka muna sa music para marelax ka." Sabi niya saka nilakasan ang musika. Fix you ng coldplay ang kasalukuyang tumutugtog, ang paborito kong kanta. Aangal sana ako sa kanya, pero sinara ko na lang muli ang bibig ko at sinunod na lang ang sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Stumble & Fall
Chick-LitAng tanging gusto lang naman ni Sizzy ay ang magustuhan at mahalin ni Reid. Pero mukhang kahit anong gawin niya, 'yon ang bagay na pinakamalabong mangyari.