THIRTY-THREE
"Yes! shoot!" hiyaw ni Xion nang magawang maishoot ni Reid ang bola sa ring. Kitang–kita ang proud na mukha niya na akala mo isa talagang professional coach habang si Reid ay nagpapanggap namang trainee na tsumamba sa pagshoot.
Napapangiti na lang ako sa isang tabi habang kalong ko si Pepper na parang nagchicheer din dahil sa makailang ulit nitong pagtalon habang pinatatayo ko sa sarili kong hita.
Masarap silang panoorin habang naglalaro ng basketball sa likod ng bahay. Natutuwa akong nag-eenjoy si Xion at ganoon din si Reid na ngayon ko lang ulit nakitang tumatawa ng sobra. Wala na 'yong kunot niyang noo, madilim na mukha at nagsasalubong na kilay na madalas lumalabas kapag ako ang kaharap niya.
Sa isang iglap, nabalik ang pag-iisip ko sa impormasyong nalaman ko kanina mula kay Inigo. Hindi ko pa alam ang buong istorya ng paghihiwalay nila, pero kahit ganoon, parang wala akong ibang gustong gawin kundi ang kausapin at pakiusapan si Bianca na balikan niya si Reid. He didn't deserve all this. Kung may tao man na nakakaalam kung gaano siya kamahal ni Reid, ako 'yon... Kaya kung pwede lang sanang makaharap ko si Bianca ngayon, sasabihin ko sa kanya kung anong klaseng lalake ang pinapakawalan niya.
Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang makita si Reid na totoong masaya... Gusto kong ibalik sa kanya ang bagay na 'yon na minsan ko'ng inalis mula sa kanya.
"Ang sarap nilang panoorin ano," sambit ng tao mula sa likuran ko. Si Lola Carmen.
Ngumiti ako sa kanya. "Opo. Ngayon ko rin nga lang pong nalaman na magaling rin pala si Reid pagdating sa pakikitungo sa bata tulad ng ginagawa niya ngayon kay Xion. Kaya nga ngayon palang kumbinsido na ako na magiging mabuti siyang ama kay Pepper."
"Sigurado din ako sa bagay na iyan." Sagot ni lola na mula sa nakangiting mukha nabahiran iyon ng bahagyang pagseryoso. "Pagpasensyahan mo na lang muna sana ngayon si Reid, iha. Naniniwala naman akong magkakaayos rin kayo at mababalik 'yong magandang samahan niyo na tulad noong dati."
Ngumiti na lang ulit ako dahil sa wala rin naman akong maisasagot. Kung mababalik man sa dati ang magandang samahan namin ni Reid, mukhang hindi iyon mangyayari ngayon o sa susunod na bukas. Kung kailan? Hindi ko na rin masabi.
"Pepper..." tawag ni Reid nang makalapit siya sa'min at gano'n din si Xion na parehong pawisan matapos ang laro nila. Kung ano-anong pinaggagawa nila para mapatawa si Pepper na epektibo naman.
Para akong hangin sa paningin ni Reid na para bang hindi niya ako nakikita. Kung hindi kay Pepper, nasa kay Xion lang ang tingin niya.
"Reid..." sambit ko sa pangalan niya para subukang kausapin siya sa kaswal na paraan. "Nakakausap mo pa ba si Kurt, Caleb at Megan?"
Napalunok ako bandang dulo. Sadyang hindi na talaga ako gano'n kakomportable na kausap si Reid. Hindi na siya 'yong dating kaibigan ko na napakadaling kausap at kwentuhan. Pero kung gusto ko talagang mabalik 'yon, kailangan kong subukan.
Nang hindi sumagot si Reid sa tanong ko, nagpatuloy lang ako. "Si Megan na lang ang parati kong nakakausap sa tatlo. At sabi niya, mukhang malabong dito sila magpasko sa Pilipinas—"
Hindi ko na napagpatuloy ang pagkukwento ko dahil sa nakikita kong kawalang interes ni Reid. Nagmumukha lang akong tanga sa harapan niya. Mukhang kahit anong pagpilit ang gawin ko, wala rin namang mangyayari.
"Xion, you want to go with me? Let's take a shower. Amoy pawis na tayo." Baling ni Reid kay Xion na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Ilang sandali lang, wala na sila sa harapan ko't umakyat na sa kwarto ni Reid para maligo.
Bigla akong natigilan nang marealize ko ang isang bagay... hindi ko pa nga pala nahahanap 'yong isang sing-sing. Madadagdagan na naman ang galit sa'kin ni Reid kapag nagkataong malaman niya ang katangahang nagawa ko.
BINABASA MO ANG
Stumble & Fall
ChickLitAng tanging gusto lang naman ni Sizzy ay ang magustuhan at mahalin ni Reid. Pero mukhang kahit anong gawin niya, 'yon ang bagay na pinakamalabong mangyari.
