Chapter 15

614 11 0
                                        

FIFTEEN:

"Sizzy, kauuwi mo lang?" bungad sa'kin ni kuya Gian ng sinadya ko siyang puntahan sa kwarto niya pagkarating ko pa lang sa bahay. "Kamusta naman ang reunion niyong magkakaibigan?"

"It was fun, kaya eto, ngayon lang ako nakauwi." Sagot ko na dire-diretsong tumabi sa kapatid ko na kasalukuyang nagtatrabaho sa table niya kaharap ang laptop at mga papeles. Niyakap ko si kuya na parang matagal-tagal ko na ring hindi nakakabonding.

"Himala yatang naglalambing ka sa'kin ngayon. May kailangan ka ba? Pabibilhin? Hihilingin?"

Natawa na lang ako dahil wala akong natatandaang naglambing ako sa kanya noon para lang magpabili o humiling ng kung anong bagay. Pero mukhang tama rin naman kahit papaano si kuya, dahil may kailangan nga ako sa kanya.

"Kuya," simula ko sa mahinang boses. Nag-aalinlangan akong ituloy ang sasabihin ko, pero tinuloy ko pa rin. "Di ba si ate Hailey ang first love mo..."

Tumigil ako sandali para tignan si kuya, nang makita kong wala siyang pagtutol na parang hinihintay ang karugtong ng sasabihin ko, nagpatuloy ako.

"Inisip mo ba noon na siya ang gusto mong pakasalan at makatuluyan?"

Ni minsan hindi ko tinanong o inusisa si kuya tungkol sa ganitong bagay, ngayon lang. Bata pa ako noon at wala pang masyadong maintindihan sa naging pagkakaugnay niya noon kay ate Hailey at ate Aries. Ngayon lang na malaki na ako saka naging malinaw sa'kin ang lahat.

Si ate Hailey ang first love ni kuya Gian, habang si ate Aries naman ay lihim lang na nagmamahal kay kuya. Maraming nangyari sa kanila noon... dahil sa isang aksidente, nagbago ang lahat. Hiniwalayan ni ate Hailey si kuya dahil sa kapansanan na nakuha niya sa aksidente. Binuhos ni kuya ang galit niya kay ate Aries na sinisisi niya sa aksidente ng panahong iyon. Pero sa kabila ng lahat, minahal pa rin ni ate Aries si kuya. Sa bandang huli, naging sila... Saksi ako noong araw na si ate Aries mismo ang nagpropose ng kasal kay kuya Gian. At noong araw ding iyon na akala ko sila na talaga ang para sa isa't isa, hindi rin pala. Mahal pa rin ni kuya ang first love niya. At roon, nagparaya si ate Aries... lumayo at nanirahan sa States. Nagkabalikan si kuya at ate Hailey. Pero ang hindi ko na lang maintindihan ngayon ay kung bakit, hindi rin nagtagal ang relasyon nilang dalawa at nauwi rin sa hiwalayan.

"Oo." Sagot ni kuya Gian sa tanong ko. "Akala ko talaga noon, kami ang para sa isa't isa."

"Pero bakit ganoon? Naiintindihan ko na nagkahiwalay kayo noon dahil sa hindi niyo hawak at hindi niyo ginusto ang kung ano mang pangyayari noon... na parang tadhana ang nangialam kaya wala kayong nagawa. Pero ito ngayong pangalawang pagkakataon na binigay sa inyo, bakit mo piniling mawala na ng tuluyan si ate Hailey sa buhay mo?"

"Dahil nagbabago ang nararamdaman. Hindi permanente. Minsan, 'yong akala mong para sa'yo, hindi pala." sagot ni kuya na may kung anong halong lungkot sa tono ng boses niya. "Tulad na lang kay Hailey... kung tatanungin mo ako noon kung siya ba ang gusto kong makatuluyan pagdating ng panahon? Siguradong sasagutin kita ng Oo agad-agad. Pero kung ngayon mo ako tatanungin? Hindi, ang sagot ko. Hindi pala."

Napapaisip ako sa sinabi ni kuya Gian at di ko mapigilang hindi maiugnay kay Reid. Posible nga bang magbago rin ang nararamdaman niya para kay Bianca kahit pa sinasabi niya kung gaano na siya kasigurado sa kanya? Paano kung hindi pala talaga siya ang para kay Reid?

"Paano kung hindi nagparaya si ate Aries ng araw na iyon?" panibago kong katanungan na parang kumurot kay kuya ang pagbanggit ko ng pangalan ni ate.

Walang sagot na naibigay sa'kin si kuya Gian. Pilit kung binabasa ang mukha niya na hindi ko masigurado kung pagsisisi ba ang nakikita ko."Kuya, nagsisisi ka bang pinakawalan mo si ate Aries? Mahal mo pa ba siya?"

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon