Chapter 4

800 17 1
                                        


FOUR:

"Really? Nangyari 'yan lahat kagabi, Sizz? Just you and Reid?" Namimilog ang mga mata ni Megan matapos kong ikwento ang lahat na detalyeng nangyari kagabi. "That's so sweet. Alam mo bang gabi-gabi kong hinihiling na magustuhan ka na rin sana ni Reid. And it's working na..."

"Meg, kilala naman nating pareho si Reid. He's not into me." Pag-amin ko. Kahit gaano ko kagusto si Reid, hindi pa naman ako bulag para hindi makita na hindi ako ang type niya.

"Pero magagawan natin ng paraan 'yan. You just need to trust yourself. Kaya mong paibigin si Reid, lalo na't single na siya uli ngayon." Namumungay ang mga mata ni Megan habang nagsasalita. "Ilabas mo na kasi ang tapang mo Sizz. Just like last night. Kitang-kita ko kung paano mo diniin si Vicky. And that's the first time huh. Ang tapang lang!"

Tinignan ko ng makahulugang tingin si Megan at awtomatikong naintindihan naman nito ang hinihingi kong pagtahimik niya.

"Let's just change the subject." muling ratsada ni Megan. "Anong mga sinulat mo sa list? Pwede ko bang makita?"

Inabot ko naman sa kanya ang papel. Wala namang problema kung makita niya lalo na't alam naman ni Megan ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa.

"Wait! Mukhang may kulang pa dito..." puna ni Megan nang isa-isa niyang binasa ang mga nakasulat. "May nakalimutan kang pinaka-exciting na hindi mo pa nagagawa."

"What?" Napalalim ang pag-iisip ko, pero wala akong maalala. "Ano nga?"

"S-E-X."

Halos mabilaukan ako sa iniinom kong tubig. "Tumigil ka Megan!"

"Why? What? Dapat lang kasali 'yon. You'll miss the fun, Sizz. Take a risk!" at nagsimula ng humalakhak ng humalakhak si Megan. Natigil lang nang sumulpot sa may pintuan sina Reid at Caleb kasama si Kurt.

Sa halip na ngumiti, napaluha ako sa saya habang nakikitang kumpleto pa rin kami matapos ang nangyari kagabi.

"Sizz." Si Kurt na ang unang lumapit sa'kin at niyakap ako. "Mukhang sa'yo ako may utang na loob. Thanks, Sizzy."

"Ganun ganun na lang?!" sigaw ni Megan na pabirong kinakalaban ang sariling kapatid. "Patatawarin niyo na lang ng ganun kadali si Kurt? Hindi man lang pinahirapan?"

Ang pagbibiro ni Megan ang nag-udyok sa lahat na magkaroon ng kabayaran ang nangyari. "Oo nga naman. That's a good idea, Meg." Napapatangong saad ni Reid. At nakidagdag din sa pagsang-ayon si Caleb.

"Okay! Okay!" sumuko na sa pagpayag si Kurt. "I'll do it. Ibigay niyo na ang punishment na gusto niyo sa'kin. So what do you want me to do, Reid?"

Nag-isip muna si Reid bago muling nagsalita. "Wala akong maisip. Pero alam kong mas maganda kung si Meg na lang na mukhang may naisip ng ipagawa."

Halos sumigaw ng pag-ayaw si Kurt dahil alam nitong hindi magiging magandang ideya ang maiisip ni Megan na laging kalokohan ang laman ng utak.

"Don't worry Bro, wala kang ibang gagawin kundi ang isakatuparan ang number Thirtheen sa magic List ni Baby Sizzy."

"Ano!" napalakas na sambit ko. "Kelan pa ako nagkaroon ng No.13 sa List? The last time I checked, 10 pa lang ang nagagawa ko..." Halos pandilatan ko si Megan. Mukhang pinakialaman ng bruha kong kaibigan ang list ko.

"So, nagawa mo na ang list, Sizz? That's nice. This would be interesting..." Pumapalakpak na saad ni Reid na nasisiyahan sa nangyayari, habang nananatiling clueless sina Caleb at Kurt sa pinag-uusapang List. "What's the No.13 anyway?"

Ngumiti ng maluwang si Megan na ngayon ko lang kinatakutan. I crossed my fingers nang magsimula na itong magsalita. "List Number 13 is... Hindi pa nakakakita si Sizzy ng...."

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon