CHAPTER 1:"Kyaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh" Sigaw yan ng mga freshmen tourism students na mga girls habang nakikita sa projector yung commercial nung Batterson Elmundo na yun. Nagrerecess sila ngayon. Orientation kasi nila, but for the information of everybody, im not a freshman facilitator nila ako.
"Dachie, tingnan mo yang mga freshmen ang babata pa pero kung makatili para wala ng bukas. Ganyan na ba talaga kabulag ang mga tao ngayon? Anong meron sa Batterson Elmundo na yan? Normal lang naman na tao yan katulad natin" sabi ko sa katabi kong si Dachie, bestfriend ko, pero pagtingin ko.
"DACHIE LIM!" sigaw ko sakanya.
"Cheska,wag ka ngang maingay di ko masyado marinig yung sinasabi ni Batt" kilig na kilig niyang sabi
"Hoy babae! kanina pa ko salita ng salita dun sa likuran, akala ko andun ka kasama ko. Pero andito ka pala sa pinakaunahan at nakikipagtilian din kasama ang mga freshmen? Ako nalang ba talaga ang matinong tao dito?!" hindi niya ko kinikibo. Tutok na tutok kasi syang nanunuod..
1..
2..
3..
4..
"May repeat button ba?" tanong niya saken. Sabay nun ang pagbatok ko sakanya, nasisiraan na batong bestfriend ko? Commercial lang naman yung pinakita.
"Hoy masakit yun ah" pagaangal nya
"Eh kasi po, kanina pa ko nakikipagusap sayo pero di mo ko kinikibo, para kong nakikipagusap sa mannequin. Alam mo ba yun?"
"Subukan mong maki in samin ng malaman mong isa sa mga pinakainaabangan na moment ng isang fan girl ay ang marelease ang bagong commercial ng iniidolo nila. Di naman ako masyado fan. Slight lang naman, pero gwapo naman talaga yang si Batterson Elmundo" tumingin ako ulit sa projector... well...gwapo nga , anong sabi ko?!! erase erase!!!
"Baliw!" sigaw ko sakanya ng nakapamewang. She just pouted.
Wala kong masyadong alam sa Batterson Elmundo na yan. Ang alam ko lang sikat sya. Pero wala akong pakialam. Bawat bukas ko ng tv o basa ng dyaryo. Puro mga issue about sakanya nakikita ko at puro negative. Hindi sya tatagal kung nasan sya ngayon kung puro mukha lang sya..sabi nga nila beauty fades. Pero bakit marami pading umiidolo sakanya? aba malay ko, wag nyo kong tanungin.
"Kung ganun madami kaming baliw" sinundan ko kung san tumingin yung mata nya.
"AWWWWWWWW!, He's Effin cute!"
"GOSH! gwapo nya dun sa commercial"
"Gosh! Feeling ko guys meant to be kami"
Sabi ng mga freshmen students.
Tinignan ko ulit si Dachie.
I just glared at her tapos tinawanan nya lang ako. "Ewan ko sainyo!!"sarcastic ko sakanyang sinabi, bumalik ako sa likuran. Matinong bestfriend po ang gusto ko Lord.
Before anything else pala, ako muna'y magpapakilala. I'm Cheska Angeline Chi, half Filipino and half chinese, 17 years old. Like what I said a while ago 2nd year college nako dito sa Isle International University an exclusive school for those half half meaning one half filipino and the other half eh kung ano man, taking up BS Tourism Development Tourism Management. Ang pagaayos sa sarili ang nasa pinakadulo ng listahan ko di katulad ng bestfriend ko na si Dachie.
We own Chi company, medyo kilala yan pagdating sa pagpoproduce ng mga laruan, most especially bears. Yan lang ang alam ko di ako masyado bussiness minded na tao.
~~~
Hininto ko ang pagpapatugtog ng music sa kwarto ko ng may narinig akong may kumatok sa pinto.
"Miss Cheska, bumaba na po kayo at kumain ng dinner niyo" Yung yaya ko pala yan si Yaya Mindy, siya na nagpalaki sakin, kaya boses palang alam kong siya na yan. When I was young, I almost called her mommy, I really thought na siya yung nanay ko kasi pag may events sa school siya ang pumupunta, siya nagpapatahan sakin pagumiiyak ako nun.
Siya nagpapatulog sakin. Siya din ang head ng mga maids dito sa bahay. Mahal na mahal ko yan si Yaya Mindy, ang bait kasi, tumandang dalaga na siya kakaalaga sakin. Di naman namin siya pinagbabawalan kaso lang ang dahilan niya naman dahil daw ang lolo ko yung nagpaaral at tumulong sa pamilya niya (sumalangit nawa ang kaluluwa ng lolo ko), yun na lang daw ang pwedeng maisukli niya dahil daw naging mabait ang pamilya ko sakanya.
"Bababa na po" Pasigaw kong sabi
"Ah hija, pakidalian na lang nalang ha? Nasa baba na kasi ang Papa mo" i sigh " Mukhang mainit nanaman ang ulo" mahina nyang sabi.
Ano bang bago? lagi naman mainit ang ulo ni Papa lalo na pagdating sakin
Sa dining room...
"We waited for almost 6 minutes" sabi nya sakin sabay tingin sa relo nya
"Sorry Pa" Ganyan na lang nasabi ko, ayoko din naman makipagaway ngayon. Sigurado ako nanaman matatalo kung nagsimula ako ng away, it always ends like that.
"How's school, sweety?" pagsabat ni Mama.
"We haven't started Ma, sa June 7 pa po"
" I heard na nagfacilitate ka daw sa orientation ng mga freshmen, how was it?"
"Masaya naman po. Sabi ng head faci namin kung gusto ko daw eh pwede pa ko magfacilitate next school year" sabi ko
"That's great" Ma
"Imbes na igugol mo yang oras mo sa mga extra curricular activities, just focus on your studies...that's atleast the thing you can do for now " sabi ni Papa na mukhang galit nanaman. Sanay na ko. Gusto kasi ni Papa noon na magtake ako ng Business Management course, but I insisted to take tourism kasi yun ang hilig ko. Pumayag lang naman siya sa condition na after that 4 year course itetake ko na yung Business course na gusto niya and I should graduate with flying colors. What's the sense of taking the course that he wants if he wont let me handle our company in the future?
Masyado paring big deal kay Papa ang Chinese traditions, kung saan sakanila wala masyadong tiwala sa mga anak na babae sa pagpapalakad ng negosyo.
"Ferd, we talked about this before" mahinahong sabi ni Mama.
Biglang tumayo si Papa "Im done eating. I have to go to the office just remember this" bigla syang tumingin sakin. "Hanggang nakatira ka sa bahay na to at pera ko ang nagpapakain sayo. I still have a say in everything you do"
Umalis agad sya pakasabi nya nun. I just stared at him. Wala naman akong ibang masasabi, nakasanayan ko ng tumahimik at makinig sa nga sermon niya
"Ferd...."
"Ma" i smiled at her and held her hand. "Ayos lang po"
TO BE CONTINUED..
(A/N: You're free to say anything naman pero not too harsh, if nagustuhan ninyo just vote and be a fan, TOODLES!, Please vote or comment please. Para malaman ko if I'll still continue this story :))) Kung baga pampalakas loob mga teh! Gora na :P)
Meet Chessy ======================>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015
RomanceWhat will you do if you are obliged to marry one of the hottest teen heartthrob in the country? Every other girls would do anything to be in Cheska's shoe and she would be willing to trade the spot if she has a choice. She hates the guy, she hates e...