Chapter 4

143 7 0
                                    

At hello, nineteenth palang po ako,kaya talagang di pa pwede.

May panahon para don. At darating din ako don. Pero sabi din ni Nanay kailangan maging praktikal ako pag dumating ako sa tamang edad o kaya matagpuan ko man ang lalake na magpapatibok ng puso ko, dapat yong kaya akong buhayin.Yong kami nang pamilya nya at syempre bago ang lahat yong papakasalan ako.

Simple lang naman ang gusto ko sa isang lalake.Yong kahit di masyadong pogi , may abs man o wala , matalino man o hindi , maputi man o maitim basta huwag lang uling. Lord pasensya na po. May trabaho man o syempre meron no ! At syempre yong kaya nga akong pakainin 3 times a day diba . Hmp ah basta umiral nanaman ang pagiging ewan ko nahawaan na ata ako ni Lina. Huwag naman po.

Naputol ang pagmuni muni ko nang biglang sumulpot si Lina sa harap ako.

"Ateng ano ? Angyare sayo nakaalis na yong kaausap mo tulalerrrr ka pa rin bes.'
Siguro di ka rin makamove kay Mr. Hunk no ? Aminin.

Tuluyan nakong nagising to talagang kaibigan ko minsan madalas kontra bida ang rule sa buhay hmmp.

"Oh, andyan kana pala. Sabi ko nalang.

"Oo kanina pa, pambihira, Ano bang iniisip mo, si Mr.Hunk ano tama ako ?'

"Hindi no , bat ko naman iisipin yon.'At tsaka di ko type yong ganun.'

Paliwanag ko pa , heto nanaman tayo.

" Aba , magaling eh sinong type mo ?
Anong klase nang lalake ang type mo yong katulad ni Marlon ? Ganun ba yong , mabait, na mayabang na akala mo pogi pero pangit pa din.'Sige nga umamin ka type mo yon no. Nako patay na.!'

Tumawa lang ako nang bahagya at nagsalita.Kahit kelan talaga napaka galing manglait nitong kaibigan ko , wala nakong masabi.

"Hindi , grabe ka naman manlait dyan bait bait nong tao eh.
Kapag kuway nauna akong maglakad, medyo mas madilim na kesa kanina.

"Sus, hindi naman pala eyh. San ka ba pupunta ?

Pag iiba nito. Nahalata ata nyang wala nako sa mood ituloy ang kakulitan nya.

"Ihahatid ko tong mga labahin dyan sa subdivision.'
Kaya samahan mo ko okay.'

"San banda don eh, hindi pa naman tayo nakakapasok don . Alam mo na kung san ihahatid yan don, ?

Agad kong ipinakita ang address.Tiningnan nito ang address na wari'y binabasa.

"Dito hmmp, hindi ko alam to aah haha !.'

"Oo , pareho nating hindi alam to kaya tara na . Papagalitan ako ni Nanay kapag ginabi ako.

Mabilis naman syang tumalima at nag lakad kami pareho papunta sa sakayan.
Sumakay na kami ng treysikle.

"Manong , sa subdivision po.'

"Ay teka bawal pumasok ang sasakayan don, kaya sa labas ko lang kayo maihahantid okay lang ba yon ?'

"Sige po.'

Nang makarating agad kaming naglakad papasok.

" Mga ineng san lakad natin.'

Sabi ng lalake na hinabol kami , papasok.

"Ah , sa loob kuya.' Si Lina

"Aba eh, ang ibig kung sabihin sino ang pupuntahan nyo don.'

" Ah ,opo.. kena Aling Rosa po. Alam nyo po ba kung san po sya banda dito.'Agad kung inabot ang hawak kung papel , pagkuway tiningnan naman nya.

"Rosa ?

Saglit na nag isip. At tiningnan muli ang papel.

"Dali na manong pogi '. si Lina

" ah , okay.. diretso lang kayo sa daan na yan pagkatapos liko kayo sa kaliwa at yon na yon gets ?'

"Opo, salamat po."

"Sandali , yong makikita nyong puting gate yon yon. Magdorbel kayo ng mga limang besis tapos , tapos na.

"Opo ' . Sabay naming tugon ni Lina. At naglakad na kami

" Oh ingat sa aso ha , huwag nyong kagatin.'

Pabahol ni manong guard, narinig ko pang tumawa.

"Hayst bes , sa wakas nakarating din.
Kapwa kaming namangha sa taas ng gate.

Nag doorbell ako.

"Gawin munang lima,'

Tiningnan ko lang sya, at sumang ayon.
Tatlong pindot ,kung ginawa yon. Antay konte pero wala padin nagbubukas.

"Baka naman walang tao '.

"Meron yan, baka may ginagawa lang or, what.'

Sya naman ang pumindot.Ibinaba ko ang dala kung supot na may nakalagay na mga labahin.

"Ay nako. 'si Lina, wala sa anong napakamot sa ulo.

Dinddong ...
Dingdong ..

Dingdong ..
Dingdong..
Dingdong..

Dingdonggggggggg ....

"Hoy '. Sinaway ko si Lina . Tumigil naman ito.

"What the !! Hayyyy . Napabalikwas ako sa pagkakahiga at bumangon . Nananaginip lang ba akong kanina pa may nagdo-doorbell .
At asan naman kaya si manang at hindi binubuksan ang gate.' Sa isip ko.

7:43pm na , hmmp tumayo ako nagbihis ng pang ibabaw.

Pag bukas ng pinto. Baba na sana ako ng hagdan ng matanaw ko si manang dali daling nagbukas ng pinto para lumabas.
Inantay kung makapasok sya at tingnan kung sino ang bisita.

Nagbukas ang gate at bumungad ang may edad na wari ko'y si Aling Rosa na .

"Nako , pasensya  .. hindi ko narinig asa banyo kc ako at medyo mahina nadin ang pandinig ko. Mahabang paliwanag nito at inawangan ang bukas ng pinto.Pumasok na kami.


Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon