Chapter 53

76 7 0
                                    

Nang makarating kami sa isang silid ay tumambad sakin ang sandamakmak na lingerie na nakasuot sa mannequin.Ang gaganda ng mga ito parang ang sarap lahat isuot.Hindi ko maiwasang hindi humangga.

"Uh, maari mong itry ang iba kung gusto mo.. wala namang oras na binigay si Sir para sa pag susukat."

"Nako, huwag na, kung ano nalang yong susuotin ko para sa sunday ,yon nalang."
Nahihiya kong tugon.

"Aah sige .. sandali kunin ko lang ."

Matapos itong mawala ng ilang segundo buhat sa kung saan ito pumasok kanina ay muli itong lumabas doon dala ang limang maliliit na karton at inilapag sa tabi ko.

"Ayan , pwede munang sukatin yan."

Hindi ako sumagot at bagkus ay binuksan ang isa sa mga karton at tumambad sakin ang munting saplot.Bigla akong kinabahan sa itsura nito ... may kasama itong robe at isang nightgown na kakulay din nito.

"Aah , may problema ba ? Hindi mo ba nagustohan ?"
Sunod sunod na tanong nito.

"Aaah, nako hindi naman.Uh sandali lang ha sukatin ko lang ."
Pagkasabi ko ay mabilis akong nag tunggo sa isang fitting room.

Pinag masdan kung maige ang kabuohan ko sa salamin na naroon.
At hindi ko makakaila ang maliit na umbok na nakikita ko sa aking tyan. Para akong tanga kaya ko bang mag suot ng ganito sa harap ng maraming tao sa kabila na buntis ako .

Huminga ako ng malalim at kapag kuway naupo.Siguro mga ilang segundo rin ako sa ganoong posisyon ng may kumatok sa pinto.

"Uh Ma'am ,andito po si Sir, gusto nya daw po makita kung okay daw po yong susuotin nyo ."

"Ano !?"

Nanatili akong tikom hanggang sa marinig ko ulit itong mag salita .

"Uh Ma'am okay lang po ba kayo ?"

Muli ay tumayo ako sa pagkakaupo at nag pasyang mag salita.

"Sandali ."sagot ko pa

"Aah , sige po ."

Nag bihis ulit ako ng damit na suot ko.Buo na ang pasya ko , hindi ko ito itutuloy .
Pagkatapos mag bihis ay dali dali akong lumabas doon.

Mula sa pag kakalabas ay nakita ko ang dalawang taong inip na nag hihintay saking parehong nakatayo .

Nag lakad ako palapit sa kanila na wari ko sa lalake na kasama ng babae ay inis na nakatingin sa gawi ko.
Ngumiti lang ako ng makalapit na nang tuluyan sa kanila.

"Ano yang suot mo ?"
Panimula ng lalake .

"Aah ito damit ."turo ko sa suot ko

"Alam ko ! What i mean is bakit yan ?!"
Tanong nito sa halatang galit na tinig.

"Nag bago na ang isip ko, hindi ko kaya ."

"What !? What do you mean na hindi mo kaya ?"

"Ayoko na , mag reresign nako."

"But why ? You already sign the contract for this at hindi ka basta basta makakaalis without finishing it , you know it ."

"Alam ko ."

"Alam mo naman pala.So bakit ka aalis ? wala ka pa ngang nasisimulan aalis kana agad ."

"Basta !"masigaw kong sagot na ikinagulat ng babae .

"Lavy iwan mo muna kami ."
Pagsabi noon ay mabilis na lumabas ang babae nang silid.

Ako naman ay napairap na , sumunod sa babae.

Bago pa man akong tuluyang makalabas ng pinto ay napigilan nya ako.
Hindi ko sya nilingon at bagkus ay pinilit kong hilahin ang kamay ko na hawak nya.

"Ano bang problema mo ? Kanina naman okay na diba ?"masuyong tanong nito na nag paangat ng tingin ko sa kanya.
Mula sa inis na awra nito kanina ay napalitan ito ng maamong mukha.

"Nagugutom ako ."sa halip na sagot ko.

Napangisi itong tiningnan ako sa mata.

"Tama ba , dahil lang nagugutom ka mag re-resign ka ?"nakakunot noo nitong tanong.

"Kailangan ko pa bang mag explain sa kanya ?"

Dahil wala ako sa mood na makipagtalo o makipag usap sa kanya ay pinihit ko ang pinto para bumukas ito para rin lumabas doon.

Tuluyan nakong lumabas nang hindi ko maramdaman ang pag tutol nito.
Mabilis kong tinahak ang kahabaan ng hallway para tungohin ang elevator.
Nang makapasok ay natigil ako ng hindi tuluyang nag sara ang pinto sa halip ay nag bukas itong muli at pumasok ang lalakeng nakashade at polong kulay puti at maong na kulay asul na medyo kupas ang kulay.
Bigla akong kinabahan ng huminto ito sa harap ko at tingnan ako.
Dahan dahan nitong ibinaba ang shade nito.Tuluyan nakong napamaang ng makumperma kong sino ang nasabing lalake.

"Si Summer ."  sa isip ko pa.

Maging ito ay gulat na tiningnan ako.

"Hel ?"

Hindi pa man ako nakakapag salita ay mabilis itong yumakap sakin na syang ikinagulat ko.

Ang laki ng ipinagbago nya...
Kung noong gwapo sya ay mas gwapo sya ngayon .Mas matured ang itsura nya at parang mas tumangkad pa..mas naging makisig ang katawan nya kumpara noon.
Pero wala pa ding tatalo sa taong mahal ko.
Walang hihigit sa kanya.

Inalis nito ang pagkakayakap nya at hinawakan ang mag kabilang pisngi ko.
Ang kaninang gulat ko ay nawala na, ngayon ay parang wala ako sa mood na mag salita man o kung ano.
Nag tama ang tingin naming dalawa.Nakakatunaw ang titig nya kaya agad akong bumawi at ibinaba ang tingin.

"Kamusta ?"panimula nito.
Parang kakaiba man ay mabilis akong tumingin ng diretso sa kanya.

"Uh, okay lang naman."simpleng sagot ko.

Mapungay ang mata nito na hindi ko mabasa .
Pakiramdam ko bigla syang nanlamig  , base narin sa tingin nito.Iba ang tingin nya kanina at iba rin ngayon. Nawala ang pag kasabik nito gaya kaninang bago sya yumakap sakin.

Wala sa anong napangiti ako.
Ito naman ay nag iwas din ng tingin na syang sinabayan ng pag pindot nito tungo sa grand floor.
Tahimik lang akong nakiramdam sa kanya, na pakiramdam ko ay ganon din sya.

Bago pa man akong tuluyang makalabas ng elevator ay narinig ko ang pag tawag nito sa pangalan ko na hindi ko binigyang pansin.Gutom ako at wala akong pake sa nararamdaman nya.

Nilakad ko ang di kalayuang kainan sa tapat lang halos ng building na kinaroonan ko. Nang makarating ay nag palinga linga ako na para bang may hinahanap ako.
Hindi ko gusto ko ang pagkain roon at kahit gutom ako ay hindi ako mapapakain ng ganon.
Bigla namang sumama ang pakiramdam ko ng biglang kumalam nanaman ang tyan ko hudyat na talagang kailangan ko ng makain.

"Hayst gusto ko talaga ng pizza ."







Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon