Chapter 36

74 7 0
                                    

Hindi ako maka get-over ! Kasi naman kilala pala ni nanay itong si Reid ang sabi nakilala nya nadaw ito noong maliit pa .

Pero hindi padin ako makapaniwala.Oo alam kong magkakilala este magkaibigan sila Aling Rosa at ang Nanay ko pero hindi talaga pumasok sa isip ko na , kilala nya din itong si Reid o tamang sabi eh ang magkapatid panga.

Bakit nga ba hindi ko naisipang ipakilala agad itong si Reid .

Halos hindi matapos ang naging kwentohan nila tawa nang tawa ang nanay ko na wari ko ay kinikilig sa mga kwento nitong boyfriend ko.

Saglit akong sumingit.

"Aah , nay anong oras na po kasi ". Paalala ko mag 12 na po at tinalo pa nila ang nag liligawan sa tagal mag usap.Tampo naman ako at nadedma ako nitong isa.

"Aay ganun ba , nako napasarap ang kwentohan natin aah."

"Oo nga po ." Sabi pa ni Reid na tumingin sakin

"Oh ay sya kung gusto mo pwede ka namang mag palipas ng gabi dito ".

"Ha !? "

"Nay !"suway ko pa
Kasi naman !Nakita ko ang pag tawa ni Reid sakin.
At ano namang nakakatawa aber !

"Oh eh bakit ,eh gabi na hahayaan muna na dito sya matulog ".

"Hayst jusko naman ! Nagayuma ata ang nitong mokong nato ang nanay ko !".

"San po sya matutulog ?"tanong ko pa

"Aay di mag tabi kayo.Mabait naman itong batang to , basta lang wala kayong gagawin na kung ano ha ". Sabi nitong nag palipat lipat ng tingin saming dalawa.

(O-O)

Nasamid akong bigla nang marinig ko ang huling sinabi ng nanay.

Dumako ang tingin ko kay Reid na tila natuwa sa narinig.

"Oh sya matutulog nako , ikaw ng bahala Helen anak ha ".

Pagkasabi no'y umalis ito, na kaming dalawa naman na naiwang nagtitigan.
Iniwasan ko ang ngiti nyang nakakaloko at umirap .

"Hindi pa ba tayo matutulog ?"tanong nitong tumayo pa.

Mabilis akong tumayo na di sya pinansin.

"Ang kapal nya ha ! Porke okay sya kay nanay mananamantala na sya !"

Pumasok ako ng kwarto at inayos ang mga unan roon na ginawang pang dalawang tao.

Hindi ko pa man tapos ayusin iyon ay mabilis iyong humiga roon na tumalikod sakin.

"Hoy ano ba ! Nakita mo namang inaayos ko pa diba ?!"
Sabi ko pang kunyaring nagagalit .

Hindi nito iyon pinansin at nag kumot pa.

"Hoy !"

"Maka hoy ka naman .Yon na ba ang bagong tawagan natin ?"tanong nitong akala mo ay batang nakapambaba pa.

"Inaayos ko pa kasi kuya , humiga kana agad ".

Tumawa itong hinila ako pahiga sa kama.

"Wala naman nabanggit ang nanay na ganyan ka pala ".

Sabi nitong yumakap sa likod ko.

"Nanay !?"

Napangiti ako.

"Matulog na tayo.Hindi muna kailangan ayusin to, magugulo din to mamaya ".
Halos pabulong nitong sabi sa tainga ko.

Pinalo ko nang mahina ang braso nito.Sanhi para matawa ito.

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon