Chapter 33

71 7 0
                                    

Hindi ko alam kung nakailang ulit kami na ginawa yon .
Hanggang sa mapagod kami pareho
At nakatulog nalang.
Naalimpungatan akong nagising ng maalala si Aily.Hindi ko alam kung anong oras na pero kailangan kong makabalik don.
Dali dali akong tumayo at ginising ang katabi ko.
Napahinto ako ng maramdam ang sakit sa pagitan ko.

"Reid , gising !" Tawag ko pa
Nang hindi ito gumalaw ay binuksan ko ang munting ilaw na nakapatong sa mesa na naroon .

"Reid !"ulit ko pa.

Nag angat ito ng ulo.

"Yes ?"tanong nito
Ngumiti ito na nakatingin sa ibaba ko.

"Isa pa ?"tanong nitong nakangiti

"Hindi ano ba ! Kailangan kung makabalik sa kwarto namin ni Aily !"

Tumayo ito at tsaka ko lang naalala ang hubad kong katawan .
Dali dali kong pinulot ang swimsuit kung nasa baba ng kama at isinuot ulit iyon.

"Ito nalang suotin mo ". Alok nito sa T shirt na hawak nito at iniabot sakin.

Kinuha ko iyon at mabilis na isinuot .
Mahaba ang damit na yon at umabot hanggang tuhod ko.

"Tara na ". Yaya nito

Agad akong sumunod dito.

Nang makarating ay nanatiling patay ang ilaw .Dahan dahan nitong binuksan ang pinto at mabilis akong pumasok.

Lokong to nasa kanya pala ang susi !

Bago pa man nito isara ang pinto ay hinila nya ako at hinalikan sa labi.

"Goodnight ". Kapag kuway sabi nito ngumiti lang ako at insinara nito ang pinto.

Inilock ko iyon at pinag masdan ang tulog pading si Aily .

"Hayst mabuti naman , dahil kung hindi ewan ko nalang ". Sabi pa ng isip ko

Nahiga ako sa kabilang kama.
Wala sa anong napangiti ako ng maalala ang nangyare.
Bumalik tanaw ako sa nangyare at naimpit na tumili.

"Lord sorry po ". Nasabi ko pa

Pinatay ko ang natitirang ilaw na nakapatong sa tabi kong mesa.
Mag 5:00 am na pala base ito sa maliit na orasan na nandun.
Nagpasya akong matulog na dahil na din sa pagod.

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa tunog ng cellphone.
Hindi aking cellphone kasi iba ang ringtone nito. Napaangat ako ng ulo at hinanap iyon.

Nakita ko ang nakapatong sa kabilang higaan iyon at wala na ang tulog doon.

Bumalikwas ako ng bangon at hinanap ito.

"Aily ?" Tawag ko pa

"Here !"

Narinig kung sigaw nito sa loob ng banyo.Mabilis akong nag lakad doon na halos paika ika.

"Helen, pwede bang ipagtimpal mo ko ng kape please... hindi kona kaya pagod nakong sumuka at kailangan ko ng mainit na maiinom ".

"Aah-eh , oh sige sandali lang ha ".
Mabilis akong nag palit ng damit at lumabas din papuntang cottage.

"Oh Helen anak , ang aga mo ata ". Bungad nito ng makita akong nagmamadaling lumapit dito.

"Aling Rosa kaialangan ko po ang kape ".

"Ah ganun ba , ah sandali mag titimpla ako.Para sa iyo ba ito ?".

"Nako hindi po , si Aily po kasi ".

"Aaah yon ba oh sige ". Sabi nitong parang nahulaan na kung anong nangyare

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon