"Tara pasok na tayo "yaya nito
Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay
Nilibot ko ang paningin sa loob ng bahay.
Sa kanya ba to talaga parang oo na hindi.
Ang ayos ng bahay parang may halong ayos ng babae , may mga bulaklak ,kulay rosas na kurtina basta halos lahat pang babae.Bat ba ko nag dududa , nakapasok kami so malamang sa kanya nga to.
Umakyat kami ng hagdan at timungo namin ang isang kwarto.
"Dito ka matutulog don ako sa kabila "
pahayag nito"Aah sige "sabi ko nalang
"Goodnight , gising ka ng maaga ha may pasok ka pa bukas " pag kasabi noon ay ginawaran ako nito ng halik sa labi mabilis at agad itong lumabas.
Bakit ganun ang bilis mag bago ng mood nya ...
Bumuntong hininga ako at nag pasyang mahiga nalangMalawak ang loob ng kwarto at hindi ako sanay , muli akong bumangon at tiningnan ang paligid.
Sumilip ako sa bintanang naroon
"Anong ginagawa nya roon ,akala ko ba matutulog na sya .... pero wala naman syang sinabi "
Wala sa anong nasabi ng isip ko
Pinagmasdan ko syang maige may hawak itong parang kung ano at tinutungga.
Wala rin itong damit , ang tanging suot nito ay ang pantalon nitong suot kanina."Masaya ako kasi tayo na , kahit na lumabas na ako yong nanligaw sayo at ikaw ang sumagot sakin "
Nanligaw ? Hindi mo nga pala ginawa yon.
"Pero kailangan pa ba nun ? Gusto naman kita , sobrang gusto ! Kaya hindi na kailangan ng ligaw , wala akong pake "
Gusto nya kaya talaga ako ?
Bumuntong hininga ako at umupo sa kama.
"Wala syang sinabi, pero alam ko gusto nya ko , tingin ko "
Ang dami ko namang arte.
Sapat na kami na at wala nang bawian yon .Napagod ako sa pag iisip at nakatulogan kona .
Kinaumagahan ......
Maaga akong nagising gaya ng sinabi nya.Bumalikwas ako bangon at tinungo ang pinto palabas.
Tahimik ang paligid , nakakabingi ang katahimikan tanging huni ng ibon sa labas ang maririnig mo."Tulog pa siguro sya"
Humakbang akong muli sa papunta sa kabilang kwarto na malapit lang sakin.
Binuksan ko ito at walang tao roon.
Muli akong humakbang sa sunod na kwarto dahan dahan ko itong pinihit para bumukas.Himbing na himbing sa pagkakatulog ang lalake na nakadapa sa unan.
Dumako ang tingin ko sa isang makaling painting .
Hindi ko namalayan na humakbang na pala ako para makita ito ng malapitan .Inilalarawan nito ang isang lalake at babae na magkayakap.
Kumabog ang dibdib ko na hindi ko mawari dumako ang tingin ko sa baba ng painting na may nakalagay na"Rere @ Yra forever "
Nakaramdam ako ng kirot..
Bumuntong hininga ako ..
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...