Chapter 40

79 7 0
                                    

"Nako puro ka kalokohan ! Sige na pasok nako .Ingat ka sa pag mamaneho ha ."

Tumawa ito at kapag kuway hinalikan ako sa noo.

"Goodnight hon ."

"Goodnight din hon at ingat ulit ."

Bumaba nako ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.
Nagtungo ako sa kwarto at humiga doon.
Wala sa anong napangiti ako.

"Napaka sweet nya ."

Ganun sya parate kapag may bagay syang hindi nagagawa na para sakin.

Naalala ko tuloy last month nong monthsary namin na nalate syang dumating para sunduin ako. Ang 4th monthsary namin.

Hindi naman ako nagagalit sa kanya pero nag sosorry sya ng paulit ulit.
Natutuwa ako kahit na alam kong may mga bagay syang pilit na itinatago sakin ay hinahayaan ko lang. Pasasaan bat at sasabihin nya rin yon.

Hindi narin ako nagawi sa mansyon simula ng maging kami. Parang ang dating ay mga magulang ko lang at kaibigan ang nakakaalam na kami.
At wala yon sakin, ang mahalaga ay okay sya sa magulang ko .

At alam ko namang dadating din ang point na magiging legal din kami sa pamilya nya.
Na maipapakilala nya ako sa mama nya at mga kapatid nya.

At wala nakong hihilingin pa at masaya ako at mahal na mahal ko sya.Mahal na mahal.
At sana hindi na matapos to, ang kwento naming dalawa.Napaka swerte ko sa kanya at gusto ko sanang hilingin na walang bagay na mangyare o dumating para masira kaming dalawa.

Dahil kung meron man, mababaliw ako kapag nawala sya ...

Hindi ko kakayanin yon, hindi ....

Napabuntong hininga akong ipinikit ang mata ko.

Makalipas ang dalawang buwan ...

Excited na ako kasi ito ang araw na magkikita kami at susunduin nya ako .Bakit nga ba ako excited kasi andito na ulit sya sa pilipinas.

Kakadating nya lang galing Paris at miss na miss kona sya.
Halos takbohin ko ang parking lot para lang mapabilis ang pag lapit ko roon.

Lumapit ako sa pulang kotse na pamilyar sakin.
Kumatok ako roon ng hindi ito mag bukas nang mapatapat ako sa bintana nito.
Bumukas ito at mabilis akong naupo at kapag kuway inabot ko sya ng yakap .

Nagulat ako sa inakto nitong pag alis noon.
Saglit ko syang tinigang nakatingin lang sakin.

Hindi ko masyadong mabasa ang tingin nya, basta ang alam ko parang ang lamig ng titig nya.

Naramdaman ko ang pag kirot ng dibdib ko.

"Hindi nya ba ako namiss. Halos hindi nanga sya makasagot sa mga text ko,never nya ring ginawang sagutin ang tawag ko.Tapos ganito pa sya ?"

Inalis nito ang pagkakatitig nito sakin at bumaling sa ibang dako at nag simulang mag maneho.

Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kanya. Hindi nya manlang ako kinamusta o ano .Hinayaan ko lang sya, baka pagod sya kaya ganun o kaya may problema.

"Diba nga kadarating lang nya, so tama pagod sya."sa isip isip ko pa

Hindi narin akong nag tangkang mag salita pa o mangulit na mag tanong kung kamusta sya , o anong ginawa nya sa halos dalawang buwan nitong pag alis.

Hanggang sa makarating kami samin ay nanatili syang tikom.
Huminto ang sasakyan at nainip akong tiningnan sya.

"Aaah , goodnight ingat sa pag uwi."

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon