May hihilingin pa ba ako? Sa palagay ko wala na. Pero gusto ko parin malaman kung paano nya ko nahanap o may kung sino lang nag sabi sa kanya kung nasaan ako. Syempre kung ako man ang tatanungin gusto kong malaman na nag effort nga syang hanapin ako.
Kaya naman hindi ko sya tinigilang usisain kung kanino nga ba nya nalaman."Sabihin mo na kasi eh!"
"Mahalaga pa ba yon? Diba ba okay na nagkita na tayo na magkasama tayo ngayon?"
"Eeeeeh, gusto ko nga malaman eh!"
"Hmm, kay Sammy ."
"Kay Sammy ? Sa kapatid ko?"
Pag ulit ko pa sa tanong nya kahit alam ko namang malinaw ang pagkakasabi nya at naintindihan ko."Oo nga."
"Paanong, ang ibig kung sabihin---"
Pagputol ko sa sasabihin ko.Kasi naman pano nya nalaman sa kapatid ko eh diba asa province sila nanay ng umalis ako."Uh nagtataka ka siguro kung pano.Simple lang pagkatapos ko lang naman pumunta sa inyo ng paulit-ulit na hindi kita makita even sila nanay , nag tanong tanong ako sa ibang tao , na hindi din naman nila alam kung nasan ka , nasan kayo , kaya kinain ko ang pride ko kinausap ko si Summer at tinanong kita kung alam nya kung nasan ka."
"Tapos?"tanong kong halatang di kontento sa sagot nya.Nakakabitin naman kasi.
"Hindi nya rin alam.Pumunta ako sa work mo , sinubukan kung kausapin ang mga kaibigan mo , tinanong kung nasan ka o kung may contact ba sila sayo or what pero wala padin ang sagot."
Patuloy nitong lumapit ng tuluyan sakin.Ako naman at natulalang pinagmasdan ang mukha nya."Nong una parang gusto ko nang sumuko then suddenly bigla kung naisip si Lina.Yong close friend mo.Nakakatawa nga eh kasi kung kailan feeling ko pagod na kung mag tanong at mag hanap kung nasan ka don ko pa naisip ang nag iisang alas na makakasagot sa tanong ko."
Sabi pa nitong ngumiti ng bahagya na tingin ko'y natuwa sa huli nitong binanggit.
Hindi ako nag salita at hinintay ko lang susunod nitong sasabihin."Bakit nga di pumasok si Lina sa isip ko, kung iisipin ang tanga ko diba?hmm , pero bago ang lahat bago ko pa man tuluyang hanapin ang mahal mong kaibigan someone called me na dumating na ang nanay mo from province... at yon nakausap ko nga ang kapatid mo, sinabi nya na magkasama nga kayo ni Lina na nandito ka daw."
"Yon lang? Wala nang iba."
"Not exactly Honey, ang importante nakita na kita and please huwag muna ulit gagawin yon or else."
Sabi nitong kinindatan ako.
Parang ewan lang."Hay nako feeling ko naman hindi ka nagsasabi ng totoo dyan!"sabi ko pang sumimangot ng bahagya na syang ikinatawa nitong mahina.
"Uh-uh , pwede ba mahal ano bang mas mahalaga sayo? Ang magkasama na tayo ngayon after mong tumakas o itong nag uuli ka na feeling ko naligaw ka sa katakawan mo."
"Anong sabi mo?! Ang kapal mo naman hindi ako naliligaw no! At syempre ang mahalaga ngayon magkasama na tayo. "
"Good. So no more tanong na ha, pagod ako eh tulog na tayo."
Sunod na sabi nito na yumakap pa."Eeeh, mabaho ako!"
"Okay lang.Yan naman ang dahilan kung bakit minahal kita"
"Ano!?"halos pasigaw kong sabi na bahagyang itinulak ko pa.
"Joke lang, Hon please lang bukas mo nalang ako awayin okay?"mahinang sabi nito sa mapungay na mata.Halata ngang pagod at antok na.
"Eeeh, gutom na ko eh pano yon ?"nagrereklamo kung sabi na di pinansin ang huli nitong sinabi.
"Okay, oorder ako ng makakain mo.Ano bang gusto mo ?"
"Pizza!" Mabilis kung sagot na ikinalukot ng mukha nya.
"Pizza? My god Helena, umaga na't gusto mo padin ng pizza.Hindi pwede kailangan mong kumain ng mga healthy foods at hindi healthy yang pizza na gusto mo. Anything huwag lang pizza, junk food, soft drinks basta hindi pwede ang unhealthy."mahabang sabi nitong hinubad ang polo shirt nyang suot.
"Hindi nalang ako kakain."
"No. Kailangan mong kumain kasi, gutom ka at hindi ka pwedeng magutom so tell me ano pang ibang gusto mo?"tanong nito na humarap pa sakin.
"Yon lang ang gusto ko."
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito kaya lihim akong natuwa.Alam kung konting push pa at makukuha ko din ang gusto ko."Then fine. Pero sa susunod hindi na pwede okay? At hindi na oobra yang ganyan sakin maliwanag?"
"Sige."maeksi kung sagot na ngumiti pa ng sagad.
Mabilis itong nagpalit ng damit mabilis ding lumabas na hindi ako nilingon. Uupo na sana ako sa sofa ng biglang may pumasok ulit ng pinto at nang lingonin ko ay kitang kita ko ang itsura nitong hangos na halatang nag mamadali.
"Hon, dito ka kang ha? Mabilis lang ako.Hintayin mo ko mga 10 to 15 minutes okay?"yon lang at mabilis nitong tinungo ang pinto palabas at ako naman ay naiwang nakatanga na natatawa.Nakakagulat naman kasi.
Nagpasya akong buhayin ang t.v maghanap ng magandang palabas doon hanggang sa makakita ako ng isang channel na cartoons ang palabas.Inayos ko ang pagkakaupo ko at bahagyang sumandal para mas maayos akong makapanood ng makaramdam ako ng antok.
"Hon?"
Wala sa anong napakunot noo ako sa isip ko ng pakiramdam ko'y may kung sinong nag sasalita sa paligid ko o tamang sabi na kilala ko ang boses na yon kaya mabilis akong nag mulat ng mata ko.
"Hey ! Hindi mo pweding kainin yan at pwede ba kung pumunta ka lang dito para manggulo umuwi kana."
"Wow ha ! Can't you just see na nagugutom din ako at kailangan kung kumain ? My god !"
"Di sana nag dala ka ng pagkain diba."
Dahil sa narinig nito ay mabilis itong
inilipag ang hawak nitong isang slice ng pizza.Si Aily.Ang aga ng isang to.Tumayo ako mabilis na syang nag papukaw sa tingin ng dalawa."See, nangistorbo ka pa!"
Sunod pa na sabi ng isa.
"Wow lang talaga ha! Hi Hel !"
sabi ng isa na lumapit at yumakap sakin na parang wala lang ang narinig sa kausap.Gulat naman akong dinama lang yakap nya."Hel, kamusta kana ang tagal ding di tayo nagkita I miss you so much ."
Sabi pa nito sa malungkot na tinig.
Ako naman ay napangiti ng alanganin at napayuko.Bat kasi nahihiya ako! Mas lalong gumanda si Aily mas bumagay sa kanya ang kulot na buhok na kulay blond dagdag pa ang kaseksihan nitong mas lumitaw pa."Okay lang naman ako."maeksi kung sagot
"Yea she's fine,kaya makakaalis kana."
Makahulugang sabi ng isa.
Bat ba ang init ng ulo nya dahil lang ba sa pizza ? Pambihira."Can't you just wait kasi nag uusap pa kami! At tsaka bat ba ang init ng ulo mo ha, para pizza lang eh!"
"I'll count 1 to 10 ."
Hinayaan ko lang ang pag uusap ng dalawa.Hindi parin sila nag babago parang mga bata padin hayst.Nanatili akong tahimik sa gaanong pwesto total wala din naman ako sa mood na makipagsabayan pa sa kanila.
"Seriously? Oh come on Reid as if naman masama akong tao para ganyanin mo ko hmp!"
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...