Chapter 55

67 7 2
                                    

Halos patakbo akong nag lakad para makarating sa building at agad na sumakay ng elevator papunta sa palapag kung saan naroon ang unit  na inuupahan ng kaibigan ko.
Hanggang sa huminto ito sa kung saang palapag dapat na tumigil ay kung anong pag mamadali ko ay sya naman ngayon ang bagal ng hakbang ko na para bang takot akong humakbang.

Kinakabahan ako, sobra.Pakiramdam ko sa sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko ay sasabog na ito ano mang oras nitong gustohin.Naglakad pa ako ng mabagal hanggang sa saktong nasa tapat na ako ng pinto at saglit na tumigil doon na pigil ang pag hinga ko.
Dahan dahan kung hinawakan ang doorknob ng pinto at dahan dahan ko rin itong pinihit na bigla namang bumukas iyon.



"Hel ! Oh my god!"bungad sakin ng kaibigan ko na mamasa masa pa ang pisngi nitong halatang galing sa iyak.

Gulat man ako ay hindi ako nag salita na sya namang tuluyang pag iyak nito.

"San ka ba nanggaling ha , kanina ka pa namin hinahanap ."sabi pa nito sa pag hikbi nito.

Dumako ang tingin ko sa tatlong lalaking na nakatayo sa di kalayuan samin , ngunit napukaw ang atensyon ko sa isa na nakatitig sa gawi ko.

Parang gusto kong himatayin ....

"Andito sya .... andito ang taong mahal na mahal ko "wala sa anong nabigkas ko sa isip  ko.

Wala sa anong napakagat labi ako pigil ang luha ko sa aking mata.

"Bes , san ka galing bat ngayon ka lang ."
Pukaw sakin ng kaibigan ko ng tanggalin nito ang pagkakayakap nito.


"Uhh kasi ---- "putol ko sa sasabihin ko ng biglang lumapit ang lalake samin at hawakan nito ang kamay ko.

"We need to talk ."sabi pa nitong nag palipat lipat ng tingin samin.

"Huh ? Teka lang ha , ngayon na ?"sabi ng naman ng kaibigan ko, ako naman ay parang tanga na nakatulala lang sa kausap nito.

Sa halip na sumagot ay hinila ako nito palabas muli ng unit namin at ako naman ay walang imik na sumunod dito .Saglit akong lumingon sa pinto ng marinig ko ang tinig ng kaibigan ko sa pag tawag nito sa pangalan ko.Nakatayo ito sa pinto na bahagyang nakasimangot na hindi ko mawari .

Nakasakay na kami ng elevator ng mabilis ako nitong hinila palapit sa kanya para yakapin ako .Halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit , pero yon ang gusto ko.

" l hate you ."panimula nito sa kabila ng pag yakap nito na nag pakunot sa noo ko.

"I hate you kasi bigla ka nalang umalis without my permission ng hindi ka manlang nag paalam .Nag palit ka ng number, umalis ang mga magulang mo kaya hindi ko alam kung san ako mag hahanap , wala akong mapagtanungan kasi lahat sila itinatago ka sakin ."

"I hate you because i love you so much .Nong mawala ka halos mabaliw ako kakahanap sayo alam mo ba yon ?"patuloy nito .Ramdam ko ang lungkot sa tinig nya at base don alam kung nag sasabi sya ng totoo sana ....

Pero diba wala naman sana sya dito kung hindi sya nag hanap kung nasan ako.

Inalis nito ang pagkakayakap nito ng huminto ang elevator at ulit sabay kaming nag lakad palabas doon.

Tahimik lang muli kami ng makarating kami sa parking lot at pag buksan ako nito ng pinto .Sasakay na sana ako ng bigla ako nitong pigilan, ako naman ay takang humarap kanya kasabay ng biglang pag halik nito.
Nagulat man ay buong puso ko iyong tinugon kasabay ng pinipigil kung luha na ngayon ay malayang nakakadaloy sa pisngi ko.Hanggang sa huminto ito at tingnan ako sa mata.

"San ka galing ?"

"Bat naka- off yong phone mo ?"

"Bat ngayon ka lang ?"

"Sino ang kasama mo !?"

Mariin nitong tanong sa huli nitong sinabi.
Hindi ako nag salita na tumitig lang sa kanya.Wow galit ba sya ?

"I'm sorry , gusto ko lang kasing malaman  ... hindi mo alam kung gaano akong nag alala .Hel halos araw araw kitang hinanap at ng malaman kung nasan ka sobrang saya ko at hindi ko kakayaning  kung tuluyan kang mawawala ."malungkot na sabi nito na may bahid ng inis.

"Uh, kumain lang ako sa labas ."maiksing sagot ko.

Ayaw kong ipahalata na kinikilig ako, o tamang sasabihin na konti nalang hihimatayin nako sa mga pinag sasabi nya.Marami man akong gustong itanong ay tsaka nalang moment nya to.

"Kumain ? Halos buong araw kang wala at ngayon sasabihin mong kumain ka lang ?"iritadong sabi nito

Wow ha . Grabe namang maka-buong araw to.

"Eh kasi nga namasyal pa ko ."

"With ?"tanong nitong nakatingin sa mata ko.

"Anong with ka dyan ?"kalmadong tanong ko.

"I mean sinong kasama mo !"mariin pa nitong sabi

"Oh bat galit ka !"mataray kong sagot.


"Hindi ako galit okay ? Kaya sinong kasama mo ."

"Wala !"halos pasigaw kong sagot.

"Impossible ."

"Anong sabi mo ?"Ulit na tanong ko ng hindi ko halos marinig ang sinabi nito.
Halos pabulong naman kasi.

"Oh bat ganyan ang itsura mo ?"sunod na tanong nito.

"Huh ? Anong ganito , ano bang mali sa suot ko ."

Isang floral dress ang suot ko .Ito yong nabile ko kanina na nagustohan kung suotin na kaya sinuot ko.Medyo fitted ito na above the knee na bumagay naman sakin.

"The problem is you dress like you been out for a date ."

Ano daw ?

"Hindi no ! Wala nga akong kasama eh, mag isa nga lang ako."

Nagseselos ba sya.Grabe naman makabintang to .Sobrahan ba .

"Get in ."utos nito sa iritang tinig


"Eh pano kung ayaw ko !?"hamon ko pa.


"Oh come on , pagkatapos ng ginawa mo ganyan ka pa ."

Ano bang pinag sasabi nya.

"Ayaw ko nga ! Nag bago na ang isip ko ."

"Gusto mo ba buhatin pa kita ?"

"Tse ! Ayaw kona ngang sumama sayo ! Galit ka, sinisigawan mo ko tapos kung anu anong sinasabi mo dyan ."
Pasigaw ko sabi sa kanya.

"Ako pa ngayon ang galit , eh ikaw nga dyan eh .Nag tatanong lang ako kung sino ang kasama mo, kung anong ginawa nyo at bakit kayo nag dadate ."

Hala ang kulit ng taong to !
Sabi ngang wala nga akong kasama.Pahamak naman kasi ang damit na to.

"Basta hindi ako sasama !"

"K."maiksing sabi nito at sumakay sa kotse nya na mabilis na pinaadar iyon.

Umusod ng kaonti ang sasakyan nito at bumalik ulit iyon sa tapat ko.
Bumakas ang pinto nito sa tapat ko.

Hindi ako kumibo at pinag masdan lang iyon.
Siguro mga ilang minuto din akong ganon ng lumabas ito sa sasakyan nito at mag salita sa harap ko.

"Ano hindi ka ba talaga sasakay ?"sabi nito sa iritadong tinig.

Sumimangot lang ako at kapag kuway umirap pa.

"Dare me Mahal ko ,at sisiguraduhin kung magugustohan mo ang gagawin ko."hamon nito na nag pag taas kilay ko.

Tiningnan ko sya sa inosenting paraan na sya namang may hiwaga ang ngiti na nakatingin ng diretso sa mata ko.
Parang kinilabotan akong kinikilig kaya mabilis akong sumakay sa sasakyan nitong kagat ang pang ibaba kung labi para pigilin ang kilig ko.
Aaminin ko nag iinarte lang ako kahit kanina ko pa sya gustong halikan yakapin ng paulit ulit hanggang sa mag sawa ako ay laking pigil ko sa sarili ko.






Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon