Chapter 38

88 7 0
                                    

Niyaya ko sya maupo samin sa hapag na sya naman pag sunod nya.

"Aay Tita Helga , magandang gabi po pala ". Bati nito sa pag upo.

Ako naman ay naupo narin.

"Magandang gabi din, san kaba nag lalaging bata ka ".

"Nako Tita, tinutulongan ko lang po sila tita sa maliit nilang business ngayon. "

"Aba'y ganun ba . "

"Opo ,ganun nanga po ."sabi nitong nakangiti pa

Nang matapos ang hapunan ay kaming dalawa ang naiwan sa hapag .At katulad nga ng pangungulit nya ay sinabi ko kung anong nangyare samin ni Sum nang nakaraang gabi.

Una waring nagalit sya sa tangkang panghahalay ni Sum sakin,ngunit napalitan ng kilig nang nag laon.Hangga padin daw sya kay Sum.Hangga sya sa kabaitan nito, maging ako oo , aaminin ko.Kung natuturuan nga lang ang puso na sya ang mahalin ko, why not diba ?

Pero nga dahil sa hindi eh, don tayo sa kung ano yong alam mong makakabuti para sa sarili mo , para sakin at kung san tayo magiging masaya.Yon naman ang mahalaga.Yon ang importante.

At sabi nga nila hindi mo matatawag na love ang pag mamahal kung walang pain.Bahagi na ang sakit sa buhay natin,dahil kung wala to hindi mo
matatawag na matatag ka.

"Eh kamusta ka naman , para atang namayat ka ". Puna kopa.

Ang laki naman kasi ng ipinayat nya.Pero bumagay naman sa kanya mas lalo nga itong gumanda kaso nga lang medyo haggard ang look nya.

"Hmmp, pero aminin mo gumanda ako ! Sya nga pala pumunta ako dito para sana alokin ka nang trabaho ."

"Trabaho ? May work pa naman ako."

"Oo alam ko , pero mas malaki ang kita don at higit sa lahat maraming benefits ka na matatanggap no."

"Ano naman yon ?"takang anong ko.

"Model ". Nakangiting sabi nito with matching taas ng kilay.

"Model ? Model nang sabong panlaba ?"biro ko pa.

"Sira hindi ! Basta !"

"Huh ?"

"Gaga hindi to joke ! Kaya nga rin ako na kina tita at nag tsatsagang mag trabaho don para may pang bayad ako sa pag wowork out ko sa gym."

"Mag momodel ka ?"tanong kung parang matatawa.

Si Lina kasi yong tipong babae na minsan pagirl at minsan naman paboy. Dalawa ang katauhan nya.At ang malaman na mag momodel sya ay hindi talaga ako makapaniwala don as in hindi.

"Wow ha , pag naging successful ang work out ko ,"Hu u ka !" sakin Besfren !Pero seryoso na kasi eeh ".

"Oo na, so ano nga ?"

"Gaga yon nga , bale may kakilala nga ang tita ko na agency na, kumukuha ng glamour models ,para mag represent ng mga womenswear daw.At pasok tayong dalawa don . Isa pa hindi muna kailangan mag work out kaya pwede ka dong mag aplay na agad !".

"Womenswear ?"

Saglit akong nahinto at nag isip .
Sayang naman yong trabaho ko kung iiwan ko .At paano kung hindi ako nakapasa don ? Aber ?.

Wait !

"Eh san ba yon ?"

"Sa manila .Ano gusto mo ba, sige na sama tayo !"

"Hayst malayo pala."Sabi kung nakanguso.

"Hayst mag kasama naman tayo don.Ipagpapaalam kita kay Tita Helga , sige na feel na feel kona eh !"

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon