Chapter 44

71 7 1
                                    

Saglit akong tumigil ng mahuli ko sya.

"Kakain ka ba o titig ka nalang ?"sabi ko sa mataray na tono.

Ayaw ko pa naman ang tinitingnan ako.Lalo pa't at stress ang itsura ko ngayon.

Ngumiti ito at huminto narin ,kasabay ang pag tingin nya ng diretso.

"Masama na bang tumingin ngayon.Ngayon lang kita nasolo , i mean natitigan nang matagal .Madalas kasi yong mabilisan lang."

"So anong ibig mong sabihin ?"

"I think now i finally figure it out kung bakit ka nya nagustohan and no wonder kung bakit nabaliw din sayo si Sum."

"Nagustohan ha ? Hindi minahal !"

"Oh tapos ?"

"Wala lang ."sabi pa nitong makahulugan.

Hindi kona tinapos ang pagkain ko at tumayo na ako

"Hey ! Hindi pa tayo tapos ."

Mabilis akong lumabas ng pinto at tinungo ang gate nila.

"Sandali pwede ihahatid kita ,antayin mo naman ako dito kukunin ko lang yong susi ."

Hinayaan ko lang sya at inantay ito.Mabilis naman itong dumating .Pagkasabi ko ng address ko ay hindi nako nag salita kahit na alam ko namang alam nya. Ilang ulit ko syang naririnig na kinakausap ako pero hindi ko yon pinansin at wala akong pake kung mabastosan sya sakin.
Nang makarating samin ay nag pasalamat naman ako kahit papano at yon lang.

Inabot man ako ng sandamakmak na sermon ay tinanggap ko nalang .Hindi ko naman sinabi kay nanay ang nangyare samin ni Reid, ang tanging sabi ko ay sinubukan kong puntahan sya.

At katulad nga ng inaasahan ko ay hindi ako nakapasok sa trabaho kinaumagahan dahil nadin sa lagnat ko.Tumagal ang lagnat ko ng halos tatlong araw nag alala nga ang nanay baka daw kung napano ako. Hanggang sa mag yaya ang nanay na mag pacheck up kami na tinutulan ko.Pagkatapos naman ng ilang araw ay bumuti ang pakiramdam ko.

Siguro hindi lang din nakatulong ang pag iisip ko at ang pag iyak ko kaya ganun nalang ang pag tagal ng lagnat ko. Usually kasi talagang minsan lang akong mag kasakit ubo at sipon lang at ngayon lang ulit ang lagnat sa tagal ng panahon.

Nang bumuti ang pakiramdam ko ay pumasok naman na ako.Back to reality sabi nga, no boyfriend at single na.
Isinubsob ko sa trabaho ang sarili ko, yong kunyare nakalimot , kunyare walang nangyare pero hindi naging epekto na syang pinilit ko.Pag day off ko tumutulong ako sa palengke basta lang maging busy ako , mag lilinis ng bahay ng paulit ulit at kung ano anu pa.

Hanggang nga sa maisipan kung tanggapin ang offer ni Lina.Oo siguro pag don mas magiging okay mas makakalimot ako.Mas malayo at sigurado akong hindi ko sya don makikita .

Hindi ko pangsin ang pag bagsak ng katawan ko , aaminin ko ngayon ang dating sexy kong katawan ay nauwi sa slim na ewan .Pero mas naging okay nakokontrol kung hindi umiyak ang mag taray the whole time.

Pag katapos kung maisip ang isang bagay ay nag palit ako ng sim number at ipinangako ko sa sarili ko na kakalimutan ko sya .Ibabaon ko lahat sa limot pati ang araw na nakilala ko sya.
Bakit ? Hindi naman dapat tandaan ang bagay na nag bigay sayo ng sakit ang bagay na nag paiyak sayo ng sobra.

Ayaw ko sa dating Helen ! Martyr , mabait, iyakin , madaling maloko at kung anu ano pa.This time bagohin naman natin.

Isang linggo nalang ang ilalagi ko dito samin at aalis nako papuntang maynila.

Nag lakad ako sa parking lot papuntang sakayan ng may pulang kotseng sumunod sakin.
Saglit akong huminto at huminto rin ito.

"Hel !"

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon