Chapter 16

95 6 0
                                    

"Sige na mauna nako "pahayag ko kina Rose at Mandy na kasalukuyang nag aayos na din pauwi

"Sige na , kami na bahala dito "-Mandy

"Ba-bye ha , ingat sa daan "paalala ni Rose habang nakangisi .Minsan ang weird ng isang to

"Oo , sige salamat, kayo din "

Naglakad nako palabas.Nagmamadali akong nag lakad patungo sa kanan kung saan malayo sa parking lot.

Hindi ako magpapasundo sa kanya. As in no way ! Bakit ? wala lang .Basta biglang nag bago ang isip ko.

Hindi kona aantayin si Summer etetext ko nalang sa kanya na nauna na ko at mag kita nalang kami sa bahay dahil kung aantayin ko pa sya masyado nang late.

Base sa huling tawag nito kanina , malalate sya sa pag sundo sakin at ayaw ko namang magpaka importante pa o kung ano kung dadaan pa sya dito para lang sunduin ako.

Napukaw ang atensyon ko nang may isang sasakyan na sumunod sa likod ko.
Naglalakad na ako malapit sa high way kung san ako mag hihintay ng masaskyan ng bus pauwi.

Saglit akong huminto at huminto rin ito.
My gulay kinakabahan ako. Marami pa namang masamang tao ngayon.

Humakbang ako ng mabilis at kumaripas ng takbo papunta sa isang store na may tao medyo malayo ito kaya kailangan ko talagang tumakbo para mabilis na makarating don kaya yon ang ginawa ko.

Nanguna ang sasakyan sakin at mabilis itong huminto sa gitna ng kalsada na syang ikinagulat ko.
Hala pano na to ! Paano kung may baril sya tapos barilin ako ! Woaah !!

Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko.Inantay ko na lumabas ang driver nito kung meron man , syempre meron talaga .

Eh bakit naman kasi walang dumadaang sasakyan ngayon dito asan na sila.
Buti nalang talaga may mga ilaw dito kung hindi baka namatay na ko sa takot.

Umatras ang sasakyan papalapit sakin bahagya akong humakabang pabalik.Saglit akong natigil ng bumukas ang pinto nito kung saan nakaupo ang driver at iniluha nito ang lalaking kanina pa gumugulo sa isip ko.

Lumapit ito sakin na nakangiti.

"Bakit ka tumakbo ?"panimula nito

Hindi ako nakakibo at tinitigan ko lang sya na syang ginawa nya din.
Lumapit sya sakin sa sobrang lapit konti nalang baka isipin ng makakita naghahalikan kami.

Ang lakas ng tibok ng dibdib ko, pakiramdam ko matutunaw ako sa titig nya.Nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko.

"Tara na , mamaya muna ko titigan "

Pagsabi no'y kumindat pa ito.Magkahawak kaming naglakad sa sasakyan nya.
Nagtungo ito kung san sya uupo upang magmaneho.

Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig nawala lahat ng kilig ko.
Bastos talaga ang isang to ! Iwan ba naman ako hindi manlang ako pinag buksan ng pinto para makasakay.

Nakakainis talaga sya. Aaargggh !!!
Sumakay nalang ako ng makauwi na.
Tahimik lang akong umupo.

Kahit anong mangyare hindi ko talaga sya iimikan promise !

"How are you ?"

Bahala ka sa buhay mo ! Kausapin mo sarili mo.
Binalin ko ang tingin ko sa bintana , hindi ko talaga sya papansinin ! Hmmp !

"Ilang taon kana nga ulit ?"

Ewan .

"May boyfriend ka na ba ?"

Kung may boyfriend ako hindi ako mag papahatid sa gaya mo!

"Hey I'm talking to you , answer me "

Sa pagkakataon ito nakahinto na ang sasakyan at sakin na sya nakatingin na syang ikinagulat ko.

Tiningnan ko lang sya na nagtatanong at ibinalik ko ang tingin muli sa bintana.Bahala talaga sya no !

"Tumingin ka nga sakin, at pwede ba huwag mo kausapin ang sarili mo "

Ha ?! Paano nya nalaman napalakas ba bulong ko

"Okay lang ako , so okay kana ?! at isa pa hindi ko kinakausap ang sarili ko at kung kinakausap ko man ang sarili ko hindi muna problema yon !"mataray kung pahayag

"Galit ka ? Kinakamusta lang kita , so chill.
And one more thing,gusto kong malaman kung may boyfriend kana"

"Eh ano naman ngayon sayo ? At isa pa hindi kita kilala para sagutin ko yang mga tanong mo !"

"Hindi mo ko kilala , pero sumama ka sakin hmmm ... Okay I'm Reid Dela Vega "

Hindi ako nag salita.

"Okay na ba ?"ulit nito

Ewan ko sayo dagdag pa ng isip ko !

"Hindi ka magsasalita ?"

Hayst ano ba kasi !

"Bakit ba !" Halos pabulyaw kong tanong

Ganun nalang ang pagkabigla ko ng halikan nya ko.
Hindi ako makakilos para tutulan ang halik nya , pakiramdam ko nanghihina ako ang lakas ng tibok ng dibdib ko nakakabingi.
Hiyaan ko lang ang halik na yon , hindi ko alam kung paano ako tutugom.

Nagpatuloy ang halik nya patungo sa leeg ko, napasinghap ako, para akong mababaliw sa nararamdaman ko ."Sya ang first kiss ko " umakyat ang halik patungo sa tainga ko huminto ito at bumulong.

"So answer me , may boyfriend ka o wala ?"

Humarap ito sakin at inantay ang sagot ko kasabay ng pagtitig nito sa mga mata.
Ang gwapo nya talaga ang bango pa nya .Ang sarap ng halik nya hayst wala sa anong kuminto ng isip ko.
Mataman ko lang syang tinitigan .

"Hindi ka ulit sasagot ?" Sa pagkakataong ito nakangisi na to .Ngisi na nakakaloko.

"Aaah, w-wala" Nahihiya ako, ganito ba sya pag nag tatanong at pag di ka sumagot hahalikan ka.

"Good . So san ka nakatira ?"

Sinabi ko ang complete address ko.Pagkasabi noon ay wala na kung narinig pang tanong mula sa kanya hanggang sa makarating kami samin .
Bumaba nako.

"Salamat " nahihiya kong sambit

"Salamat san ?" Tumingin ito sakin na nakakaloko at ngumiti nanaman

Naramdaman ko ang pag init ng mga pisnge ko.Nahulaan ko kung anong gusto nyang iparating.
Ang bastos lang !

"Sa paghatid mo sakin dito " sagot ko.Pilit kung tinago ang hiya ko

"Yon lang ? Parang may kulang "
Sabi pa nito nakatitig sakin na ibinaba ang tingin sa mga labi ko

Tinaasan ko lang sya ng kilay at tumalikod. Hindi ako humakbang isinara ko lang nang tuluyan ang pinto ng sasakyan at nagsalita

"Ewan ko sayo , basta salamat .Mauna nako ".

Wala akong nakuhang pag tugon sa sinabi ko narinig ko nalang nag pag alis ng sasakyan nito.

Naglakad nako pauwi nang mag ring ang phone ko.Si Summer , sinagot ko ito.

"Hello "mahina kong sabi

"Hi ,sorry hindi kita naihatid.Nakauwi kana ba ? "

"Okay lang , oo kakadating ko lang "

Narinig ko pag buntong hininga nito sa kabilang linya

"Mabuti naman , ahh sya nga pala hindi ako ngayon dyan makakapunta .Hindi pa kami tapos eh "

Napangiti ako sa malungkot nitong tinig.
Tinutukoy nito ang photo shoot nila.

"Okay lang may ibang araw pa naman "

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon