Chapter 13

99 6 0
                                    

"Ay hindi man, alam mo naman yong pinsan mo"

"Aaah... wait man--- "

Dumako ang tingin ko sa isang glass wall sa tapat ng di kalayuan kung saan nakapark ang sasakyan ko.
Napako ang tingin ko sa babaeng nakapambaba sa lamesa na malapit mismo sa glass wall.

"She looks familiar " wala sa anong sambit ko.

"Ha , ano ba yon ? Hindi kita maintindihang bata ka "

Mataman ko syang tiningnan, baka sakaling kamukha lang nya o ano .Pinilig ko ang ulo at saglit nag isip ng muling magsalita ang nasa kabilang linya.

"Hello Reid ?"

" Yes manang , sige aah damihan nyo nalang po ang lulutuin at baka po may kasama pa si Aily"

"Oh ay sige .. mag ingat ka pauwi ha"

Pumasok nako sa fast food chain.Mamaya kona iisipin kung san ko sya nakita kakain muna ako.

---

"Hoy Helen ! Ang aga ha , naka puntos na ba sya at ganyan ka ?!"

"Hala sira , hind no !" Kapag kuway umayos ako ng upo

"Tara samahan mo kong mag bihis , hindi yong tulala ka dyan !"

Nagkalad kaming sabay patungo sa cr.

Natapos ang buong mag hapon.Katulad nang mga na unang araw hindi nakakapagod sapat lang.Medyo madalang ang customer kaya.

At dahil sa sunday ngayon maaga mag sasara , kaya maaga akong makakauwi.Nagpasya akong mag commute nalang at huwag na mag pasundo kay Summer.

Alam kong busy sya ngayong araw na to .Base sa pagkakasabi nya kagabi may photo shoot sya ngayon.

Kinuha ko ang cp ko at nag type.

"Psst !! "

(Message sent)

Binigay ko ang number ko sa kanya at napag usapan namin na ayoko nang madalas na nagtetext sakin , napagkasunduan naman namin.

Nagtext na sya kanina para batiin ako nang "Good morning my future" kono at " ingat ka "

Pero hindi ako nagreply.Pinagbawalan ko din syang tumawag ng basta basta na sumang ayon din sya ang mahalaga daw masundo nya ako at mahatid ng safe samin.

Eyyyyh gusto kung kiligin !!

Wala pang tatlong minuto at nag vibrate na ang cp ko.
Binasa ko ito .

" Yes ,future :) ?"

---

"Ngeek ! Future ka dyan . Huwag muna akong sunduin ngayon"

(Message sent)

Matagal bago ito nagreplay.

"Hmmm, bakit ?"

Binasa ko lang yon .Hanggang sa mag vibrate ulit.

"Bakit , may lakad ka or what ? Ayaw muna ? May bago kana ? :( "

Sira talaga ang isang to.Nagtype ako.

"Hindi , ang ibig kung sabihin ano kasi maaga ang out ko ngayon.Gusto ko sana na mag commute nalang "

(Message sent)

" :D , okay sige akala ko naman hehe ! Ingat ka future !!

Napatawa nalang ako .

"Sige , salamat "

(Message sent)

"Okay lang, aahm Helen pweding favor ?"

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon