"Ngeek yon lang ? Hindi pa kayo nag kikiss aww boring naman !"
"Hmmp, hindi " pag tanggi ko.
Sorry bes , nakakahiya kasi tsaka nalang pag kaya kona sabihin sayo."Aaay , dapat ikaw na humalik gaga ang hina mo ! Edi sana kayo na ano bayan !"
Sabi pa nitong nakasimangot.Inasahan kona na magiging ganun ang reaksyon nya ang hindi lang ang sasabihin nya na ako na ang gumawa ng move para maging kami.
Natatawa akong siniko sya.
"Eh kasi chance muna yon , pero teka lang ha hindi mo nasabi ,nanliligaw din ba sayo yong si Reid ?"
Sabi nito kapag kuway tumingin sa mata ko"Aah , hindi eh" Hindi pero sana oo ' dagdag pa ng isip ko
"Aaay , ano bayan mas bagay kayo nun ! Kahit na hindi maging kami ,maging kayo lang okay na kahit na alam ko mas bagay kami eh okay lang sakin "sabi pa nitong nagyayabang
"Wow ha !"sabi kong di napigilang tumawa
"Wait maiba ako , anong handa mo ?"
Hindi ako binati pero tinanong kung anong handa ko... hindi narin masama atleast alam nya na birthday ko.
"Aah , pansit at spaghetti lang tapos yong iba ulam na "sabi kong nakasimangot
"Aay happy birthday nga pala yong regalo ko mamaya na !"sabi nitong tumawa ng bahagya
"Tse ! "Tumayo na ako
"San ka pupunta ?"
"Tutulong ako kay nanay "
"Aah , sasama ako tulong na din ako
Si Lina ang kaibigan ko pa simula nong mag grade six ako hanggang sa mag high school. Kahit di kami mag kaklase noong mag high school kami, napanatili namin ang pagiging mag kaibigan namin hanggang sa mag tapos kami ng high school.
Pareho lang kaming high school ni Lina.Itong isang to may pang aral naman sya ang kaso ayaw pumasok sabay na daw kami kung mag aaral ako ulit.
3 years nakong tingga at sya ang alam ko mag aaral na next year at sigurado na yon.Natapos ang pagluluto at ayos na lahat ng kailangan para kung sakaling marami mang pupuntang bisita.
Ngayon lang gaganapin muli ang birthday ko na may ibang tao na pupunta kaya kahit papano natutuwa ako.Yong hindi lang kaming tatlo .
Halos hapon nang dumating sila Mandy at Rose na kapwa kasama ang mga nobyo nila at si Gelo.
Natatawa ako at masaya din syempre lahat sila ay may regalo nag mukha tuloy akong bata.
"Happy happy happy birthday sayo Hel !!" Bati sakin ni Rose na yumakap pa
"Nako salamat "
"Happy birthday bruha , ang sexy sexy mo ngayon !" Pansin nito sa fitted kung suot na dress na red at ikinis ako sa pisnge.
"Salamat alam ko na yon" nag bibiro kung sagot
Kapwa naman nakatingin lang sakin ang mga boyfriend nila na nakangiti.
"Halika kayo kain na muna tayo, hindi pa kasi ako kumakain inaantay ko kayo "
Sabi ko paWala na ang mga bisita ni nanay na iilan lang naman maging ang kaklase ni Sam ay nakaalis na din.
" Sya nga pala okay na yong venue natin "sabi ni Mandy sa pagkain namin
"Nako , talagang nag abala pa kayo "
"Ano ka ba okay lang, kaya nga kami nalate ng punta dito eh kasi nag hanap pa kami para mas masaya no " - Rose
" Oo nga mag iinom tayo , nako excited nako !"
"Hmmp, sige san ba yon ?"sabi ko nalang
" Basta ! Mamaya mo malalaman "- Mandy
Natapos ang pagkain namin. At agad kaming nag ayos para sa pag alis.Pinayagan ako ni nanay na mag inom basta daw huwag lang ako masyadong mag lalasing na sya namang ikinatuwa ko.
At ang maganda pa don dahil nga birthday ko pinayagan nya din akong matulog nalang muna kina Mandy .
Nag dala ako ng mga kailangan kung dalhin para na din bukas kasi nga, may pasok na kami.
Nang makarating sa venue...
Maganda ang lugar hindi ito kalayuan kung nasan ang shop.Isa itong resort may swimming pool dagdag pa ng cottage nito na gawa sa kahoy lamang , napaka ganda ng ambiance ng lugar at per cottage nito ay may videoke na din,which is nakakatuwa.Nag simula ang inaman , hindi naman ako masyadong nag inom at sa pagkakaalam ko nakaka apat na shot palang ako.
At aaminin ko medyo hilo na ko, pero huwag tayong pahalata kalma lang.First time ko to kaya kailangan enjoy lang hindi din naman sapilitan na tumagay , yon ang sabi ng tanggera na si Mandy.
Si Rose naman ayon kasama na ang boyfriend eh busy pa sa pag tetext.
Talagang babae to sarap kutusan minsan."Hoy Hel , kumanta ka naman , ng maiba naman " alok sakin ni Gelo na naniningkit ang mata
Itong isang to pag katapos akong titigan ng titigan, papakantahin naman ako ngayon, nako parang gusto ko syang saktan bes.
Iniabot nito sakin ang mic na none wire.
Wala akong nagawa kaya nag select nalang ako ng kanta.
Tama lang to ako naman,kanina pa sila eh.
Heaven ang napili kong kanta, bakit ? Favorite song ko to.Tumikhim muna ako .. lahat naman sila ay kapwa tumahimik na nakatingin sakin nahiya tuloy ako.
"Yess ayan na yon !"
Sa wakas nag salita si Rose.
"Tahimik !" Sigaw naman ni Mandy kay Rose na tatawa tawa lang
Nagsimula nakong kumanta
--
Oh thinkin' about all our younger years
There was only you and me
We were young and wild and freeNow nothing can take you away from me
We've been down that road beforeBut that's over now
You keep me comin' back for more
Bahagya akong napatigil nang may tumikhim na boses na gamit din ang ibang microphone sa di ko mamalayan kung asan at ang kanta ay nakapause nadin ..
Lumingon ako sa likod ko kung san tinuturo ng nguso ni RoseNapamaang ako ng makita si Summer na nakatayo sa di kalayuan na may hawak ng mic na nakangiti saakin.
Napansin ko din ang kasama nito sa pag kakaalam ko eh ang mga kaibigan nya.Itinaas nito ang maliit na bagay sa tapat kung san ako nakatayo.
Naglakad ito papalapit sakin na itinapat ang mic sa kanyang bibig.And baby you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believeWe're in heaven
And love is all that I need
And I found it there in your heartHindi ko alam kung sya ba talaga ang kumakanta , ang ganda ng boses nya wala akong masabi parang kinilig ako bigla.
Narinig ko din ang pagtili nila Rose at Mandy na nakaupo.
Mga walang hiya hindi manlang nahiya sa mga bf nila .Napansin ko din bigla ang pag sulpot ni Lina sa likod ng lalake na kumakanta ngayon hmm , mag kasama sila ?
Nang tuluyan ng makalapit sakin ang lalake ay bahagya itong lumapit sa tainga ko at bumulong
"Happy birthday future "
Hindi agad ako nakapag react, epekto ba to ng kanta nya.
Nang hindi pa din ako kumibo ay iniabot nito ang bulaklak sakin na sya namang kinuha ko at tiningnan ko lang sya sa mata.
Biglang tumunog ang videoke na naka pause at muli itong kumanta .
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...