" Hay nako , sige nanga pag usapan nalang natin kung anong gagawin natin bukas sa birthday mo.Day off naman natin lahat so pwede tayong mag inom "
"Hindi ko alam kung mag hahanda ako "
Walang gana kung sagot"Hayst , kami na bahala ! Kukuha kami ng videoke ni Rose at mag kakantahan tayo habang nag iinom.
Tapos isasama ko yong bf at syempre yong kay Rose din, sabi ni Gelo sasama daw sya at mag iinvite din kami para mas masaya "Sumangayon lang ako na tumingin dito at bahagyang ngumiti.
Basta wala akong gana ngayon.
San nga ba gaganapin ang birthday ko ?"At yong place ako ng bahala don !"
Masaya nitong sabi na nakangisi.
Bahala sila kung anong gusto nilang gawin.
Natapos ang tanghalian maging hapon ay ganon din.Uwian nanaman hayst .
At walang maghahatid sakin ngayon."Birthday girl ! Bukas ha , etetext nalang kita " si Mandy
Sabi nito habang nag aayos.Kasalukuyan kaming asa cr ngayon para sa pag uwi.
Nag cr lang ako at hindi ko type ang pag lagay pa ng lipstick at make up para sa pag uwi."Oo nga , kami ng bahala bukas siguradong mag eenjoy ka " - Rose
Tahimik lang akong nakinig at sumangayon
"May sakit ka ba ? Kanina ka pa ganyan di ka lang masusundo ni Summer ganyan kana.Sigurado naman bukas andon yon sa birthday mo no hehe " pahabol pa nito
Ayaw ko ang ganoong tawa ni Rose.Pakiramdam ko pag sya mag sasabi parating may masamang mangyayare hayst.
"Mauna nako " paalam ko
"Kalma lang pwede ! Ihahatid kana namin okay !?" - Mandy
Pagkasabi noon ay sabay kaming nag lakad palabas ng cr.
Pagkatapos kung mag paalam kina kuya Felix at Gelo ay dumeretso na kami sa sakayan kung san ako mag hihintay makasakay.
Pag dating sa bahay ay si Sammy at Nanay ang nabungaran kung nag hihintay.
Nakaupo ito sa sala samin."Magandang gabi nay "bati ko at uminom ng tubig sa baso
"Mukhang matamlay ka ata "si Nanay
"Po , hindi naman po pagod lang "
"Birthday muna ate bukas, dapat masaya ka "
Nanatili akong tahimik at naupo sa tabi nito.
"Ano nga palang handa ang gusto mo bukas ?"
"Nako nay kahit po hindi na po kayo mag abala matanda nanaman po ako at isa pa sayang lang pera " paliwanag ko pa
Totoo naman .Bakit nga ba ako matamlay dahil ba ang birthday ko ang araw din na namatay ang tatay ? Hayst Oo yon din ang araw na namatay ang tatay ko.
Inatake ito sa puso nang araw na sana isecelebrate namin ang birthday ko sa labas ngunit hindi na natuloy instead nag punta kami sa hospital at yon din ang araw na binawian sya ng buhay "dead on arrival".Kaya ang mga huli kong birthday parang araw lang na lumilipas. Maging ang eighteen birthday ko parang wala lang nag handa naman ang nanay ng araw na yon pero tinalo pa namin ang nasa lamay ng araw na yon.
Kami lang tatlo ang magkasama ng araw na yon.. diba nakakalungkot kaya ayaw ko ng birthday date ko.
Ako na ata ang pinakamalas hmp ! Tama nanga dapat masaya nga ako kasi birthday ko nanaman bukas.
"Anak kung iniisip mo ang tatay mo, ano ka ba matagal na yon at tanggap ko naman na wala na sya at hindi mo kasalanan na nawala sya .. nagkataon lang na sa birthday mo .Kaya maghahanda tayo bukas ha , yayain mo ang mga kaibigan mo si Summer papuntahin mo sya dito "
"Oo nga ate, kaya huwag kana malungkot dyan "
"Hindi naman ako malungkot no , hmp "
Sabi ko pang ngumiti"Ako nang bahala bukas , kaya papuntahin mo sila dito "
"Opo nay , sige po "
"Oh sya sige matulog na tayo at isang to ay maaga pa bukas "
Turo nito kay Sammy na ngayon ay nakakunot ang noo.
"Ha , maag ako bukas nay ? Bakit po wala naman kaming pasok kasi diba sunday"
"Aba eh, wala nga kukunin mo don sa bilihan ng cake , ang cake ng ate mo "
"Nay huwag na po , ako nalang po kukuha "sabat ko pa
"Aay sige , tayo'y matulog na at anong oras na "
Sabay kaming tumayo at kapwa ang dalawa ay nag tungo sa kanilang mga kwarto na ako naman ay sa banyo.
Maghihilamos muna ako.Nakahiga na ko ng mag vibrate ang phone ko , mabilis ko itong kinuha na ilalim ng unan ko.
May isang text ito.
From : Mandy
"Bruha ! Punta ba kami dyan bukas or kita
nalang tayo dito samin ?"Sya lang pala . Nagtype ako ...
"Oo , punta kayo. Mag handa si nanay"
(Message sent)
Yon lang at mabilis ko nang ini-off ang phone ko.Ayaw ko ng istorbo at isa pa hindi ko naman kailangan ng alarm.
Hayst bakit kaya hindi pa sya nag rereplay sobrang busy ba nya ?
At sino naman ako para bigyan nya ng panahon para magtype at replayan ang text ko aber ?
Makatulog nanga ! Sumasakit ang bangs ko sa kanya .
Maaga akong nagising para mag linis at mag ayos sa buong bahay.Tumulong nadin akong magluluto kay nanay.
Kapwa kami busy ng nanay sa kusina ng may kumatok sa pinto na nakabukas naman .
" Tao po ?"
Napangiti ako ng marinig ang boses nya.
Halos apat na buwan din ng mawala sya, pansamantala itong umuwi sa bulacan para dalawin ang papa nya roon na may sakit.Halos patakbo kung tinungo ang pinto.
" Lina !!! " pasigaw kong tawag dito
" Naman ! Namiss mo ko no ?!"
Kahit kailan talaga ang lake ng bunganga ng taong to ang lakas ng boses.
Yumakap ako sa kanya ng tuluyan na itong makapasok sa loob ng bahay.
" Oo namiss kita sobra "
Sabi ko pa sa pagyakap ko" Sus ! Ang sabihin mo busy ka mga manliligaw mo !"
Napakunot noo ako at naupo sa upuang gawa sa plastic.
" Hay nako , eh ikaw ang pinag uusapan ng mga tanders na nakatambay don sa kanto eh keso na may manliligaw ka daw na mayaman at poging nakakotse at hinahatid ka daw kono dito pag uwi "
"Nako hayaan mo sila mag sasawa din yon" sabi ko pang nakangiti
"Hmp , mag kwento ka naman ! Sige na kaya nga ako pumunta agad dito para makabalita eh , tsaka may trabaho ka daw ?"
"Oo meron na , eh baka naman kasi pwede kang umupo muna para maikwento ko "
Pagyaya ko pa na bahagyang nakangiti na nakataas ang kilay ."Nako ! Nako ! Sinasabi kona nga ba eeeeyyyyh kinikilig na ko !"
"Huwag ka nga maingay dyan !"
Suway ko na natatawa sa inakto nito na titili pa sana kung di ko napigilan."Eeeh , sige na mag simula kana okay ? Makikinig lang ako at hmmmp !"
Nag story telling ako kung paano ako nakapag trabaho sa coffee shop na don ko din aksidenting nakita ulit si Summer.
Ang pag kikita namin ni Ried na crush na crush nya na nalaman ko din na kapatid pala ni Summer.Pero hindi ko lahat sinabi yong katulad nalang nang halikan ako ni Ried at yong kay Summer din, hayst hindi ko kayang sabihin hindi naman sa wala akong tinawala , basta nahihiya ako sa pinag gagawa ko .
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...