Ito naman ay sumunod na lumabas din ng kwarto na hinabol ang mabilis kung pag lakad.
"Eh, san ka ba kasi pupunta ? Hayst kailangan mong makipag usap kay Mr.Montero ,kung nag bago ng isip mo .. di sasabihin natin kay Madam na ayaw muna, na hindi mo tatapusin yong contract mo.Pero kahit ngayon lang gawin mo muna to malaking pera ang makukuha mo pag nagawang mo ang gusto nila.May bunos pa yon pag nagkataon , isa pa kailangan mo ng pera diba ?"
Oo nga pala.Ano nga bang purpose ko kung bakit ako nandito ? Diba para nga kumita ? Mag trabaho para kina nanay.Hay nako bat ba ang dami kung drama.
Pero kasi , pag naiisip ko yong sitwasyon ko parang may mali na , hindi ko maintindihan.Pero bahala na , pag katapos nito kailangan kung harapan kung ano man ang dapat."Baby, sorry kasi kahit na alam ko na andyan kana parang hindi padin ako makapaniwala.Gulong gulo ako ngayon.Hindi sa ayaw ko na andyan ka o nabuo ka ... hayst pero ang hirap ng sitwasyon ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko."
Napabuntong hininga akong hinarap ito.
Kahit na nag bago na ang isip ko, kailangan ko paring gawin ang nasa contract.
Pero paano kung mahalata nilang may laman yong tyan ko ?"So what naman diba ?"Ano bang pake ko sa iisipin nila.
"Hoy okay ka lang ? Sige kung ayaw mo talaga edi , ako nalang mag sasabi."
Sabi pa nitong nakasimangot na.Paano ba ? Sabihin kona ba, aminin kona na buntis ako kaya ,kaya nag bago ang isip ko.
Para akong tanga ! Bat ba ako nahihiya sa bestfriend ko .
Pero hindi muna ngayon , pagkatapos nalang ng event.Oo tama, pagkatapos nalang.Nanatili itong nakatingin sakin na wari ay nag aantay ito ng sagot.
"Sige, mag bibihis lang ako at pupunta nako ."sabi ko pang bahagyang ngumiti sa kanya.
"Sigurado ka ba ? Okay lang naman kung ayaw muna talaga bes, ayaw ko namang napipilitan ka. "
"Hindi, okay lang.Sige bihis lang ako."
Patuloy ko pa at sinabayan ng pag alis.Matapos mag bihis ay umalis kami pareho dahil na din sa pamimilit nyang sasamahan nya ako.Tinanong ko sa kanya kung kilala nya ba o nakakita na nya yong Mr. Montero na tinutukoy nya.
Pero sa kasamaang palad ay hindi, kasi naman kung nagkataon mang oo eh, hindi nako mahihirapan pang makiusap sa kanya.Sila kumuha saking mag present o mag launch ng new design nila which is own nong guy na yon at ang designer nitong si Ms. Ling naman.Nagtungo kami sa isang mataas na building na mahigit sampung palapag siguro sa tingin ko.Matapos sumakay sa elevator para puntahan kung san mang palapag ito naroon ay nag pa iwan si Lina na kung saan ay parang guest area na ito pansamantalang mag hihintay sakin.
"Uh, Ma'am this way po ."turo sakin ng isang babaeng pakiwari koy secretary ito ng nasabing lalake.
Sabay kaming pumasok sa isang silid.Nang makapasok ay bumungad sakin ang lalaking nakaupo sa isang upuang kung saan nakatalikod ito sa gawi ng pinto sapat lang para hindi ko makita ang mukha nito."Ah, Sir andito na po si Ms. Helena ."sunod pang sabi nito.Nanatili akong nakatingin sa gawi ng lalake na hindi na nakatingin sa kinaroroonan ko.
Hindi nag salita ang lalaking nanatili sa gaanong posisyon.
"Aaah, maiwan na muna kita."paalam pa ng babae na humakbang palabas ng silid.
Nanatili akong nakatayo na naghihintay sa pag harap ng lalake siguro mga ilang minuto din ako sa gaanong tayo.
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...