"Alam mo kahit na gaano ka pa gwapo at kayaman hindi ako magkakagusto sayo ! Kaya huwag kang mag ilusyon dyan !"
"Parang labas naman sa ilong lahat ng sinabi mo. Remember the time I kissed you , you let me means you like me "
Sabi nitong parang nagyayabang pa.
Wala akong mahagilap na salita isa lang ang pumasok sa isip ko.
Mabilis kung binuksan ang pinto at lumabas.Tumakbo ako papunta sa bahay na di kalayuan kung asan kami.Nang makarating tsaka ko lang naalala ang bag ko kung asan ang susi. Pambihira naman oh !!
Kumatok nalang ako .
"Oh anak , nakalimutan mo ba ang susi mo?"
Mabilis akong pumasok.
"Aah, opo nay naiwan ko po kanina"
"Ah ganun ba .. sige matulog kana "sabi nitong isinara ang pinto.
Uminom ako ng tubig,pakiramdam ko hinahabol ako ng sampong kabayo sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Aay sandali bakit ka nga pala ginabi ?"
Patay ! Alam ni nanay na isasama ako ni Summer sa bahay nito upang ipakilala.
At ang paalam ko din ay aagahan ko ng uwi.Oo nga maaga , kasi umaga na !."Aah, kasi nay napasarap po ng kwentohan.Basta po sasabihin ko nalang po sa day off ko, promise po nay "
Sabi kung nakaharap dito.
Ito nama'y tumango tango lamang."Nako kang bata ka, pero sana sa susunod ayaw ko nang aabutin ka ng umaga ha ? Naiintindihan mo ba anak ? Alam mo naman ang kapit bahay natin maingay pa sa manok ang mga yan ".
"Opo nay " natatawa kung sagot.
Malaki ang tiwala ni nanay sakin at hindi ko naman hahayaan na masayang yon.
Kaya malaya akong nakakagalaw ang sabi nang nanay , tatay rin ang may sabi na huwag kaming masyadong higpitan ng nanay.Oo masyado mapagbigay ang nanay ko , ang madalas pangang sinasabi nito "gagawin nya lahat ng bagay para sa ikakabuti naming magkapatid sa paraang tama lamang,yong hindi kailangang takotin para mapasunod .Sigawan para matakot o saktan para huwag maging matigas ang ulo namin."
Kaya nga sisikapin ko na makapag ipon para makapag aral muli.Para makatulong akong maayos kay nanay.
Pero bago ang lahat kailangan ko munang matulog :D
"Sige na anak mag pahinga kana, may pasok ka pa bukas "
"Opo " yon lang at sabay kaming nagtungo halos sa mga kwarto namin.
Umaga ...
Dahil nga naiwan ko ang munti kung bag sa kotse ng baliw na yon ay kailangan ko pang gumamit ng ibang bag not knowing na wait !
"Ang phone ko !?"wala sa anong naibulaslas ko pa pag kakaupo sa hapag ng pag aalmusal.Napalakas ata .
Pambihirang gulay naman oh !! Ang tanga ko talaga ano bayan bakit hindi ko naisip yon kagabi !? Bakit !
"Ate okay ka lang ba ? Bat ang aga aga ang ingay mo naman "
Kapag kuway naupo ito sa tabi ko.Ano bayan naistorbo ko pa ang makulit na to.
"Wala , ang aga bat gising kana ?"balik kung tanong
"Diba nga kasi maingay ka ?"sabi pa nitong nag kusot ng mata
Sumimangot lang ako
"Hay nako ! Pag katapos kumain ha , matulog ka ulit "
"Oo , tutulog ulit ako "
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...