Naglakad pa ko ng konti kung saan pwede akong makasakay ng taxi o tamang sabing jeep para mas mura . Masakit man sa balat ang init ay nag patuloy ako tiis ang kumakalam kong tyan habang nakahawak doon na para bang ano mang oras ay mahuhulog ito.Eh kasi naman sa bilis kong mag lakad baka ma-stress yong anak ko,gutom nanga mapapagod pa.
"Ewan ko ba ! Kung san ko nahugot ang joke na yon ! Kung matatawag ngang biro yon."
Saglit akong huminto sa isang mini food court kung saan halos mag kapalit na ata ang mukha ng tao sa sobrang dami nila.
Pinalis ko ang butol butol kung pawis na patuloy na dumadaloy sa mukha ko,hanggang sa dumako ang tingin ko sa isang table na may magkasintahang masayang nag kwekwentohan nang kung ano sa kinauupuan nilang dalawa sa may di kalayuan kung saan ako tahimik na nakamasid lang sa kanila."Ang sweet ! Sus , di rin naman mag tatagal yan !"
Wala sa isip na nabigkas ko.Nang mag sawa ay nag pasya akong bumile ng maiinom at nag patuloy ulit sa pag lalakad .
Bigla kung nakalimutan ang gutom ko sa dami kung nakikitang magaganda , masayang pamilya na nag bobonding ,sama samang namamasyal , nanonood ng cine , kumakain sa labas at kung ano anu pa.Nakakainggit , kung nabubuhay pa siguro ang papa , malamang may ganun kami.Yong mamasyal , kakain din sa labas ng sama sama.
Dumako ang pag lalakad ko kung san papasok sa isang mall, kaya nag pasya na akong pumasok doon at tumingin ng pweding bilhin.
Nagtungo ako sa kung saan , naroon ang mga pang baby na damit at kung ano pang kagamitang pang baby.Napapa-wow ako sa bawat damit na nakikita ko , sa sobrang ganda parang naaakit akong bilhin kahit di ko pa alam kung baby boy ba or girl itong si baby ko...
Sa ngayon titingin muna ako , tsaka nalang ako bibile kapag medyo malapit na .. mahaba pa naman ang panahon.Tsaka nalang kapag alam kona kung girl ba o boy itong anak ko.
Bago ko pa man, libutin itong mall ay kakain na muna ako.Hindi kona talaga kaya ang gutom , parang gusto ko nanamang sumuka na hindi.Yong pakiramdam na naglalaway ka.Sa Jollibee ko napiling kumain , dahil yon din ang una kung nakita at syempre may french fries din naman don so okay na , mamaya na yong pizza kahit na feeling ko lalawit na tong dila ko kasi yon ang gusto kung kaanin.
Matapos ang hundred and fifty years na pila ay nakaupo narin ako at nag simula nang kumain kapag kuway.
Ang fries lang sana at burger with matching sundays eh nauwi at nadagdagan lang naman ng kanin na may fried chicken .
Wala eh, gutom na talaga ako !Matapos kumain ay nag libot libot na ulit ako.Syempre naman kahit papano may binile ako.Hindi ko namalayan ang oras ,dahil narin siguro at totoo naman dahil sa pagiging busy ng mga mata ko sa dami kung nakikita na gabi na pala.
Pambihira naman kasi , sa sobrang bilis ng oras.Nakalabas na ako ng mall ng mag pasya akong buksan ang cellphone kung naka off simula pa kanina.
Titingnan ko lang kung may text si Lina.Baka kasi nag aalala na yon kasi kanina pa ko wala at hindi umuwi.
Saglit akong tumigil sa pag lalakad ng mapansin ang cellphone kung sunod sunod ang pag vibrate nito.At don nga nakita ko ang ilang text galing kay Lina at may tatlo pang number lang.Inuna kung buksan ang text ng kaibigan ko."Hoy inday asan kana ?! Andito ako ulit sa office kasi may nag hahanap sayo ! Pero hindi ko sasabihin kung sino , umuwi ka muna ! Bakit naman kasi diba sabi ko naman sayo eeh , ang kulit mo hindi mo naman pala gusto pinilit mo pa tapos ngayon bigla bigla ka nalang aalis .Asan ka ba kasi ! Kanina pa kita hinahanap eh."
"Hel ? Ano nasan ka ngayon, di ako makatawag naka off ang phone mo :'(.
Bestfren ! Buksan mo nag aalala nako sayo pls pls uwi kana .""Hoy Helena ! Bestfren anong oras na oh asan kana kasi, yong pizza mo dito oh bulok na kaka antay sayo ."
"Hel , asan ka sabihin mo ... susunduin ka namin .Hindi mo ba alam pauwi huh ? Sige na replay kana , iiyak nako talaga ."
"Hel , nag aalala na kami .. hindi namin alam kung san ka hahanapin .. pls lang umuwi kana or sabihin mo kung nasan ka Besty ! Pls pls "
Hindi kona binasa ang iba pa nitong text at hindi na din ko nag abalang mag replay pa .Kaya ko namang umuwi ng ligtas.
Itatabi kona sana ang phone ko ng bigla ulit itong mag ring.Tiningnan ko kung sino ang tumatawag ngunit wala itong nakalagay kaya kinancel ko iyon.
Pinagmasdan ko ang number ngunit hindi ko matandaan kung kanino iyon hanggang sa mag vibrate ulit ang phone ko para naman sa new message na dumating mula sa number na kinancel ko.Wala sa anong naclick ko ang mensahe at mabasa ang nakalagay don."Where are you ?"
"I'm so damn worried about you pls tell me where are you !"
"Bat nakaoff ang phone mo ! Pls tell me kung nasan ka !"
"Where are you ? Pls come home."
"YOU DON'T HAVE ANY IDEA HOW MUCH I MISS YOU ! I'M DYING TO SEE YOU PLS ANSWER MY CALL !"
Hindi kona naipag patuloy basahin pa ang nauna pa nitong mga sinabi habang hawak ko ang cellphone ko ay wala sa anong napahawak ako sa dibdib ko .Sobrang lakas ng tibok nito.
Pakiramdam ko kilala ko kung kanino ang galing ang mga mensahe.Oo hindi ako pweding mag kamali.Naramdam ko pag agos ng luha ko kasabay ang pag ngiti ko na para bang baliw .Miss na miss ko narin sya sobra .....
Nagulat pa ko ng mag ring ulit ang phone ko .Masyado ba kung tulala para magulat .Hindi ko alam kung sasagutin ko hindi .Basta ang tanging alam ko nag uumapaw ang saya ko ngayon parang bigla akong nabuhayan.
Natapos ang pag riring ng mag ring ulit ito kaya nag pasya akong sagutin ito dahan dahan kung idinikit ang phone sa tainga ko ng marinig ko ang boses nito ngunit wala na akong marinig ng mapadikit na iyon sa tainga ko.
Halos ihagis ko ang cellphone ko ng makita kung patay ito .
"Nako bakit ngayon ka pa na lowbat ha !? "Wala sa anong naibigkas ko ng mahina.
Nag dadabog akong nag lakad kung saan pwede akong makasakay ng taxi pauwi .Kailangan bilisan ko at kung maaari lang mag eruplano ako ngayon baka ginawa kona.Masyadong oa man pero basta ! Masaya ako ngayon .
Sa dinami dami ng mamalasin ako pa , at ngayon pa kasi naman po traffic !!
Mainis man ako ay wala akong magagawa kaya inip akong nag antay ng pag usad pagong ng sinasakyan ko."Ah, Manong anong oras na po ba ?" Pukaw ko sa driver na tila inip na din sa traffic.
"Aah mag 9:30 po ma'am."agarang sagot nito
Woaah ! Talaga lang ha. Jusko naman anong petsa na pala hayst.
Mga ilang minuto pa ng umandar ulit ang sinasakyan ko at salamat naman at kahit papano ay tuloy tuloy na.
Baka kasi pag nag tagal pa ay mag lakad nalang ako .
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...