Chapter 50

95 7 1
                                    

Pinuntahan ko sya sa sinabi nyang lugar kung san kami mag kikita. At iyon ay isang maliit na park na kung saan kasalukuyang may iilang taong naroong nakatambay.
Hapon na iyon at medyo madilim na kaya siguro.

Pumasok ako sa loob ng park at inip na nag palinga linga doon .Nag babakasaling nandon na rin sya .Dumako ang tingin ko sa sasakyang pamilyar sakin .Isang pulang kotse .Huminto ito sa tapat ng park at mula doon ay tanaw ko ang isang babaeng bumaba doon, may kasama itong isang lalakeng nakaputi na wari koy driver nito na nahinto lang sa labas ng sasakyan .
Nag lakad ang babae papasok ng park.

Habang papalapit ito ay hindi ko maalis na humanga napaka ganda nya.
Nakatingin din ito sa direksyon .Tuloy na nya siguro na ako ang kausap kanina.

Saglit itong tumigil sa tapat ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Napalunok ako .

Sabi nila maganda ako ..
Pero mas maganda sya.
Sabi nila maputi daw ako at makinis pero ..
Mas lamang sya.

Pinag masdan ko syang maigi katulad ng ginawa nya.
Nagulat akong napahawak sa pisngi ko ng matapos dumampi doon ang palad nito.

"Ikaw pala , hmmp ang pangit ng taste nya."

Akala ko mabait hindi pala. Ang lambing kasi ng boses ny kanina.
Tumayo ako ng maayos at hindi nag salita. Alam kung mas lamang sya pero wala syang karapatang maliitin ako.
Nanatili akong ganon.

"Ang kapal ng mukha mo ! Alam mong engaged na yong tao diba ?! Bat nilalandi mo pa ?! Look at you , you look worse.
Masahol ka pa sa alalay ko .Anyway hindi kona sasayangin pa ang oras ko sayo .Gusto ko lang malaman mo at itatak mo dyan sa utak mo, kung meron man !
Kahit kailan hindi ka mamahalin at hindi ako ipag papalit sayo ni Reid , hinding hindi .Kaya kung ako sayo itigil mo na yang ilusyon mo, kasi kahit anong gagawin mo akin na sya at wala kanang magagawa don.
Kasi kung ikaw ang mahal nya, sana sayo nya binigay to."
Turo nito sa singsing na suot nito.

Naramdaman ko ang pag init ng pisgi ko at ang pag tutubig ng mata ko .Parang nanghihina ako sa sinabi nya.Nanghihina ako sa sobrang sakit
Kagat labi kung pinigil ang pag patak ng luha ko.
Parang biglang sumikip ang paligid, kasabay ng pag sakit ng dibdib ko.Walang anong naikuyom ko ang palad ko.

Nanatili akong tikom.Total kasalanan ko naman , hahayaan ko syang sabihin nya kung anong gusto nya.

"Bago pa man ang lahat , hindi mo magagawang pigilan ang kasal namin .Hindi ang gaya mo ang makakagawa nun, you know why ?"putol nito sasabihin nito.

Tinitigan ko lang sya sa mata na katulad ng ginawa nya.Hanggang sa muli itong mag salita.

"Kasi mag kakaanak na kami ."sabi nitong halos pabulong na inilapit pa ang mukha sa mukha ko.

"Kaya kung ako sayo, tigilan muna sya, mahiya ka naman, is that okay with you ? And for you to know i don't care if its not, bye ."

Pagkasabi nun ay umalis itong inirapan pa ako bago tuluyang tumalikod.Napatingin ako sa paligid na nasa akin ang atensyon ng iilang taong naroon.

Hindi kona napigilang ang pag agos ng luha ko. Hindi ako nahihiya at wala akong pake sa mga taong makikita akong umiyak.

"Mag kaka-anak na sila , tapos ano tong ginagawa ko ? Ang tanga tanga ko ."

Wala sa anong napatakbo akong lumabas ng park .
Wala akong pake kung pag tinginan ako nila , wala !

Saglit akong huminto sa daang makipot at naupo roon ipinag patuloy ko ang pag iyak. Madilim na kaya walang makakapansin sakin doon.
Matapos ang halos di ko mabilang na oras na inilagi ko doon ay tumayo ako ng maramdaman ko ang pamamanhid ng binte ko.
Naglakad ako at nag hanap ng masasakyan pauwi.
Hanggang sa mag pasya akong lakarin nalang iyon total medyo malapit lang naman iyon samin.

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon