Lumabas si Mandy at nag ayos din ng sarili
"Ang aga naman ng checkabels nyong dalawa "sabi pa nito na habang naglalagay ng lipstick
"Ito kasing si Hel ang agang sinundo dito ni papa Summer eh "
Hindi ako nag salita at nag lagay ng konting lipstick sa labi
"Hmp. Ang haba ng hair nong isa dyan, dalawang macho at sobrang gwapo ang nanliligaw sa kanya !wala akong masabi Mandy "
"Oo nga , kung ako yon pag sasabayin ko yon hmmp .. "
Nakinig lang ako sa pag uusap nila.Bahala sila haha
"Gaga , dapat isa lang ! Salawahan ka din eh no "
"Ano ka ba kung sakin lang naman ! Pero sakin mas gusto ko si Summer mabait na feeling ko manyak yon kaya mas yummy yon ganun ano ka ba !"
"Grabe ka naman eh, mas okay yong lalake kahapon ano ngang pangalan non Hel ?"
Sabay tingin saakin..
"Hindi ko naitanong " walang gana kong sagot
"Gaga ka talaga , eh kilala ka nun eh so it means kilala mo sya"
Natawa naman ako na ikinainis ng dalawa.
"Eh mukhang masungit yon eh , mukha pang mayabang na ewan !"
"Yon nga ang masarap don gaga !"
Hayst ang dalawang to
"Ewan ko lang ha .. "
"Pero syempre don tayo sa gusto nito ni Hel, diba Hel ?"
Pukaw ulit sakin na nakatingin lang sa kanila
"Oo , kaya tayo na baka yong customer natin don kanina pa namuti ang mata kakaantay satin "
Pagyaya ko pa sa kanila
Nag paawat naman ang dalawa at kapwa sumunod sakin pagkasabi ko .Naiba ang araw na to marami kasing customer ngayon kumpara kahapon.Medyo nakakapagod din dagdag pa na hindi ko maigalaw ang kaliwa kung kamay na napaso lang naman kanina sa kakulitan ko na ako na ang gumawa ng ulam para sa tanghalian namin.Hindi ko kasi napansin mainit pala ang kawali na sana ay huhugasan ko para gamitin sa pagluluto ko kaya heto pak na pak ngayon halos ang buong palad ko..
Wala naman itong sugat at hindi din lumubo para mag tubig mapula lang ito at medyo maubok."Oh kamusta maga pa ba ?"
Bungad sakin ni Gelo sa counter na kalukuyang nakaupo ako.Ngumuso lang ako at hindi sumagot.
"Sabi ko naman sayo , ako na magluluto tuloy napaso ka pa .. ?"
Nasa tinig nito ang pag alala
"Hindi okay lang , kasalanan ko naman hmp medyo masakit lang pero sigurado ako bukas wala na to "
"Patingin nga"
Inilapit ko ang palad ko at maingat naman nitong hinawakan iyon.
"Tamo maga nga , nako masakit talaga to.Sa uulitin kasi ako na , huwag na makulit"
Natawa naman ako.Si Kuya Gelo ang pangatlo sa pinaka matanda samin sya na 26 , si Mandy ay 24 at last si Rose na mag 24 next month.
"Oo hindi na " sagot ko pa
"Sya nga pala birthday muna aah , anong handa mo ?"
"Anong birthday eh sa sunday pa yon friday palang ngayon no "pagtatama ko pa.
"Ganun na din yon , advance happy birthday nga pala .Yong regalo ko tsaka nalang pag tumama ako sa lotto "
Ngumiti ako kapag kuway pinalo ito ng mahina sa braso.
BINABASA MO ANG
Fall
Roman d'amour"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...