Chapter 1

432 17 5
                                    

   This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

------
 

                   

             



"Hoy Helena, ano tamang tanga lang ?"

Humarap ako sa kanya na nagtatanong na tingin.

"Eh, sorry nanga kasi, hindi ko naman alam na ganito kadami ang pipila para mag aplay dito nang trabaho no."

"Ang sabi ko naman kasi sayo , Inday agahan mo, hindi ko naman akalain na ang pagkakaintindi mo sa maaga eh, padilim na."

Andito kami ngayon sa Dela Vega
Restaurant para sana mag aplay as a waitress.
Ang kaso nalate ako nang dating as in sobrang late. Mag 1pm na nang hapon at pipila palang kami. Oo hanggang ngayon at ang dami pa din ng nakapila as in sobrang haba . Parang ang dating nga audition na sa isang contest o anu.

Simangot lang ang naging tugon ko sa kanya sa pagkadisma sa araw na to.
Kasama ko ngayon ang nag iisa kong best friend / nanay kung magalit na si Lina.

" Hay nako,Helena ! hmp dapat talaga pumunta nalang ako don sa inyo at sinundo ka."
Padabog nitong pahayag at hinila ako para sumingit sa pila .

" Marami pa kasi akong ginawa, kaya heto di agad ako nkapunta dito, sorry talaga."

Totoo naman talaga marami akong ginawa,tumulong pako kay Nanay para magtinda ng mga paninda sa palengke.

" Ewan ko sayo ! Eh bakit naman kasi , hindi mo muna ipinaubaya yong paninda at pagtitinda sa Nanay mo. Pambihira naman oh."

Natatawa ako na ewan sa mga sinasabi nya. Oo kasalanan ko naman talaga, kung bakit mainit ang ulo nya ngayon, at talak ng talak ngayon.

" Bes, oo na .. sige na kalma kalang kasi ha."

Sabi ko habang hinihimas ang braso nya.
Na agad namang humarap sakin para pandilatan ako.

" Oo, kalma lang ako dahil kung hindi baka masapak ko tong katabi ko sa sobrang baho nya."

Sabay tingin sa katabi nya na kasalukuyang nag aayos ng sarili ,halatang pawisan nga ito at gulo narin ang buhok.Sobrang init kasi at siksikan pa. Mahina lang ang pagkakasabi nya kaya hindi rin naman napansin noong babae. Natawa naman ako kahit papano lokoloko talaga tong kaibigan ko.
Nakasingit kami medyo dito sa gita nang pila, kasi naman busy sila kakadada at kung ano anu pa ang pinaggagawa kasi naman parang wala naman talagang balak pumila ang mga yon para mag aplay ng trabaho.Kung hindi para magpacute, ewan sobra mga suot nila parang magbabar o kaya pupunta ng party sa sobrang kapal ng make up.


"Teka bat ba ko nangingialam tsk !"

Pake ko ba sa kanila kung mag ganyan sila pambihira .

Habang nakapila may lumapit na lalake sa di kalayuan sa unahan at nagsalita.

"Tapos na po ang aplayan , maari na po kayong umuwi'.

" Ano !"

" Teka !"

" Grabe naman !"

"Hala agad agad ? Pambihira."

Narinig kong sari saring pahayag nang iba, na sya namang ikanagulat namin.

" Opo tapos na po, dalawangpo't limang katao lang naman ang kukunin namin at okay na.Kaya pasensya na sa hindi nakaabot at sa pag aantay nyo ng matagal."

Pagkasabi no'y natanaw ko nang papalayo ang lalake sa unahan papasok sa restaurant.
At ganun nalang ang pagkadismaya ng iba sa narinig at nalungkot ang mukha at kanya kanyang alis.

"Ano bayan ! Nakakainis !! '
Pagdadabog ni Lina na parang bata.

"Bes, okay ka lang ? Hayaan muna marami pa namang ibang trabaho eh, isa pa sigurado ako sa susunod na mag aplay tayo matatanggap agad tayo."

Mahaba kong paliwanag sa kanya na nakalupo ngayon na nakabusangot ang mukha.

"Kasi naman ! Kung di ka sana nahuli ng punta dito malamang kasama tayo sa nakuha nila. Hmmp kasi ikaw eh."

" Sorry nanga diba ?" Oo na kasalanan ko naman talaga at ngumiti ako ng nakakaloko.'

"Oh bat ka tumatawa ? '

"Natatawa lang ako sa mukha mo."

" Ha ?"

"Ang ganda mo pala pag nagaglit ka , ngayon ko lang narealized."
At tumawa ulit. Gusto ko namang makahanap nang trabaho kahit papano para makatulong kay Nanay at sa kapatid ko para sa pag aaral nito.

Pero ganun talaga , marami pa namang ibang trabaho at alam ko makakahanap kami pareho. Pareho naming gustong makaipon para makapag aral ulit.
Oo, 1st year college na sana ako ngayon ang kaso nahihirapan si Nanay kaya huminto muna ako.

Patay na ang Tatay , at si Nanay lang ang bumubuhay samin ni Sammy.
Marami kaming utang na kailangan bayaran ngayon kaya hindi ako pweding sumabay para makapag aral.Dahil kong di namin mababayaran ang mga utang na yon mas lalaki ang tubo.

Mahirap ang buhay sa totoo lang , naaawa ako kay Nanay kaya hindi ko pweding ipilit ang gusto kong makapag aral. Matanda na si Nanay at ayaw ko syang nahihirapan pa.

Ang Dela Vega Restaurant ay atleast high shool lang ang hinahanap nilang applicant.Kakabukas lang nito dito sa Quezon province.
Nagbakasali kaming mag aplay , pero dahil nga sa kasalanan ko heto ngayon at bigo kami pareho.

"Tigilan mo nga ako sa mga banat mo, hmp !'

                        

   






  

                       **11.01.17**

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon