Chapter 6

143 7 0
                                    


Namangha ako sa kabuuan ng likod bahay. May pool pala, ang lalim nito siguro sapat lamang para sa malalaking tao.

Mas maraming halaman, bermuda grass at iba pa.Nakakatuwa.Lumapit ako sa pool para sana itampisaw ang paa ko nang...

"Ahemmm .. '

Sa gulat ko, muntik nakong mahulog sa pool. Sa isip ko kelan pa nauso ang gulatan ngayon ?

Sa sobrang gulat ko, hindi ko agad nagawang tingnan kong kaninong boses yon.Dahan dahan kung itinaas ang ulo ko sa pagkakayuko.

Ganon nalang ang pagkagulat ko nang makita ang lalakeng tumikhim sa likod ko.
Napamaang lang ako ...

Lumakas ng tibok ng dibdib ko ...
Kung pwede lang hilingin na bumuka ang ang lupa at kainin ako.Pwede ba please !

"Lord bat po ang gwapo nya ?Masculine face, kissable lips, tall and hindi naman dark katamtaman lang ang kulay nya.Wow at san ko naman nakuha ang mga katangiang yon.!

At ang mata nya parang kulay bronze na ewan .Baka naman nakacontact lense.Dagdag pa na sabi ng isip ko.

Tama ba tong nakikita ko ... wala syang damit , in short nakahubad.Dumako ang tingin ko sa dibdib nya pababa hanggang sa ano nya ....
Napalunok ako ...

At kailan pa ko naging manyak ! Ipinilig ko ang ulo ko.At tumingin ako ng diretso sa mukha nya. Pakiramdam ko nag iinit ang buo kung pagkatao sa hiya. Ngumiti sya, ngiting naaaliw.Baka isipin nya manyak nga ako.
Nagsalita ito .

"Alam kung maganda ang view dito, pero syempre mas maganda ang view sa -- .'

Hindi nito itinuloy ang sasabihin at bagkus ay tumingin sa pagitan ng hita nya at ngumiti ng nakakaloko.

Wala akong naging reaksyon kundi itaas ang kilay ko.Yong tipong "Ha ? Ewan , ano daw ?'

Parang hindi ata gumagana utak ko, teka lang ha .. asan na ba yon.Alam kung mukha akong tanga na nakatulala lang ,pero kasi ewan ! Nahihiya ako , pero diba hindi naman ako pipi.

"Ah -- eh ----- , ahm - kasi - '. Woaaaah.
Pati ba naman dila ko ... Ayaw kona ! Aalis nako , tama tatakbo ako ! Pero hindi, bat naman ako tatakbo ? Ano magnanakaw lang na tumatakas ?. Umiling ako at muling ibinalik ang tingin sa kanya, maging sya hindi nagsasalita, nakatitig lang sya sakin na pinagtataka ko.

"Are you done ? '

"Ha ,? Patay. 'Napamaang ako.. hindi ko alam ang sasabihin .Nanginginig ako,sa pagkakaalam ko hindi naman ako mahilig sa kape para maging ganito.Pero bahala na.

"Opo.' Wala sa ano anung sagot ko.

Napansin kung ngumiti sya at ipinilig ang ulo.

Hindi ko akalaing mas maganda sya nang malapitan.Pasensya ka nalang at ikaw ang pagtritripan ko ngayon.

"Bakit andito ka ? Hindi ba dapat asa kusina ka at nagluluto ?' Ang aga aga nakatambay kana agad.

"Po ?'Ano naman to. Hindi konga sya kilala tapos ,kung makapag ! Aba . Sige sasakyan ko nalang ang pinagsasabi nito.

"Ah , Opo sir .. nag pahangin lang ako.Pasensya na po.'Teka teka anong opo ?

"Itimpla mo ko ng kape .

Gets kona siguro akala nya, katulong ako.

"Ah, sige po Sir. '

Tumalikod ako para sana umalis na nang..

"Wait ! '

" Po ? '

" Your name again ? '

" Helena po. '

"Helena what ?'I dont know how to open up a conversation sa babaeng ganito.She so different .Or maybe dahil ngayon lang din ako nakipagusap sa babae na tingin ko ay mala tatay ang pagitan ng edad namin.

"Sali ,Helena R. Sali po. ' Uutusan ako ng hindi naman pala ako kilala.Sira ba to, pano nalang pala kung lagyan ko nalang ng lason ang kape nya. Hmmp.Natawa nalang ako sa isipin ko.

"And ilang taon kana ?'

"19 po'.

See damn it ! as i expected , but why she look so matured enough, knowing that she's only 19.Man on earth.So what naman kung 19 sya ... i mean bat ako nanghihinayang.

"Ohw. Sabi ko nalang. Alam kong mukha akong gago ngayon at hindi ko kinakaila yon.

Ang labo nya bes . Bahala nga sya .

" Ah Sir , pag timpla kona po kayo.'

"Yea , sure much better.Ihatid mo nalang sa kwarto ko, okay ?.'Wala nako sa mood at hindi ko alam kung bakit.'

"Ah , okay po. '

Nakaalis na sya ,at naiwan parin ako na nagtatanong ... akala nya ba talaga katulong ako ? Bagong katulong nila. Dagdag pa ng isip ko . Mukha ba kung yaya sa suot ko ngayon hmmp.
Tiningnan ko ang kabuuan ko.At hindi naman, naka off shoulder ako na damit at nakapalda na medyo above the knee na bumagay sa damit ko.

Bahala sya, hmp ! pumunta na ko ng kusina.Naabutan kung tapos nang kumain si Lina at masaya silang nag uusap ni Aling Rosa.

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon