Chapter 8

128 8 0
                                    

Hayyys , gusto ko sanang itanong kung may girlfriend na sya , ang kaso nakakahiya.
Baka kung anong isipin ni Aling Rosa.At isa pa malaki ang agwat ng edad namin. 19 ako at 28 na sya , wow diba .Pero diba ages doesn't matter naman daw.
Naputol ang pagmumuni muni ko nang magsalita si Aling Rosa. Kasalukuyan akong nakaupo sa sala nila kasama si Lina na nanonood naman ng tv.

"Helen, Lina baka gusto nyo dito narin kayo mag hapunan.

Pagyaya nito na papalapit samin dala ang meryenda .Hapon na masyado para sa meryenda nya. Pero ok na rin kasi nagutom ako.

"Nako , huwag na po aalis na po kami pagtapos po nito.'
Agaran kung sagot.

"Ano ka ba Helen , dito na tayo kumain no, tsaka para makita pa natin si papa Reid.At isa pa sigurado akong masarap ang iluluto ni Aling Rosa no! Sige ka ikaw din ... '

Pagkasabi nito ay tumingin sya sakin nang nakakalokong tingin na wari ko'y kinikilig sa huli nitong sinabi.May magagawa pa ba ko eh alam kung saksakan ng kulit to. Hmp !

"Oo nga naman Helen.. marami naman akong iluluto.At para naman makabawi ako sa iyong kasipagang dalawa."

"Eh , Aling Ros ano po bang iluluto nyo. ?

"Ah adobo at yong ginataang tilapya.'

"Wow !! Helen ha dito na tayo kumain.'

Ulit nito sa gawi ko.Hindi nako sumagot bagkus ay umirap ako.

Umabot ang gabi at masaya kaming nagkwetohan.Hanggang sa mag pasya si Aling Ros na mauna na kaming kumain.Tumawag ang kanina p namin hinihintay na tao at ang inaasahan naming dadating na bisita nito nagkita nadaw sila sa labas at don nalang kumain.Sinabi din nito na gagabihin itong umuwi kasi may dadaanan pa itong party kasama ang mga kaibigan nito.
Parang nalungkot naman ako nang malaman ko yon ng hindi ko mawari.
Pagkatapos kumain ay agad din kaming nagpaalam kay Aling Rosa para umuwi.

Kinabukasan ...

"Helen ,anak '
Bungad sakin ni nanay sa pagkain.Kasalukuyan akong nag aalmusal ngayon.

"Po nay '

"Oh parang antok ka pa ata '

Antok pa talaga ko nay , kakaisip sa crush ko.Sagot ng isip ko na muntik nakong mapatawa. Oo napuyat ako , kakaisip sa gwapong mukha ni Mr. Reid Dela Vega.
Hayst nakauwi kaya sya ng safe.Hindi ko napansin ang sumunod na sinabi ni nanay sakin, hanggang sa maglita ulit ito at tawagin ang pangalan ko.

"Anak , Helen. ? Ang lalim ng iniisip mo.

"Nako nay sorry po, ano nga po yon ulit.'

"Ang sabi ko, yong kaibigan ko na si Cecil naghahanap sya ng waitress don sa coffee shop nito.Baka kako pwede ka don mag aplay . Nasabi kona sa kanya na pag aaplayin kita don sa kanya.'

"Ah , ganun po ba nay . Sige po pupunta po ko don .San po yon nay ?

"Doon sa Lucena , gusto ko sana pumunta kana ngayon don.'

Kapag kuway umupo ito at humigop ng kape.

"Opo naman nay. At iniabot nito ang kapirasong papel na may nakasulat na address ng lugar kung san ako pupunta.

"Huwag munang ihatid sa palengke ang mga gulay ,ipapadala ko nalang yan sa mga bata na pweding utusan.'

Nagbyahe ako papunta sa coffee shop na papasukan ko.At nakakatuwa at sobrang nagpapasalamat ako , kasi tinanggap ako.
Agad din ako nagsimula ng araw na yon. Madali lang naman kasi serving at pagkuha lang ng order ang gagawin ko.

Masaya din pala kahit first time ko, hindi naman masyadong matao.Nakakaenjoy ng sobra ang buong araw kasi naging kaclose ko agad ang mga bago kung katrabaho.Lahat sila mabait , makukulit at maingay.Ako din ang pinaka bata sa kanila.

"Pwede ka naman matulog na muna samin, gabi na magbabyahe ka pa.' Si Rose

Kasalukuyan akong nag aayos ng mga uniform na iiuwi ko para dalhin sa bahay at labhan.

"Nako, okay lang ako.Kaya ko naman isa pa malapit lang naman.

"Oo, nga Len kina Rose ka nalang matulog at don muna rin labhan yan. Singit naman ni Mandy.

"Ano ako hello . Wala akong kahit na anong dala kundi ang kailangan lang sa pag aaplay ko. Sagot ko na natatawa. '

"Ano ka ba okay lang yon, kung inisip mo yong undies mo bumile nalang tayo no. '

"Rose, huwag na tsaka na .. tsaka nakakahiya no. Kaya huwag na kayong makulit kasi kaya ko naman no.Nakapunta nga ako dito , makauwi pa kaya. '
Sagot ko na nakangiti padin.

"Sus! Nahihiya ka pa . Sige nanga basta sa susunod samin ka nalang matulog para sure na safe ka. '

"Oo nga no. 'Oh kaya dito kana din mag rent para sama sama tayo .Diba Rose maganda yon.

"Ayy oo maganda yon. Magandang idea yon sama sama tayo para makatipid.Kahit maliit lang na bahay or kwarto basta kasya tayo okay na .Ano sa palagay mo Helen ?

Kamabal ba to ?

"Ah pag iisipan ko at ipapaalam ko nadin kay Nanay. Sige na mauuna nako ha. 'Paalam ko.
Maaga pa naman halos 7:30pm lang ng gabi at isang oras lang naman ang byahe so okay lang at konting lakad, bahay na.

"Sya sige, hatid kana namin.'Basta pag isipan mo ha. Si Rose dagdag pa na paalala nito.

Sabay kaming naglakad na tatlo, papuntang kalsada kung san ako sasakay pauwi.At awa naman nakasakay ako .Uwing uwi nako.

Makaraan ang isang linggo nasanay na akong uwian.Hindi ko pa kayang umupa para sana kahit papano di nako uwian.Sayang din kasi yong pera kahit papano kaya tiis ganda lang.Pasasaan ba't makakaraos din.Ang mahalaga ngayon nakakatulong ako kay Nanay at Sammy panggastos sa araw araw pangbayad nadin ng mga utang.Hayst buhay.

Maaga akong nagising dahil na din sa mangungulit ng kapatid ko na si Sammy.Nagpapatulong itong gumawa ng takdang aralin nya na hindi nagawa kagabi kasi, hindi nya daw maintindihan.

"Sige na ate !! Pagmamaktol nito.

"Ikaw ha dapat kasi ginawa mo na yan kagabi.'

Kasalukuyan kaming nasa sala.

"Eeeh eh , hindi ko nga kaya eh.'

"Anong hindi kaya , siguro hindi ka nakinig sa teacher mo kahapon.'

"Nakinig naman ako, malabo lang sya magpaliwanag at tsaka di ko sya type'.!!
Pagpapaliwanag nitong nakasimangot.

"Ha ? Anong hindi mo type ?

Nasa pangalawang baitang na si Sammy ng elementary.





Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon