Chapter 39

69 7 0
                                    

Muli ko syang niyakap.
Pakiramdam ko miss na miss ko sya.Oa na kung oa kasi yon naman ang totoo.

"Wait sandali lang ha ."

Kumawala ito sa pag kakayakap ko.

"Nick !"

Tawag nitong tumingin sa dilim.
Sinundan ko ang tingin nya kung saan may dalawang sasakyan doon na nakaparada.
Lumapit samin ang lalaking may dalang bulaklak at isang malaking bag.

"Oh boss ayan na po."
Sabi pa nitong iniabot kay Reid ang mga yon.Nakangiti itong bumalin sakin.

"Magandang gabi ." Sabi pa nito.
Ngumiti lang ako.

"Oh teka bumalik kana don ."sabi naman ng katabi ko na hinawakan ang kamay ko.

"Helen anak !"

Sabay kaming napalingon sa pintong walang tao.

"Sandali dito lang kayo aah."
Paalam ko at mabilis na pumasok sa pintong nakabukas.

"Oh eh ay anong ginagawa mo sa labas ?"
Bungad sakin ni nanay nang makapasok ako.

"Ah-eh , wala ho nay may kinuha lang ako ."

"Ay parang may narinig akong kausap mo roon eh .

"Aaah ---."

Hindi ko naituloy ang sasabihin ng bumukas ang pinto at pumasok doon ang boyfriend kong nakangiti.

"Aba'y Reid andyan ka pala."

Nakita ko pag ngiti ng nanay ko na mukhang masaya sa nasilayan nya.

"Magandang gabi po ."sabi nito.

"Magandang gabi din hijo, oh ay bakit hindi ka pumasok kanina pa dito , kanina ka pa ba dyan sa labas ha ?"

Dumako ang tingin sakin ni Reid at ngumiting nakakaloko.

"Opo , medyo nilamok nanga po ako don ."

Wala sa anong napalaki ang mata kung tiningnan sya.

"Aba teka ! Nagsusumbong ba sya ? Ang kapal nya talaga ."

"Aba eh , Helen anak at bakit naman hindi mo sya pinag buksan ng pinto aber ?"

Balin naman sakin ni nanay.
Napamaang ako.
Napatingin ulit ako kay Reid na napaka lawak ng ngiti sa labi.

"Nako nay , kasi po kasi hindi ko po narinig ang katok nya ."

"Nako pambihira .Oh sya hijo maupo ka muna dyan."

Muling may kumatok sa pintong medyo nakaawang.

"Oh may tao pa ata ."

Pumasok roon si Nick .

"Oh sino naman ang isang ito ?"

Nag pabalin balin ang tingin samin ni Nanay.
Ang pumasok naman ay ngumiti lang.

"Magandang gabi ho ."
Sabi pa nito

"Aba eh , magandang gabi rin naman sayo ."

"Kaibigan ko ho sya , Si Nick nga po pala ."
Pakilala ni Reid na tumayo sa pagkakaupo.

"Ganun ba , oh ay maupo kayo. May gusto ba kayong inumin ?"

Sabay na naupo ang dalawa.
Napangiti naman ako.

"Maka alok naman itong nanay ko eh kape lang naman at juice ang meron kami."

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon