Chapter 41

81 8 0
                                    

Makalipas ang isang oras ay nanatili parin akong nakaupo roon.
Hangang sa marinig ko ang boses na papalapit saakin.

"Ang aga mo namang tulala dyan ".

Sabi sakin ni Rose na papalapit sakin kasama si Mandy na nakatingin din.

"Oo nga."

Naupo ang dalawa. Isa sa tabi ko at ang isa ay sa tapat naman.

Tiningnan ko lang sila sandali at muli ibinalik ang tingin sa labas.

"May problema to."

Narinig kong sabi naman ni Rose sa katapat.

"Hmp ! Alam na ."

"Sa palagay mo ano ?"

Hinayaan ko lang sila.

"Hindi ano , sino !"

"Aay ganun ba yon.Hmp parang ganun nga ."
Pag sang ayon pa ng isa.

"Sa palagay mo anong problema nila ?"

"Hindi ko yan masasagot eh,pwera nalang kung mag kukwento sya."

"Bakit nga ba hindi sya mag kwento diba ?"

Narinig ko pang tanong nito sa katabi kong si Rose.

"Magandang idea yon sa palagay ko."

"Hoy Helen ! "Tawag sakin ni Mandy na nakapag palingon sakin.

"Ano yon ?"walang ganang tanong ko.

"Gaga ! Anong problema mo at ang tamlay mo ?"

"Oo nga , ang aga aga eh.. nakasimangot ka dyan ".si Rose naman.

"May iniisip lang ako ."

"Iniisip o problema ?"pagtatama ng katabi ko.

"Hayst kung nag away kayo o what , normal lang yan sa mag jowa , bf/gf no."

"Oo nga , hindi parating masaya no .Tama lang yan para tumatag kayo.Dyan masusukat ang tiwala nyo sa isat-isa at ang pag mamahal nyo."

"Yes correct ! At kung nag away man kayo o ano eh dapat mag usap kayo para mag ayos ."

"Wait nag away nga ba kayo ?!"

Tanong sakin ni Rose.

Umiling lang ako at tiningnan ang katapat ko.

"Oh eh ano ?"
Sunod na tanong nito.

"Basta ! Siguro pagod lang sya kagabi o kaya may problema ."

"Ngeek ! Ano ngang nangyare kahit na pagod sya o ano ay may karapatan kang malaman inday !"
Si Mandy naman.

"Oo nga ".sagot naman katabi ko.

"Niyaya mo ba syang mag sex kayo, tapos tumanggi sya kaya nagalit ka at nag tampo ?"

Nagulat ako sa naging tanong nya pero naging tikom lang at umiling.

"Gaga ang bastos ng tanong mo !"sabi naman ni Rose

"Sabihin mo kasi yong buong detalye as in buo ! Hindi naman kami manghuha no ! Kaibigan ka namin, parang ate muna kami kaya dapat huwag kanang mahiyang mag sabi Hel ."sabi ni Mandy sa iritang tono.

"Oo nga, malay mo matulungan ka namin."

Sinabi ko lahat lahat nangyare kagabi.Maging sila ay nagulat.

"Wait baka naman may bago na sya ."

Nagilan ako sa tinuran ni Rose.
Mataman ko lang syang tinitigan.
Wala sa anong nakaramdam ako ng pag bigat sa dibdib ko.

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon