Mabilis na natapos ang oras at sumapit ang uwian .
Palabas na ako ngayon galing banyo."Hoy ingat aah ."-Mandy
"Oo nga Hel ."-Rose
Alam na nang dalawa na pinsan ni Reid ang babae.
"Kayo din salamat , sya mauna nako ha ."
Mabilis akong lumabas at tinungo ang table kung san ito nakaupo.
Nakita ko naman itong inip na nag hihintay doon."Akala ko bukas ka pa ."sabi nitong nakangiti.
"Sorry , ano tara ?".
Sabay kaming lumabas papuntang parking lot .
"Oh ayan suotin mo ."abot nito sa maliit ba paper bag.
"Ano naman to ? At san ko susuotin to ?"
"Damit , dito ."
"Ha seryoso ?"
Tumawa ito.
"Oo nga sige na, dyan ka sa may likod ."
Matapos ang pag bibihis ay parang gusto kong matawa sa suot ko .
Isang itim na fitted na damit na hindi manlang umabot ng tuhod ko dagdag pa na medyo expose ang cleavage ko.Nang matapos ako ay ang isa naman ang nag palit .
Natuwa naman ako at pareho kami ng damit kulay black lang sakin at kanya naman ay pula."Wait wala ka palang make up.Sandali ."
May kinuha ito sa bulsa ng bag na kung ano.
"Lapit ka ."
Lumapit naman ako.
Nilagyan lang ako nito ng lipstick sa labi ."Ano bayan lipstick palang okay na sayo, pag sakin boring eh ."sabi nitong nakanguso.
Natawa naman at kinuha ko ang salamin para tingnan ang mukha ko.
"Tara." Sabi nito at nag maneho na
Nakarating kami sa isang lugar kung san maingay , maraming taong nag sasayaw sa dance floor at nag iinom naman ang iba.
Hinila ako nito papasok papunta sa isang maliit na table kung san nakatayo lang kami."Anong gagawin natin dito ?"sabi ko pang nag palinga linga don.
"Syempre mag iinom ."
Iniabot nito sakin ang kulay asul na inumin ngunit hindi ko ininom.
Nakita ko kung paano nito ubusin ang isang laman ng maliit na baso ng alak nya.
Kaya nag pasya akong tikman din ang akin.
Masarap naman , para nga lang juice ito."Wait dito kalang may tatawagin lang ako ."sabi nitong biglang pumasok sa isang pinto.
Muli kong ininom ang inumin ko at inip na nag antay.
"Alone ?"
Napalingon ako sa lalaking lumapit sa table namin.
"Aah, hindi may kasama ako ."
Mas lumapit ito sakin at ngumiti.
"Your name ?"
Hindi ko sya pinansin at ininom ko lang ang inumin ko.
"Ang sungit naman ."
Hinawakan nito ang kamay kong nakapatong sa mesa .
Walang anong hinila ko iyon."Ano ba !"
"Ang arte naman ."
"Pwede ba iwan muna ko , kung wala kang magandang gawin huwag akong bastosin mo !"
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...