Chapter 51

85 5 1
                                    

Hindi ako nag salita at pinag patuloy ang pag subo.

Alam na nya ang lahat,ang mga nangyare simula una ang hanggang huli. Kung paano kami nag simula ni Reid at paano ding natapos.
At ako mismo ang umiiwas na pag usapan kung ano mang bagay na mag papaalala sakin na patungkol sa kanya.
Hindi naman sa galit ako sa kanya o ano.Hindi ko sya sinisisi kung bakit kami nag kaganon o kung paanong humantong sa ganon ang lahat.

Mahal ko sya at  walang dapat pagsisihan don.Walang namilit sa mga nangyare ako mismo ang pumili at nag decide ng lahat.
Kahit pa nasaktan ako , hindi nya kasalanan yon .... at kailan man hindi nya magiging kasalanan yon.
Sabi nga nila part na ang masaktan ka kapag nag mahal, ang kailangan lang acceptance sa lahat kung ito man ay magiging okay kayo o hindi.Oo nong una nagagalit ako sa kanya, dahil alam ko wala syang karapatang saktan ako....
At wala akong ginawa o matandaang dahilan para gawin nya yon.. ...
Pero mahal ko sya , minahal ko sya at kahit balik baliktarin man ang mundo kung hindi ko sya minahal , hindi ako masasaktan ng ganito.Ginusto ko to , hindi man ang paraang sinaktan nya ko , pero walang permaninting bagay at kung nanaisin ko mang ako ang piliin nya kung hindi naman ako ang tinitibok ng puso nya balewala lang ang lahat.
Ang puso ang hindi kailan man pweding turuan . Maaaring sinabi nyang mahal nya ako , pero hindi sapat ang salita.

"Uy, okay ka lang ? Ang tahimik mo , palagi ka nalang ganyan. "

"Aah , wala may iniisip lang ako ."

"Sino sya ?"

"Hindi no ."

"Hmmp .. talaga lang ha ."

"Oo nga , sya nga pala aalis ako ."pag iiba ko pa.

Tiningnan ako nitong nag tatanong .

"San naman ?"

"Basta may bibilhin lang ako ."

"Ayaw mo ba na samahan kita ?"

"Huwag na , may lakad ka din diba ? Isa pa babalik din naman agad ako."

"Oo, oh sya sige ingat ka ha ... dalhin mo nalang yong susi para mamaya, baka gabihin kasi ako.Pero bago ka umalis tingnan mo muna yong damit na susuotin ko kung babagay ba sakin o hindi ."

Ngumiti lang akong tumango at tinapos ang pagkain.Sa totoo lang wala akong ganang makipag usap sa kahit na kanino.Kung mag sasalita man ako ay limitado lang , kung kailangan lang.Katulad nga nitong sa kaibigan ko kahit sya ayaw ko ring kausapin.Ewan ko ba , parang ayaw ko lang sa awra nya o kahit marinig ang maingay na boses nya.

Malaki din ang binagsak ng katawan ko ngayon , dahil na rin siguro sa wala akong ganang kumain o, ang gusto ko lang matulog ng matulog.
Ang pagiging mapili ko sa pagkain ay malaking bagay din.Payat ako pero pakiramdam ko mataba ako.

"Besty !?"

Nagulat akong napadako ang tingin sa kanyang kanina pa ata nag sasalita.
Nag susukat ito ng damit na susuotin nya sa pag alis.

"Huh ?"wala sa anong tanong ko.

"Ano bayan kanina pa kita kinakausap dyan , pero para atang sa sobrang lalim ng iniisip mo nalunod kana. Okay ka lang ba ? Mag dadalawang buwan kanang ganyan ."

"Aa-aah , pagod lang ako ."

"Pagod ?  Panay tulog ka nga dyan eh."

"Sorry na , ano ba kasi yon ?"

"Hayst , sabi ko kung bagay itong damit na to sakin ."

"Aah , okay naman ."walang gana kung sagot at naupo sa  sofang malapit.

Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Pakiramdam ko masusuka ako na ewan .
Hinimas ko ang tyan kung pakiramdam ko'y bumaliktad iyon.

"Hoy okay ka lang ba,namumutla ka nanaman oh."puna nitong tiningnan ako at naupo sa tabi.

Nanatili akong tikom na hinimas himas ang tyan ko.Hanggang sa dumako ang tingin nito sa tyan ko na para bang binabasa nya  iyon.
Hinayaan ko naman sya at nag patuloy lang.

"Sandali parang may mali.Bakit ganyan ang tyan mo parang bilog na ewan , payat ka naman pero parang , parang ano eh --- "

Mataman itong tumingin sa mata ko, ako naman ay ganon din ang ginawang pag tingin sa kanya.

Alam ko kung anong iniisip nya. At ayaw kung patulan yon .. kapag hindi pa ko dinatnan ngayong buwan mag papachek up na ako.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang walang pumapasok na ideya sa utak ko.

Paano nga kung buntis ako ?
O tamang sabihing buntis nga ako.

Tumayo ako sa pagkakaupo at pumasok ng silid .Gusto ko nang mag pahinga at ayaw ko ng kausap.

"Hoy Helena !ibang iba kana talaga.Nag jojoke lang naman ako sa sinabi ko ."

Narinig ko pang sabi nito sa pag sara ko ng pinto.

Dahan dahan akong sumandal don at pinag masdan ang kabuohan ng kwarto.Mga ilang minuto din akong ganon hanggang sa mapagod at mahiga nalang.

Naalipungatan ako sa kung anong tunog na narinig ko kaya agaran kung iminulat ang mata ko sa pagkakapikit.
Nagri-ring ang cellphone ko.Mula sa pagkakapatong nito ay inabot ko sabay naman noon ang pag hinto ng pag ring nito.Pagkatapos ay hindi na ako nag abala pang tingnan kung sino man ang tumatawag na iyon at ibinalik ulit ito sa pagkakapatong nito sa munting table na naroon.

Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang kaibigan ko.

"Akala ko ba aalis sya ."wala sa anong nasabi ko sa isip ko.

"Hoy kanina pa tumatawag si Mr.Montero sayo bat di mo daw sinasagot ."

Panimula nitong napakunot noo ako.
Nanatili itong nakatayo sa pinto at ako naman ay tiningnan lang siya .

"Ano parang hindi mo ata alam ."
Patuloy pa nito.

"Eh sino ba kasi yon ."sa loob loob ko pa

Kapag kuway umiling pa ako.

"Hayst topakin kana nga , malilimutin ka pa.Diba sabi sayo ni Madam ikaw ang napiling mag launch kono nong bagong design ni Ms. Ling sa Saturday ."

"Huh ?"

"Anong huh ?! Gaga nakalimutan muna ba , jusko bes ano bang nangyayare sayo at nag kakaganyan ka ! Remember nong monday sabi sayo ikaw ang maswerteng napili ni Mr. Montero at Ms.Ling na mag launch ng new design ."

Hayst,yon pala nawala kasi talaga sa isip ko.
Pag minamalas ka nga naman ! Bat ako pa.
Bakit ba kasi parang biglang nag bago ang isip ko,lately parang ayaw ko ng mga ginagawa ko.As in ayaw ko talaga.

"Hoy ano ?! Ganyan ka lang ? Ngayon yong schedule na kakausapin ka daw nong Montero kono ! Kaya mag bihis kana te ! Mahiya ka naman sya na yong tumatawag sayo eh ."
Mula sa pagkakatayo ay lumapit ito at naupo sa tabi ko.

Wala talaga akong gana.Wala akong maramdamang kahit anong emosyon ngayon.Pagod ako at gusto kong matulog.

"Ayaw kona ."walang gana kung sabi.

"Ano !? Hindi pwede na ngayon ka pa mag babago ng isip may kontrata kanang pinirmahan ano ! At isa pa akala ko ba gusto mo to, isa pa 3 months lang yong asa kontrata mo kaya ano ka ba tapusin muna yon ."

Parang bigla naman akong nairitang napairap sa kanya.

"Wow lang ha ? Hindi na kita maget's !"
Sunod pang sabi nitong nakataas na ang kilay sa sakin kaya napaarko din ako ng kilay sa kanya.

"Simple lang kasi, ayoko na .Yon lang yon ."
Sabi ko pang tumayo na at kinuha ang cellphone ko.

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon